Chapter 26

95 5 0
                                    

Daniel's POV

Naalimpungatan ako nang makitang babangga kami sa malaking pader, buti nalang at napatigil ko agad ang train. Sumilip ako sa bintana at nakitang ito na ang dulo ng aming biyahe. Narating na namin ang dulo nang lugar na ito. 

Ang Villapres ay narating na namin. 

Sumilip ako sa bintana at nakitang mga gwardiyang nagbabantay. Nasa taas sila at nakatutok ang mga baril nila sa amin. 

Lumabas ako at tinaas ang mga kamay at pinakitang hindi kami mga H-VIRUS. 

Pinuntahan ko ang mga kasama kong nakababa na pala. 

"Magandang Umaga po." Sabi ko sa mga gwardiya.

"Magandang Umaga rin sa inyo." Sabi nung gwardiya. Mukha naman silang mababait.

"Maari po ba kaming pumasok?" Tanong agad ni Xian na wala nang paligoy-ligoy pa at habaan ang usapan.

"Saglit lang. Inaantay pa namin ang leader namin. Siya ang nagdidikta kung papasukin ba kayo o hindi." Sabi niya at mukhang may tumawag sa kaniya aat kinausap gamit ang walkie-talkie. 

Unting-unting nagbukas ang malaking gate. Ang mga materials na ginamit nila sa pag gawa nang gate ay galing sa mga 18 wheeler trucks, yung mahahabang rectangle boxes na binibitbit ng mga truck. Pero parang planado ang lahat, sa pagkat ang mga pader ay semento kung pagmamasdaan maiigi, kung sa unang tingin ay parang mga yero lamang na pinatong-patanong at pinagdikit-dikit. May siwang ang iba kaya masasabi kong pader ang nasa likod ng mga iyon.    

May lumabas na matandang babae at naka lab gown ito. Mukhang ito ang leader na sinasabi nila.

"I am Doctora Kristina. Titignan ko kayo isa-isa, gamit nang aking device. Pumila kayo." Sabi niya. Mukha siyang striktong guro dahil sa kaniyang boses. 

Pumila na kami. Naunang tinignan ang pinakabata sa aming lahat na si Gwen. Tintutok ang kaniyang device sa mata nito.

"Tumingin ka dito." Utos niya. Pinagmamasdan lang namin ang kaniyang ginagawa. 

Bago siya tusukin ng injection ay sumingit si Mang Max.

"Para saan yan?" Tanong niya.

"To check her blood." Matipid na sagot ni Doktora.

"Ahh." Sabi ni Gwen sa sakit. Binigla ba naman.

"hey, dahan-dahan lang." Sigaw ni Xian.

"Respect." Sabi ni Doktora sa kaniya.

"I'm sorry. Doktora, dahan-dahan lang sa pagtusok. Bata yan eh." Sabi ni Xian.

Ngumisi lamang ang doktora sa kaniya. 

Naunang pumasok sina Gwen,Mang Max, Xian, Nash at Kathryn, kasama ang dalawang gwardiyang naka black na t-shirt, sa gilid nila. Mukhang sundalo sila dahil sa katawan nila. Kaming tatlo nalang na iwan sa labas.

"Let me scan your eyes." Sabi nang device na hawak niya. It's like a ballben na may umiilaw na parang sa projector kung saan galing ang image. Tinapat ito sa mata ko at wala pa ilang segundo ay natapos naman. 

Sumunod na ginawa sa akin ay ang pag inject niya sa akin. Kinuha niya ang dugo ko at sinabing negative nang device niya. 

Agad natapos si Alexa. Nang si Kim na ay natagalan.

Nag red ang ilaw nang device at lumikha na nakakabinging ingay. Tinakpan namin ang mga  tenga namin dahil sa tunog. 

"Positive." Sabi nang device. What does it mean? Lumabas ang mga sundalo at mga gwardiyang mga naka black.

"Hindi po siya nakagad kung yun ang iniisip niyo or yang hawak niyo." Sabi ko naman.

"Buntis po siya." Sabi ni Alexa. Agad naman binaba ang mga nakatapat nang baril kay Kim.

"Oh my God. Another one again." Nalungkot ang boses ni Doktora. 

"Bawal po ba ako jan?" Tanong ni Kim na kalmado.

"Oo, hindi pwede." Sabi ni Doktora. 

"No, ano'to? akala ko ba lahat nang kailangan namin ay sagot niyo." Natatarantang sagot ko. Asan na ba mga kaibigan namin? 

"That's the rule. Hindi na kami magpapapasok nang buntis." Masungit na parang walang puso ang kaniyang linahad.

"Puta, please just please, help us." Sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko, hindi naman pwedeng maiwan si Kim dito. At nakapasok sa loob na ang iba naming kasama at hindi alam ang nangyayari ngayon. 

Nagsenyas ito na saglit lang. At lumayo nang konti sa amin at may kinausap sa walkie-talkie niya. Lalapitan ko sana para kausapin at magmakaawa pero hinaraangan kami nang mga armadong mga sundalo. 

"Kaya ko naman mag-isa dito sa labas. Kasalanan ko naman ito ----" Hindi na tapos ang sasabihin ni Kim nang sampalin ito ni Alexa.

"Don't be stupid. Wag mo sisihin sarili mo. Isa pa, katahangan lang talaga sagot mo eh... Kaya mo? sigurado ka? Buntis ka saan ka kukuha nang pampalakas mo kung wala kang kasama. Kung hindi ka pwede dito, sasama kami sayo." Sabi ni Alexa. Yumuko lamang si Kim sa sinabi niya. 

"Sorry for slapping you, I didn't mean to do that. Nadala lang ako." Mahinahon niyang sinabi ni Alexa at yinakap ito. 

Hindi ba talaga para sa amin ang tumira dito sa Vilapres? Kaya ba lagi kaming nauudlot makapunta dito? 


300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon