Kathryn's POV
Lumabas na ako at mga ninakaw naming pagkain ay linagay ko sa van namin.
Pinagmasdan ko ang paligid at wala naman nakasunod sa akin. Nasa Kwarto nila si Mang kenny at natutulog.
Pumunta na ako sa farm house kung saan una akong inutusan kung ano meron sa likod ng pintong iyon.May dala akong screw driver para tanggalin ang pagkalock nito. Dahan dahan kong tinataggal ang mga ito at tumitingin sa paligid kung may sumusunod sa akin. Nangtanggal ko lahat at unting untin tinulak ang pinto, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at napatakip ako ng bibig at nanginginig ang buo kong katawan sa nakikita ko. Sapatos ni Elmo ang nandito. Puro dugo ang paligid, parang ang lugar na ito ay ang pangkatay nila sa mga hayop... or tao.
Pumasok ako sa loob at hindi ko maiwasan masuka sa mga nakikita ko, naka jar na puro mata, puso at kung ano anong laman loob... may nakakalat pang electroshock weapon dito at mukhang bagong gamit at pinulot ko ito. May isa pang pinto nandito subalit hindi ko ito mabuksan kahit anong lakas gawin ko.
Sa paglilibot ko dito ay nakatapak akong ulo nang tao.
"fuck!" sigaw ko.
"Gulat ka?" sabi ni Mang Kenny na kasalukuayan ako ay nakatalkiod sa kaniya. Fuck. Nasundan ata ako...
"Kamusta ang pamamsyal dito?" sabi niya pa. Humarap ako sa kaniya at nakita kong naka ngisi siya sa akin. Ngayon lang ako kabahan nang ganito.
"Tangina ninyo!" sabi ko nalang sa sobrang inis.
"Hinay -hinay sa pagmumura ija, hindi mo kilala ang kaharap mo." sabi nito at ngumisi ulit sa akin.
"Mga halimaw kayo! Pumapatay kayo nang tao. Mga walang puso!" sabi ko. Ilang tao na ang nabiktima nila dito?!
"Syempre, kailangan mabuhay..." sabi niya.
"Gago ka! May mga alaga naman kayong hayop, bakit kailangan niyong patayin at kainin mga kapwa niyo! Kadiri kayo." sabi ko.
"Kailangan magtipid. We need to surive. Survival na ang usapan dito. At kami nalang ang merong normal na pamumuhay ngayon." sabi niya.
"Normal? Kailan pumatay ng taong buhay at kainin?" sabi ko. Nang gigil ako sa inis. Demonyo siya, akala mo mabait pero sa loob nito napaka gago niya... nila.
"Bakit? Masarap naman mga pagkain ninyo kanina ah." sabi niya.
Nakakaduwal, Itlog nalang ata ang matino kong nakain at gatas.
"Sarap na sarap kayo sa hotdog kanina." sabi niya pa.
"Fuck you." sabi ko. Nagulat ako ng itapat niya ang kaniyang baril sa akin. Linabas ko din ang akin.
"Wooah. Akala ko ba, hindi normal ang pagpatay nang tao sayo, bat mo ako papatayin ngayon?HAHA" sabi niya pa.
"Tao ka pa ba? Demonyo ka." sabi ko. Nangigil na ako sa galit. Galit na kung hindi ko makokontrol ay mapapatay ko na siya.
"ikulong yang babaeng yan." napakunot ang noo ko nang may kausap siyang iba.
Napatingin ako sa likod ko. Nagulat ako nang may iniject sa akin na pampatulog. Hilong-hilo na ako.
Daniel's POV:
Dalawang oras na ang nakakalipas at hindi pa bumabalik si Kathryn. Ang usapan ay bago mag hapunan ay nandito na siya at silipin lang at balitaan kami sa kung ano meron dun sa farm house na sinasabi ni Kim.
"Asan na siya?" tanong ko sa sarili ko at napatingin ako sa bintana. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at naipakita si Mang Kenny. Lumabas si Mang Kenny?
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Gizem / Gerilim300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...
