Chapter 39

37 1 0
                                    

Alexa's POV

Flashback

Tumatakbo ako dahil hinahabol ako ng mga zombies at may dalawang malalaking tao na humahabol sa akin. Nung una akala ko tutulungan nila ako pero dahil masama ang tingin nila sa akin at iba ang kutob ko, kaya napatakbo ako.

Sinusubukan kong buksan isa-isa ang mga classroom na pwede kong pagtaguan at dito ko nakilala sila Kathryn.

Umakyat kami sa terrace nang eskuwelahan at pinagusapan ang tungkol sa virus na ito.

Ito na pala ang simula. Napatulala ako at napaisip nang malalim at napansin ito ni Kim. Gusto ko sana sabihin ang nalalaman ko pa kaso natakot ako baka umiwas sila akin tulad sa nangyari sa amin ni Nash.

End of Flashback

"Welcome back." sabi ni Dra. Kristina at pumalakpak ito at lumabas ang mga iba't ibang group ng community na ito. Ang Adriot team kung saan dapat dito papasok sila Xian and Nash subalit hindi sila nakapasa sa game play pero ang alam ko next week lilipat na sila dito. Ang Intellect team kung saan kakampi ang leader nila Daniel si Dra. Kristina kaya kami nabigo sa plan A. Ang Heuristic team na puro kademonyohan ang ginawa sa akin, kulang nalang ay patayin ako tuluyan pero hindi nila pwede yun gawin sa akin dahil alam nilang babalik si mommy para iligtas ako. At ang huling grupo ay ang mga kasamahan ni Kath ang Leader group at mga may knowledge sa computer.

Tahimik ang buong paligid, balak umatake ang isang kasamahan ni mommy pero pinigilan niya ito.

"Ang sabi mo sugod, tinawag ko lang mga kasamahan ko tumigil kayo. Bakit? At isa pa paano mo nagawa iyun? Nabuhay ka sa Hiraka virus, will you now share your story?" Sabi ni Dra. Kristina.

Magsasalita sana si mommy pero naputol ito at nagsalita ulit at tumingin sa akin.

"Alexa... I do hope na you know that ONE of your friends is ALSO my target." Sabi niya habang tinitignan kami isa-isa.

Nagtataka ako kung sino pa sa amin, nagtinginan kaming lahat kung ano ibig niyang sabihin.

Sino pa ba? Inaalala ko ang pangyayari noong nakatira pa kami sa bahay namin.

Flashback

Sumisilip ako sa bintana at nakikita mga ilang-ilang zombies naglalakad sa labas at ayoko na lumbas, ayoko iwan itong bahay namin at natatakot ako.

Kagabi na alimpungatan ako dahil bigla sumakit right foot ko. Pumunta muna ako sa terrace para tignan ang langit subalit natakot ako dahil may dalawang taong nakadungaw. Napaatras ako sa takot at tumakbo paloob ng bahay. Gusto ko sana sila gisingin kaso hindi ko na ginawa dahil nung sumilip ako sa bintana ng kwarto ay umalis na sila.

Sila rin ang humabol sakin sa school noon.

Ano ba meron bat ako hinahabol, all I know is my dad and my mom knows about this and I am not interested but now I am curious!

Tumutol ako sa sinabi ni Kath na gusto na umalis dito kaso ayoko iwan ang bahay, akyoko na lumabas parang mas nakakatakot. Tama lang naman ang sinabi ni Nash, kung pwede ko lang buhatin ang bahay na ito, ginawa ko na.

Biglang sumigaw si Xian na may mga zombie sa labas.

Paano sila nakapasok. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang dalawang lalaki tumakbo palayo at nawala ang generator.

O.M.G! They want to kill me. Ayoko naman madamay friends ko and I am scared na baka iwan nila ako dito.

End of Flashback

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon