Nash's POV
Tahimik ang buong paligid.Bumukas ulit ang malaking gate at sobrang daming sundalo ang pumasok dito. Napatingin kaming lahat doon dahil sa dala nilang malaking parang canon.
Para saan iyon?
Bumalik ang attensyon ulit kay Kath. Walang gumagalaw sa amin dahil nakatutok ang auto-H virus device sa kanya.
Tinaas ni Kath ang kaniyang mga kamay at paatras naglalakad pabalik sa dati niyang pwesto.
May pinakawalan na H-virus si Tito Angelo sa kaniyang kaliwa at isang Hiraka virus sa kaniyang kanan.
Ano nanaman trip nila?
Nilagpasan lang sila dahil siguro sa injection na hindi sila maamoy.
Papunta ito kila Tita Claire pero bago tuluyang makalapit sa kanila, nilabas ng isang sundalo ang kaniyang device.
Mukha siyang baril na mahaba pero ang bala nito ay parang bola na kasing laki ng golf ball.
Minasdan namin ang buong pangyayari at laking gulat namin nang tumama ang bala sa noo ng Hiraka Virus at H-virus.,bigla sila naging abo. Wala pang isang minuto.
Lumaki ang mga mata ni dra. Kristina sa gulat at kaming magkakaibigan ay nabighani sa nasilayan namin.
Kung kasing laki ng basketball or mas malaki pa dun na parang bomba ang gagawin, lahat ng h-virus at hiraka virus ay mawawala na parang bula.
"Amazing, isn't it?" Sabi ni Tita Claire.
"Imposible. Paano, nasa iyo ba ang chip na kailangan namin?" Tanong na nagbigay ng kaba kay dra. Kristina, pati sila JV.
"Bakit ganyan itsura mo, anong chip pinagsasabi mo? Remember ilang araw na ang lumipas. After 300 days magiging mahina at hindi magiging mabisa ang mga natitirang gamot. Ang mga H-virus na kumagat sa normal na tao ay kusang mamatay at mga ininjectionan mo ng H-virus ay unti-unti ng mamatay o mas mapabibilis ang pagpatay gamit lang nitong retronym black powder." Explanation ni Tita Claire.
"Kaya gumawa ng antidote si Castillo dahil hindi naman long lasting ito eh, kumbaga naextend lang ang oras ng mga patay." Nakangiting sinabi ni Tita Claire.
"Nasaan si Castillo?" Halatang kabado si Dra. Kristina.
"Secret."Asar na salita ni tita Claire.
Nainis si Dra. Kristina, gusto niya saktan si tita Claire pero nagsalita ulit ito.
"Yes, buhay na buhay siya. He is watching you right now. Sam." Sabi ni tita Claire. Sarcastic ang pagkakasabi niya sa name na Sam.
"Sam?" Tanong ko. Bakit Sam?
"That is her real name. Nagparetoke siya. Ang ginamit niyang balat ay pagmamay-ari ng totoong Dra. Kristina." Sabi ni Alexa.
So it means... shit. Napakademonyo. Pinatay niya ang totoong Kristina.
Hindi ko pa man alam ang buong pangyayari pero unti-unti lumabas ang totoo niyang baho.
"Puta. Kademonyo." Sabi ni Daniel.
Napailing nalang si Xian.
"Hay..." sabi ni Alexa at sinandal ang kaniyang ulo sa balikat ko.
Kinilig naman ako dahil dun ay napangiti ako.
"Why smiling?" Tanong niya sa akin.
"Wala. Masaya lang, tayo na ulit."sabi ko at hinalikan noo niya.
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Mystery / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...
