Chapter 50

28 1 0
                                    

Nash's POV

Sinusundan namin si Xian papunta sa may dagat dahil baka kung ano gawin niya.

Halos one week na siyang tulala at nasasaktan katulad kahapon nung nilimbing na si Kim, tumalon siya sa hukay at niyayakap niya si Kim.

Ngayon nakapikit siya sa harapan ng dagat.

Hawak-hawak niya pa din yung sulat ni Kim. Never na niya ito binitawan pati sa pagtulog.

Binigay ito ni Dra. Claire sa kaniya nung namatay si Kim.

Ito daw ang bilin ni Kim if ever daw na may hindi magandang mangyari sa kaniya.

Xian loves Kim so much. Kaya sobrang sakit din ng narararamdaman niya ngayon.

"Magtatago lang ba tayo dito? Hindi ba natin siya lalapitan?" Tanong ni Alexa.

"Guys!" Tawag ni Xian sa amin pero kaming mga kabado at tanga lalong nagtago sa likod ng bangka.

"Nakikita ko kayo. I will not do anything wrong!" Sigaw niya sa amin at tumatawa pa.

"Halah, okay lang ba talaga siya? Hindi ganun yun tumawa." Sabi ni Daniel habang tumatayo sa pinagtataguan namin.

Tumakbo si Daniel papunta sa kaniya.

"Guys, daliii group hug!" Sabi ni Daniel.

Sumunod naman kami sa kaniya. Xian opened his arms naman kaya we are welcome mag group hug sa kaniya.

"Aray. Nakakasilaw naman yan." Sabi ni Kath.

"Sorry. Tago ko nalang." Sabi ni Alexa.

Tinignan ko kung ano yung tinutukoy ni Kath pero napatingin ako ng todo dahil may parang spark dahil sa tama ng sikat ng araw.

"Teka!" Sabay kaming tatlo nina Daniel at Kath.

"Huh, bakit? Akala ko masakit sa mata?" Nagtatakang tanong ni Alexa.

"Xian, tawagin mo si Liza dali, mukhang nasolve na natin yung huling mystery clue!" Utos ni Daniel.

"Tanggalin mo nga muna tapos tapat mo sa araw." Sabi ni Daniel.

Tinanggal naman ni Alexa at tinapat sa araw pero wala naman nangyayari.

"Try natin sa ibang angulo..." sabi ni Kath.

Sinubukan din namin ulit pero wala pa din.

Nakita na namin na tumatakbo papunta dito si Liza at Xian.

"Why?" Hingal na tanong ni Liza.

"Patingin ulit yung huling message or clue or anong tawag niyo dun sa papel." Natatrantang utos ni Daniel.

Kinuha ni Liza sa kaniyang bulsa ang box at inabot kay Daniel.

Agad naman niya ito binuksan at hinanap ang papel.

"If completed, I must be seen. The eye in the bright line across the sea. The sun may rise or the sun may set. I can wait but don't be late." Binasa ni Daniel ng malakas.

Ulit ulit niya ito binabasa.

Kinuha ni Kath yung necklace ni Alexa at pinagtatanggal ang pagkakadikit nila.

"Pahiram nga ng shades." Sabi ni Kath. Inabot naman din ni Alexa yung shades niya.

"If complete, I must be seen..." sabi ni Kath.

"Ito yung araw, ito ang ang angulo." Sabi ni Kath na parang kausap niya sarili niya.

Binigay muna ni Kath mga ibang pieces nung puzzle kay Alexa.

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon