2:30am ginising ako ng isang malakas na hampas ng hangin at mga puno sa labas pati ang malakas na pagbuhos ng ulan,tila parang ramdam ko ang bawat pag patak nito. Monday nun,may pasok. 3:00am talaga ako gumigising dahil pang umaga ang pasok ko 5-12pm. So,naunahan ko ang alarm clock gumising (for the first time) Ang lamig,parang ayoko na pumasok nung mga oras na yon at nakakatamad naman talaga. Pero ewan parang hinihila ako ng mga paa ko sa banyo para maligo,tila pilit ding bumubukas ang mga mata ko at pinipilit akong pumasok nung araw nayon.
Fast forward: Habang nagkaklase kami at yung teacher namin nag di-discuss sa harap,May biglang nag excuse na guardian,nanay pala ng classmate ko si Jim. So,dito palang actually magsisimula ang kwento ni Jim. Hindi daw makakapasok sobrang sakit ng ulo. Dahil literal na masakit lang ang ulo ,dedma lang kami. Fast forward: After mga 2 weeks na hindi parin pumapasok si Jim. Syempre,itong teacher namin nag aalala na at panay na ang tanong. San daw ang bahay at mag ho-home visit siya dahil ang tagal ng absent. Wala na daw bang balak pumasok tong batang to? At nasarapan naman daw yata sa pag a-absent? Kami naman (Poker face) kasi alam naming masipag tong si Jim. Matalino,magaling sa math at minsan lang to umabsent. A-absent lang siya kapag may emergency,may lagnat at ngayon lang siya umabsent na 'masakit ang ulo' lang ang reason. Habang topic ng JIM ang buong klase,dumating yung nanay niya. (speaking of Jim) Dumiretso ito kay Ma'am at dun nagkwento. Pansin namin na mugto ang mata,parang walang tulog. Parang kagagaling lagi sa iyak,parang naka-drugs. Kasi mukang sabog. So,pag alis ng nanay ni Jim sinabi samin ni Ma'am yung sitwasyon ng classmate namin. Nasa hospital daw comatoes. Sabay nito ang pag taas ng balahibo ko sa braso pati sa batok. Shocked kaming lahat? Di kami makapaniwala kasi nung isang araw nahihilo lang. Nadulas pala si Jim sa cr nung naliligo bago pumasok (siguro sobrang antok pa niya that time dahil 3:00am ang gising) at tumama ang ulo,hindi agad naagapan kasi natakot daw yung bata na sabihin na nabagok siya.
Fast forward: Sa paggapang ng petsa,yun naman ang paglala ng kondisyon ni Jim. Pray lang kami ng pray. Iyun lang kasi ang tanging 'tulong' na kaya naming maibigay nung panahong yon. Pero lumalaban daw si Jim. Tulad ng sinabi ko while ago, Matalino si Jim at masipag mag-aral kaya marami pa siyang pangarap sa buhay kaya kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang piliting bumangon sa pagkakahiga. Kailangan na niya makapasok at makabalik sa klase. (Grade glasses emoticon kalagitnaan pa naman na ng Third Quarter.
Fast forward:
5:00 papasok ako sa room,Naks wala pang tao. Ako ang kauna-unahan sa araw na'to. Tumayo muna ako sa labas akala ko kasi locked yung pinto. Habang nakatayo ako,naaninag ko sa bintana may nakaupo. Kingina sa upuan ni Jim. Excited akong tignan na baka pumasok na siya? Na baka okay na siya. Ewan nagulantang ako. Madilim pa nun kaya diko masyadong maaninag yung nakaupo. (paharap sa blackboard) Binuksan ko yung pinto, Jusko. Si Jim! Pumasok na si Jim. Gusto ko agad siyang lapitan nun at kausapin kaso baka bawal,baka sensitibo pa ang lagay niya,baka bawal pa syang hawakan. Kinausap ko siya.
Ako: Jim! Uy? Buti pumasok ka na,kumusta ka? Comatoes ka daw ng ilang weeks? Okay kana ba?
Tahimik lang siya,nakaupo sya hindi gumagalaw,ang anggulo nya kasi ay patalikod kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Tanging ang maliit na katawan niya lang at ang pamilyar na height. Paulit-ulit ko siyang tinanong, hindi sya sumagot kahit minsan,tahimik lang siyang nakaupo. Naisip ko na baka ganun talaga ang mga kagagaling sa comatoes,hindi mo agad makakausap ng matino. Umupo nalang ako nun at dumukdok sa armchair. Nung unti-unti ng nagliwanag, isa isa ng nag dadatingan ang mga kaklase ko,naka dukdok parin ako tulala. Nagsimula na'kong kilabutan,ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko mula talampakan hanggang bunbunan. doon ko palang na-realize na comatoes nga pala si Jim at hindi pwedeng kaagad magigising. Natakot ako,biglang parang may mga dagang naghabulan sa dibdib ko,ramdam ko ang pagbilis ng tibok. hindi ako makatingin sa kinalalagyan niya kanina pero pinilit ko. Tulad ng ine-expect ko wala nga si Jim. Pilit kong pinasok sa isip ko na imagination lang yung kanina at dala lang ng matinding antok. Pero hindi. Totoong totoo yung kanina. Nakita ko talaga siya. Si Jim talaga yung kasama ko sa room kanina. Hanggang matapos ang klase tulala ako,hindi ko alam kung paano ike-kwento sa kahit na sino dahil hindi ko rin alam kung paniniwalaan nila. Sobrang hindi ko makalimutan! Ngayon,grade 9 nako. Mahigit kalahating taon na ang lumipas,parang sariwa parin lahat ng detalye.
Sana masaya na siya kung nasan man siya. Salamat sa nakakakilabot na pagkakataon at hanggang ngayon nakatatak parin sakin,first time ko kasing mamatayan ng kaklase. Sana ma-post 'to.
Ps. R.I.P Jim frown emoticonKen ChanSunday at 21:20