Maliit pa lang ako palagi na akong nagkakasakit at na aadmit sa hospital. Nakatira kami sa bahay ng lola ng mama ko since dun sya lumaki at ako na rin. Marami na ang may experience sa bahay na yun. Everytime may mali ka na ginagawa, may nagpaparamdam sa'yo. One time yung isang lolo ko nagdala ng babae biglang sinira ang pinto. Yung para bang sinipa ng malakas na ang lakas ng sigabong. Marami kami dun sa bahay since luma na at tsaka ang laki2 nun at gawang kahoy.
Ako ay napakafriendly at makamasa, until now. At sabi nila may imaginary friend daw ako. 3yrs old pa lang ako kinukwento ko na sa teacher ko kun saan nag aaral yung kaibigan ko at kung ako ba sya kabait saakin. Nagtataka sila kung paano ko daw nalalaman yung ganung school dahil nag eexist talaga yun. Hindi ko na maalala ngayon pero ang alam ko tinatawag ko syang "Manang Kikay (ba yun? Or Pitay?)". Until grade 1 na ako. Ipapaayos yung kusina namin kaya gabi nun inalis na yung pader kaya open talaga yung kusina namin. Wala kaming first floor sa bahay dahil may hagdan pataas pag nasa gate ka. Ilang feet yung taas mula sa itaas pababa. Pababa mo garden namin yun.
Dahil palagi akong my sakit, hindi ako kumakain pag hindi naka alcohol or nakapanghugas ng kamay. Yung gripo namin nasa last step ng sahig at mahuhulog na talaga ako dahil wala ng pader. Bigla akong nadulas at nahulog kung saan nakalagay ang mga kahoy at may mga bato rin. Hindi ko na naaalala kung ano yung feeling basta nakadilat pa rin ako. Nakikita ko si mama umiiyak dala2 ang kapatid ko. Kinuha ako ng lolo at tsaka ng maid namin at pinaakyat. Goodthing yung mga pako ay nasa paa ko at yung ulo ko raw ay nakasandal sa malaking bato. Binuhat ko nila at parang di ako makasalita. Hindi rin ako umiiyak dahil hindi ako palaiyak mula bata pa. Pag akyat sa kwarto ipapa hospital na sana ako at tumawag na sana ng ambulance. Bigla na lang akong tumayo at sinabing "Ma? Pa? Bilisan nyo na. May miss pa ako mamaya" nagulat silang lahat at natulala saakin. Pinatayo ako at lahat kami ngtaka kung bakit di ako nsaktan, nagkaroon ng bukol, bruise o maging gasgas man lang.