Ang Usa sa Kanlaon

500 5 0
                                    

Ang kwentong ito ay tungkol sa Lolo kong si lolo Maeng (Di tunay na pangalan, bilang respeto na rin).

Jaro, Iloilo
Taong 1980's

Si lolo Maeng ay isang mangangaso (hunter), madalas siya at ang kanyang mga kaibigang mangaso sa mga kabundukan sa iloilo o sa mga karatig bundok o kagubatan sa mga karatig bayan katulad sa Capiz, Negros at iba pa. Sabi nila ante, mga bata pa raw sila ng mga panahong iyon at tuwing pumupunta sila sa bahay nila lolo Maeng e talagang humahanga sila sa mga ulo ng mga hayop na nakapaskil sa sala ng bahay nila. Bilang isa na ring maituturing na sports ang hunting at bago pa umuso ang mga mountain climbing para sa mga millenials ay eto raw ang isa sa maituturing na past time ng mga kaibigan ni lolo at ng mismong lolo ko. Isa sa mga naisipan nilang puntahang bundok ay ang bundok ng Kanlaon sa Negros.

Dala-dala ang mga baril ay nagpunta silang magkakaibigan doon. Kasama na rin sa mga sakripisyo ng pangangaso ang pagod sa paglalakad at pag akyat ng bundok kaya nung may nadaanan silang batis ay nagpahinga muna sila. Habang nagpapahinga ay may nakita raw si lolo na isang puting usa. Dahil na rin sa passion ni lolo sa pangangaso lalo pa at kakaiba ang usang ito dahil kulay puti ay parang nangati raw ang palad nitong barilin ito ngunit pinigilan siya ng mga kasama nya.

""Maeng, wag mong barilin. Baka alaga yan ng nagbabantay dito"" ani raw ng kasama nya pero hindi nakinig si lolo. Binaril nya pa rin ito. Nung pagkabaril nya rito ay parang may narinig raw silang sigaw ng isang parang nasaktan sa paligid sabay hangin. Nung humangin ay may naglaglagang mga tuyong dahon at maliliit na tangkay kay lolo na agad naman niyang hinawi. Dahil don ay natakot na ang mga kasamahan ni lolo kaya nagsiaya nalang umuwi at sinabihan nalang si lolo na wag nalang iuwi ang usa na sinunod nalang nya. Kahit para sa kanya, wala namang kaso kung magpatuloy sila o hindi dahil parang hindi naman siya natatakot sa sinasabi ng mga kasamahan nyang ""may nagambala raw sila"".

Pagkauwing pagkauwi ni lolo ay biglaan na siyang tinrangkaso. Patuloy rin ang pangangati ng likod niya. Sabi nila ante, nagsimula ito sa parang gatuldok na kamot hanggang sa unti-unti na itong lumaki at naghugis tangkay na katulad sa mga tuyong tangkay na nakita ng asawa niya sa may bulsa ng damit niya (Sabi nila ante, pag hinawakan mo raw yung sugat ni lolo sa likod, parang kasing gaspang rin ng tangkay). Pagkalipas ng tatlong araw ay lalong lumala ang sugat sa likod ni lolo at sakit nya kaya dinala na raw nila ito sa hospital.

Sa hospital ay lalo lang lumalala ang karamdaman ni lolo. Wala ring nahanap na sanhi ang mga doctor. Para hindi makabastos at dahil parang bawal din sa hospital ay palihim na pinasok nila ante at ng asawa ni lolo ang isang albularyo. Unang kita pa lang ng albularyo kay lolo ay agad daw nitong sabi na ""Bakit nyo siya dinala sa ospital?"" na agad namang pinagtaka nila ante at ng asawa ni lolo. Doon nila napag alamanang totoo ngang naengkanto si lolo. Napatay raw ni lolo ang alaga ng engkantong nagbabantay sa isa sa mga gubat sa Kanlaon. Kaya raw gumanti ito sa kanya pero dahil dinala raw nila sa ospital si lolo ay imbes may magawa pa raw sila ay mas lalong lumakas ang kapit ng sumpa kay lolo. Makalipas ang ilang araw ay tuluyan na ring namatay si lolo. Sabi nila, noong namatay si lolo ay parang trunk na ng puno ang kanyang balat sa gaspang nito dahil sa kumalat na rin ang sugat sa buo niyang katawan.

**Isa ito sa mga payo nila, na kapag raw naengkanto, wag dadalhin sa ospital dahil pag dinala sa ospital, mahihirapan o minsan wala ng magagawa ang albularyo. Kaya isa ito laging paalala sa amin na kung hindi ka pamilyar sa lugar, ay wag itong gagambalain dahil mas mabuti ng nag iingat kesa sa huli, ikaw ang magsisi**

short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon