Hindi ito nakakatakot, kwento ito ng isang dalagang ginahasa at pinatay ng walang kalabanlaban.
Magdalena hindi tunay na pangalan, sya ang pinaka maganda sa amin noon nung nabubuhay pa sya. Mabait sya, matalino, mapagmahal. Hindi ko sya naging kaibigan pero ilang beses ko din naman syang nakasama dahil kaibigan sya ng ate ko. Napakaganda nun ni Magdalena, sobrang puti at sobrang kinis ng kanyang kutis, ni isang peklat yata wala akong nakita sa kanya. Nasa Cebu daw ang nanay ni Magdalena, at nasa pangangalaga sya ng kanyang lola, yung papa nya ewan. Hindi ko alam kung nasaan. Iskolar sa amin si Magdalena, maraming nagkakagusto sa kanya pero ni isa sa mga manliligaw nya ay wala syang sinagot sabe ni ate. Magma-march na daw nun nang hindi nagpapadala ng pera yung nanay nya kaya naman napilitan syang magtrabaho sa isang bar samin. Hindi alam ng mga taga samin kung ano ang trabaho nya, nalaman na lang namin ito nang sya ay nawala na.
Bakasyon nung nawala si Magdalena, tandang tanda ko yun kase pinuntahan ng mga tanod ang bahay namin dahil si ate daw ang huling kasama nya. Pero sabe ni ate iniwan daw nya si Magdalena sa may payag (kubo) sa dagat dahil ayaw pa daw nito umuwi. Kaya naman pinuntahan agad ng mga tanod yung sinabing payag ni ate. Nakita dun yung isang tsinelas nya na pigtas na, hinanap si Magdalena sa buong dagat nun pero walang Magdalena na nakita. Ilang araw ng lumipas nakita yung cellphone ni Magdalena sa may kanal malapit sa paaralan nila. Binuksan ng tiyahin ni Magdalena ang inbox nito, at binasa. Nalaman nila na kaya pala nagpaiwan si Magdalena kay ate doon sa dagat dahil may katagpuan ito. Dagdag pa ng Tiyahin ni Magdalena tinakot daw ng lalake si Magdalena na ikakalat na sya ay isang bayaran pag di ito nagpakita sa kanya. Tinawagan ng mga pulis ang # ng lalake pero di na ito makontak.
Isang araw pa ang nagdaan may nakitang bangkay sa tabing payag kung saan huling nakita si Magdalena at itinali pa daw ang mga paa at kamay nito sa puno at may balot na plastic ang ulo. Kinilala ito ng mga kamag-anak nila na si Magdalena ito. Napaka brutal ng pagpatay kay Magdalena, pinukpok ang ulo nya ng martilyo at tinaga pa ito sa likod. Ilang beses din daw syang ginahasa, at pinahirapan dahil may mga paso ito ng sigarilyo sa maselang parte ng katawan. Ang kanyang napaka kinis na balat ay napuno ng mga pasa at sugat. Ang sabe pa ng mga pulis ilang oras pa lang daw namatay si Magdalena nang nakita ng kanyang katawan.
Mula nang mamatay si Magdalena, marami ng kababalaghan ang nangyare sa tabing dagat samin, hindi rin maputol putol yung puno kung saan sya itinali. Lahat daw ng nagpuputol ng puno na iyon ay nagkakasakit at unting-unting namamatay, umiiyak din daw ng dugo ang puno na iyon pagka nahihiwaan. Ang sabe pa tuwing 5 ng hapon (Oras ng kanyang pagkawala) lagi daw nagpapakita si Magdalena, nakatayo daw ito sa puno at kung minsan naman ay may maririnig kang sigaw o iyak ng babae. Tuwing anibersaryo ng pagkamatay nya ay nakikita yung isang pares ng tsinelas nya na nakalutang sa dagat. Hindi nagkaron ng hustisya si Magdalena, dahil takot magsalita ang mga taga samin. Ang sabe pa kapitbahay lang daw nila Magdalena ang pumatay sa kanya. Sa pagkakaalam ko binalita ito sa bomboradyo.