After a very long day, finally it's time to go home. This is my favorite part of the day because I'm going to see my daughter again, her name is Ayesha and she's five years old. She has her yaya na nagbabantay sa kanya every weekdays. Mabait naman si yaya, mula nang magwork ako 3 years ago, siya na 'yung yaya ni Ayesha.
Nagdrive thru pa ako in one famous fast food chain to buy a happy meal for her (Lol given na agad)
Kakalipat lang namin ni Ayesha, bumukod muna kami kila mama kasi mas malapit 'to sa work kesa dun kila mama. I entered our house only to find out na walang tao. Nasaan si yaya at Ayesha?
"Yaya? Baby girl? Where are you?" Nag-ikot ikot pa ko sa sala at kusina. Then napansin ko na bukas 'yung kwarto namin ni Ayesha. Tulog na pala siya. Nakatalikod sya sakin tapos nakakumot. She's facing the wall. I so love her long black curly hair. Then nagsink in sakin na iniwan sya ng yaya nya mag-isa?! First time nyang iwan si Ayesha ng ganto at kailangan ko sya makausap.
I immediately get my phone inside my bag at napansin ko na dead batt na, sh*t. Di ko napansin kanina. Chinarge ko na lang at binuksan ko na lang ulit. Magloload pa naman 'yung phone so medyo matagal pa kaya dumiretso na lang ako sa banyo para makapagpunas na at magtanggal ng make up.
"Ang lamig-lamig!!!" I started exclaiming kasi naman ang lamig lamig sa kwarto namin. Electric fan lang naman pero sobrang lamig. Nagpalit na ko ng pantulog. Went out para ilagay sa ref 'yung happy meal and grab my phone para na din makapag-Facebook man lang bago matulog.
Humiga na ko sa tabi ng anak ko sabay pasok na din sa ilalim ng kumot. Habang nagfe-Facebook, nagsidatingan na 'yung mga text na naipon habang patay 'yung cellphone ko. Puro text lang ng co-workers ko and isang text ni yaya.
I hugged my daughter from behind habang nagbabasa ng mga text. While twirling her curly hair in my fingertips.,I smiled kasi I love her so much kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.
"Mam gud pm pu mam, c Ayesha mam kinuha pu ng mama nyu kaninang lunch kaya maaga na rin lang pu aku umuwi mam, ni-lock ku pu ang bahay mam kc pu sbi ng mama nyu dun na daw pu mag-overnight si ayesha thnx pu mam"
Text ni yaya. I am slightly stunned. Pero imposible, baka hinatid na ni mama pauwi si Ayesha. Katabi ko sya eh. I am still thinking when I saw my mom video calling me on Facebook. Kinakabahan na ko, kaya dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko bago ko sagutin 'yung tawag.
"MOOOOMMMMYYYYY!!! HELLOOOOO!!!!" bungad ng anak ko sakin sa video call. Nanlaki lang yung mata ko, nagulat ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Naiiyak ako.
"Mommy, lola said na dito na ko magsleep sa kanila because they miss me so much na daw" ngingiti ngiti nya pa ring sabi sa akin, pero ako hindi pa rin makagalaw. I saw mom behind Ayesha.
"Anak ikaw na muna mag-isa dyan ha. Matanda ka na naman" sabay tawa.
Lalo akong hindi makagalaw nang maramdaman kong dahang dahang gumagalaw ang kama at nararamdaman kong bumabangon ang kayakap ko kanina...
My daughter's face changed, mukhang nagtataka. She then looked at her lola and points something behind me,
"Lola, mommy's not alone oh. Look at the girl behind her waving at us!"