Third Eye

887 12 1
                                    

So hi! Sana mai-post to.

Gusto ko lang i-share. I don't care kung maniniwala kayo or hindi.

Nung 8 years old ako, madalas ako nakaka-kita ng kung ano-ano, naalala ko pa dati yung mama ko naglalaba sya sa labas ng bahay namin tapos ako nasa tabi nya pag tingin ko sa loob ng bahay may babaeng nakaputi, at first hindi ko pinapansin since bata pa ako nun wala akong 'pake. Tapos yung humiga sya sa kama ng mama ko dun na ako nag sisigaw. Sumigaw ako ng " ATE WAG KA HUMIGA DYAN, HIGAAN YAN NI MAMA! " tapos nagtaka na nun yung mama ko, pero hindi nya ako pinansin. Tapos ang ginawa ko pumasok ako sa loob tapos sinigawan ko yung babae. Natakot na yung mama ko tapos pinalo ako ng step dad ko , that time buntis yung mama ko. Tapos sabi nila may pinatay daw kasi dun sa likod ng bahay namin. Kaya lumipat kami sa taguig.

Tapos nag kwento pa sakin sila mama, edi ayun na nga lumipat na kami sa taguig. Sa apartment lang kami nakatira nun, tapos bandang 2:30 am sinugod si mama sa hospital kasi manganganak na. Around 3 am bumalik yung step father ko para kuhaan ng gamit si mama. Iniwan lang nila ako nun since tulog daw ako. Edi ayun na nga bumalik na yung step dad ko, habang inaayos nya daw yung gamit ni mama nagsalita daw ako habang tulog ang sabi ko daw " MERON BATA DUN SA GASUL " sinapa daw ng step dad ko, kasi ang pagkarinig nya daw is MAY DAGA tapos wala naman daw. Tapos sumigaw daw ako ng " MAY BATA NGA NAKATINGIN SAKIN " tapos natakot yung step dad ko kaya tumakbo daw sya dun sa Harap ng apartment e' yung kaharap namin computer shop 24 hours open tapos saktong tita nya yung may ari kaya pinabantayan muna ako.

When I was 13 years old, namatay yung Lola ko, eh nasa probinsya yun kaya pumunta kami sa probinsya.. Then pagkatapos ng libing tinawag ako ng kalikasan , kaya pumunta ako sa CR pag bukas ko mag babae dun kaya nag sorry ako tapos nag hintay. Tapos sabi ni kuya anong ginagawa ko dun? Sabi ko mag C-CR tapos pumunta na si kuya sa kwarto nya. Tapos pag labas nya andun pa rin ako sa Harap ng CR tapos nag tanong sya kung hindi pa daw ba ako nakaka CR? Sabi ko hindi pa kasi ang tagal nung nasa loob. Tapos binuksan ni kuya yung door pero walang tao, tapos natakot ako kaya hindi na ako nag CR. Tapos yung mga gabi na mag isa lang ako sa kwarto, tapos yung kwartong ginamit ko kwarto ng lola kong namatay. Tapos Shet! Nakita ko yung lola ko dun sa pinto, kaya tumakbo ako palabas tapos tumabi pa sa isa kong lola.

So ngayon 16 years old na ako, and as of now wala pa naman nagpapakita sakin. Hopefully wala na talaga! Huehue

short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon