Babae sa Corridor

319 3 0
                                    

Nangyari tong kwentong to nung isang weekend last year sa may isang Condominium sa Ortigas Extension. Hindi mataas ang building ng condo dahil 6 floors lang bawat building. Binilhan ako ni Mama ng unit sa condo dahil safe naman ang lugar, malayo sa baha at higit sa lahat malapit sa trabaho ko.

Personally, hindi ako naniniwala sa mga maligno o multo. Kapag namatay ka, that's it. Wala na. Kumbaga, the end. Pero after nangyari sa akin nung weekend na yun, natatakot na akong mapag-isa sa mga madidilim na lugar.

Monthsary namin ng girlfriend ko ng Sabadong yun. Mahilig siya sa pagkain. Dahil eksakto namang kabubukas lang ng Vikings sa Megamall, doon kami kumain. At dahil weekend, marami ang nakapila. Matiyaga naman kaming naghintay kaya nakakuha din kami ng table.

Mga 10pm na kami nagpasyang umuwi. Inihatid ko muna sya sa bahay ng Tita nya sa may Cubao dahil may pupuntahan sila kinaumagahan. Pagkahatid ay nagtaxi na ulit ako pauwi sa Condo sa may Ortigas Extension.

Normal naman ang lahat. Pagpasok ko sa main gate, nagtanong si Kuya Guard kung anong unit, then sinabi ko and diretso na sa building ng unit ko.

Dahil magha-hating gabi na at walang buwan, sobrang madilim ang paligid pagbaba ko ng taxi. Walang tao sa buong paligid. Kaya pag alis ni Kuyang driver ng taxi, nangilabot ako sa lamig ng hangin, nakakapanindig-balahibo. Kahit may mga yellow dim lights sa mga lamp post, medyo nakakatakot pa din. Parang iisipin mong may white lady na bigla nalang susulpot galing sa kung saan.

Sa isiping yun, naalala ko ang kwento ng matandang may-ari ng katabing unit namin na nakasabay ko sa elevator minsan. May third eye daw sya kaya nakakakita sya ng mga multo. Kwento nya, may nagpapakitang babaeng multo daw sa building namin. Naka-uniform na pang-estudyante at duguan ang muka na natatabunan ng mahaba at maitim na buhok.

Nanindig lalo ang balahibo ko kaya dire-diretso ako sa elevator. Natatakot akong tumingin sa kaliwang corridor at sa kanan na medyo may kadiliman, na halos di mo na maaninag ang dulo. Wala pa man akong nakikitang multo, pero naninindig na ang balahibo ko. Mabuti nalang at bumukas na ang elevator.

Nasa sixth floor ako kaya medyo may konting tagal bago makarating sa unit. Pagkasara ng elevator, kinuha ko ang iPhone ko para kunwari malibang. Nasa isip kong kapag tiningnan ko ang mga photos, malipat sa iba ang naiisip ko. Pero pagdating ng second floor, bumukas ang pinto ng elevator at ang nakakatakot, walang taong nakaabang. Ayoko rin namang lumabas pa at tingnan ang corridor kung may taong naglalakad, na baka nainip lang kaya umalis. Mamaya makakita pa ako ng multo.

Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko sa kaba kaya nagmamadali kong pinindot ang close button. Grabe ang kaba ko ng mga oras na iyon. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Na baka bumukas ulit sa third floor at nandoon na ang multo, tapos papasukin ako sa loob elevator, tapos sasakay sa likod ko at kung ano ano pa. Ngunit awa ng Diyos, di na bumukas sa third floor.

Kabado padin ako dahil may tatlong floors pa. Puro mura ang nasa isip ko. Lalong lumikot ang aking imahinasyon. Na baka pagdating ng fourth floor, bumukas na at nandoon na ang multo nakaabang. Shit.

Pagdating ng fourth floor, eto na ang bangungot sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan kailan man.

Pagbukas ng elevator, kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw, nandoon ang babaeng multo sa labas, nakakatakot at nakatitig sa akin. Madungis ang lumang school uniform nito at puro maitim na dugo ang nasa mukha. Nanindig lahat ng aking balahibo at halos himatayin na ako sa takot. Pawis na pawis at kabang kaba. Nasa isip ko din na baka ito na ang last day ko sa mundo. Naluha na ako ng nakita kong gumalaw sya. At dala siguro ng adrenalin rush, nanginginig kong pinindot ang close button habang nakabantay sa kanya kung ano ang susunod na gagawin nya.

Awa ng Diyos, nagsara ang pinto ng elevator ng hindi sya pumasok. Hindi ko na nakayanan ang panghihina. Kaya napaupo ako sa sahig. Sinabi ko nalang sa isip ko na bahala na kung anong mangyari. Kung bumukas ulit at papasok sya, ipipikit ko nalang ang mga mata ko at gagawin ako ang lahat para mahimatay para di ko sya maramdaman.

At di nga ako nagkamali. Pagbukas ng pinto ng elevator sa fifth floor, nandoon ulit ang babaeng multo. Habang ako ay mahinang mahina na nakaupo sa sahig, nakita ko ang dahan dahan nyang pagpasok sa loob ng elevator. At bago pa ako nawalan ng malay, naramdaman ko pang umupo sya sa tabi ko.


short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon