Chapter 10

197 8 0
                                    

Okay sorry late na because napaka busy lang talaga. College life na eh so sorry talaga. Merry Christmas and Happy New year. 
-------

Alexa's POV

"Now what are we gonna do?" I asked them. We are here na sa parking lot ng school. Nagtatago sa ilalim ng hagdanan. 

"Kailangan natin makapunta sa van ni Nash nang hindi napapansin." sabi ni Kim.

"Paano po eh nasa pinakadulo na ngayon ay nandun mga zombies?" sabi ni Nash .

Napaisip ako. Naalala ko yung nangyari sa akin kanina. 

Flashback

Nasa sulok ako ng mga lockers and no choice kahit puro dugo-dugo dito I need to hide.  Habang nagkatayo dun sa gilid at busy sila ate Kim na patayin ang mga zombies may isang zombie na lumalapit sa akin. 

I was shouting for help but they can't hear me screaming.

Syempre, kinakabahan  ako kaya pinikit ko mata ko at pilit hindi huminga.

Ang lapit ng mukha niya sa akin. 

I'm so scared. 

Inaamoy amoy ako hanggang sa bigla siyang umalis.

 They can't see me. Hindi ko alam kung bakit. 

Curious ako, kaya umalis ako dun at mali ang aking nagawang move. Na sense nila ako na may tao dahil sa natapakan kong ingay? or dahil naamoy nila ako. 

Yan na yung nakakita ako ng chainsaw at naging sandata ko ito.

End of flashback 

"I have an idea at feel ko effective siya." sabi ko 

"Ano?" sabi ni Daniel  

"I think we need to play dead." sabi ko, kahit kadiri. I think ito nalang ang tanging paraan para makasakay na sa van at makasalis na dito.

"How?" sabi ni Nash

"Simpleng nakaka-eew pero we need to do this thing. Magpapahid tayo ng blood ng isang  zombie para maamoy tayo na parang isang zombie." sabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin... with a question mark facial expression

"Ahh? kasi hindi talaga tayo mapapansin, yan ang nangyari sa akin kanina, though may mga dugo-dugo sa mga locker at paligid ko kanina kaya nakaligtas ako at isa pa hindi talaga tayo nakikita eh. I don't know what kind of sense they have." sabi ko. 

"Game na. We need to survive maslalo ngayon na may mga alam na tayo about sa virus na ito." sabi ni Kathryn.

Wala nang paligoy-ligoy at nagpahid na kami ng mga dugo sa katawan namin. 

At syempre, para magmukha kaming mga zombie talaga, the style ng aming paglalakad ay parang zombie. 

Pasuray-suray na parang isang lasing.

Pakuba kuba.

And mga mata na parang nakakapatay.

"Wag tayo magsasalita pag nandun na tayo at dahan-dahan. Xian ikaw ang magdrive." sabi ni Kim

And now we start walking we them. 

Tumitingin sila sa amin at parang may gustong sabihin subalit "grrrrahhh" lang ang naiintindihan.

May lumapit sa akin at ako ay kinakabahan baka mahuli ako.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa may tapat ng van pagkabukas na pagkabukas at pagkadrive umalis na kami.

"Wew! we made it!" sabi namin 

"Guys wag muna natin 'to tatanggalin" sabi ni Kath

"Ate... eewww na eh ang baho ko na..." sabi ko  

umaanggal na ako ugh

"Kailangan natin maghanap ng matitirhan kaya tiis tiis muna." sabi ni Kath

"May alam akong lugar na medyo malayo layo dito sa city." sabi ko 

And just wow! Pagtingin ko sa bintana ng pagkalabas na kami sa campus. 

Parang nagka world war. 

Sira-sira lahat ng mga bagay. 

Walang katao tao na

Lahat siguro nagtatago 

Or lahat sila zombie na?

Naiyak na lang ako bigla

"Shhh tama na Alex..." sabi ni Nash na Hinihimasan likod ko.

"Paano pag zombie na rin si mom, si dad and my younger brother? Paano mga mahal natin sa buhay? Asan sila." sabi ko.

Natatakot ako baka patay na sila.

Ang tahimik nang byahe. Na patahimik rin sila dahil sa nasabi ko.

How can we survive? 

How to stop this virus?

Sino pa makakatulong sa atin?

"Guys may binanggit si Bea kanina bago siya tuluyang namatay." sabi ni Kathryn to break the silence.

"Ano ang sinabi?" sabi ni Xian habang nagmamaneho.

"Itong gamot na'to...Sabi niya i- inject lang natin to hindi na tayo maamoy----" hindi natuloy ang sasabihin ni Kathryn.

"Halah may ganyan pala tayo bat hindi natin'to ginamit kanina?!" sabi ni Daniel

"Hehe nakalimutan ko eh pasensya heh.e" sabi ni Kathryn na papakamot sa ulo.

"Anyways, kailangan natin mahanap ang step mom ni Bea---" naputol muli ang sasabihin niya 

"what nanay ni Bea si si ano na? ano name? Basta yun" sabi ni Nash

"Bago natin paguspan niyan, pwedeng mamalengke muna tayo nang kakainin natin?" sabi ni Xian 

oo nga naman we need to get foods din. 

"Saan kuya?" sabi ni Nash

"Dto nalang siguro.." sabi ni Xian. So pinark nya at humarap sa amin.

"so the plan is to get foods. Mga delata nalang at mga pagkain na hindi na kailangan lutuin sa mantika. Nash and Alexa kayo sa mga snacks. Kathryn and Kim kayo sa mga canned goods. Ako at si Daniel sa mga inumin. Okay? kita kita tayo dto sa labas. magiingat." sabi ni Xian. 

Wait parang may kulang...

"Kuya kami na rin kukuha ng mga toothbrush, toothpaste, sabon at pagkalabas natin at nailagay na dito mga pagkain, kailangan din natin ng susuotin noh tulong tulong tayo nyan." sabi ko 

Nakatingin silang lahat sa akin...

"Why? What? Hello hindi natin dapat kailmutan ang ating kalinisan sa katawan kahit papano." sabi ko.

"Tama nga naman. So ano na game na?" sabi ni Kim

"Pwedeng gamitin natin ung gamot just in case lang." sabi ni Daniel

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon