Bagong Nobyo

372 4 0
                                    

Galing si Cheska sa SM Supermarket na nasa tapat lang ng apartment nila ng nobyong si Brandon. Namili siya ng mga sangkap para sa lulutuing pancit. Napagkasunduan nilang magkasintahan na doon maghapunan sa apartment nila.

Nilakad lang niya ang kalsadang pabalik ng unit. Pagbukas niya ng pintuan, nakita niyang nagsi-sepilyo si Brandon. Inilapag niya ang mga pinamili sa mesa at inilabas ito isa-isa.

"Hon, bakit nag-toothbrush ka na kaagad, dapat after nalang natin magdinner."

Hindi naman nakasagot ang lalaki dahil abala sa pagmumumog ng tubig.

Inuutusan ng dalaga ang lalaki na hiwain ang lahat ng dapat hiwain sa mga pinamili niya pagkatapos nitong magsepilyo para makapagluto na siya.

Tinungo ni Cheska ang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig dahil nakaramdam siya ng uhaw. Nagtaka siya ng makitang wala ang water tumbler ni Brandon na ginagamit nito tuwing magja-jogging sa loob ng compound nila tuwing hapon o takip-silim.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Naalala niya ang kuwento ng isang kaibigan niya tungkol sa mga doppelganger. Mga nilalang daw ito na nanggagaya ng anyo ng totoong tao. At minsan, pumapatay.

Naisip niyang baka nakalimutan lang ng nobyo na ibalik sa ref ang tumbler.

Dahan-dahang nilingon niya ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti na para bang may binabalak na hindi maganda habang hinihiwa ng matalim na kutsilyo ang mga gulay.

Alam ni Cheska na may mali sa anyo nito, kaya tuluyan na siya kinilabutan.

Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto nila at kinuha ang cellphone na katabi ng mga susi nila. Kumpirmadong wala rin ang cellphone at susi ng nobyo. Senyales na lumabas nga ito. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso sa takot kaya isinarado niya ang pinto.

Nanginginig na tinawagan niya ang cellphone ni Brandon ngunit walang sumasagot.

Napalundag siya sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Alam niya hindi ito ang tunay na nobyo kaya sinilip lang niya ito sa salaming bintana na katabi ng pintuan.

Napasigaw siya sa takot ng makita ang malignong nakatingin sa kanya at abot tenga ang ngiti.

Hindi na niya napigilang sumigaw ng malakas. Napahagulhol na rin siya dahil sa takot.

Dahil mahina ang loob, nawalan na siya ng lakas para tumayo pa. Pumunta siya sa isang sulok ng kuwarto at doon umupo habang umiiyak. Sobrang nanghihina na siya na gusto na niyang mahimatay.

Lumabo nalang ang kanyang paningin ng maramdamdan niyang may yumakap mula sa likod niya. Nakita niya sa salamin ng cabinet ang nakangiting mukha ng maligno.

"Hello Hon, sorry nagjogging ako now. Pero pabalik na ako." Sabi ng naka-loudspeaker na cellphone.


short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon