Paano ba nakakapag pagaling ang mga albularyo o manggagamot? Saan ba galing ang kapangyarihan nilang manggamot ng mga may sakit? Nakulam, O iba pa. Namana ba nila ito o may nagbigay lamang sa kanila? Ang ikekwento ko ay tungkol sa albularyo sa aming barangay o baryo, lola ko din sya kaso sa dulo na lang yata ng daliri (Malayong kadugo). Ikwenento lang din sakin ng lolo ko na pinsan nya. Hahahaha eto na:
May prusisyon daw sa bayan noon kaya yung mga kabarangay namin ay pumunta sa simbahan sa sentro. Mahal na araw daw yun kaya gabi gabi ay pumupunta sila dun. Walang sasakyan sa amin nun kase lubak lubak ang daan, puro putik daw at buhangin na galing sa dagat ang kalsada sa amin kaya naglalakad lang daw sila pagka pumupunta sa bayan. Napapaligiran ang barangay namin ng bundok kaya usong uso ang mga dwende, kapre, tikbalang, etc. Magkakasama daw noon yung 2 kapatid ni lolo saka mga kaibigan nya saka si Lola Nene (Emeng pangalan lang). Miyerkules Santo yata yun o Biyernes Santo nang nangyare yung di nila inaasahan, di nila inaasahang mamamatay si Lola Nene. Nag umpisa na daw maglakad ang magkakabarkada, ang saya saya daw nila ng mga panahon na yun, puro asaran, kulitan, kwentuhan, may nagliligawan pa nga daw. Katabi daw ni ***** si Lola Nene, tahimik daw nun si Lola Nene kaya nagtataka sila kase kalog at madaldal daw sya. Kinukulit daw sya ng mga kaibigan nya pero dedma lang sya kaya pinabyaan na lang nila, inisip na lang nila na baka may problema.
Nakarating na daw sila sa may malaking gate na parang mansion pero pakurbang pababa yung daan. Saktong paglagpas nila sa gate nahimatay na daw si Lola Nene, nataranta daw sila nun. Hindi nila alam ang gagawin kase mga menor de edad pa lamang sila, syempre pag may nangyareng masama kay Lola sila unang sisisihin. Binuhat nila Lolo ***** at Tiyo **** si Lola Nene, di daw nila kayang buhatin si lola kase sobrang bigat daw. Eh imposibleng di nila makaya si lola eh ang payat payat daw ni lola nun. Hirap na hirap daw sila lolo buhatin si lola nun kaya natagalan sila bago makarating sa aming baryo. Habang buhat buhat daw nila si lola bigla daw itong nagsalita, ang sabe nya "PAG NAMATAY AKO HUWAG NYO AKONG GAGALAWIN". Pagkatapos daw ni Lola sabihin yun ay nawalan na daw si lola ng hininga. Mahigit daw isang oras bago sila nakarating sa bahay nila Lola. Nilagay nila si Lola sa kwarto nito, at ang matalik na kaibigan ni lola na si Aling Gina ang kumausap sa mga magulang nito. Sinabi ni Aling Gina ang huling habilin ni lola sa mga magulang nito, sinunod naman nila ang sinabe ni Aling Gina.
Oo, isang linggong patay si lola. Nakaburol si lola sa bahay nila, kaso hindi gaya ng mga normal na patay, wala sya sa kabaong kundi nasa kama lang sya na parang tulog pero di na humihinga. Araw-araw daw ay may dumadalaw na ahas sa kanya na sobrang laki kundi naman ay ang malaking lalake na kulay itim. Madalas daw nakikita yung ahas sa ilalim ng kama, at ang lalaki naman sa bintana na nakasilip daw. Ipapa-embalsamo na daw sana si lola at bibigyan na ng maayos na burol ng magulang nya nang biglang nagising si lola. Ilang linggo din na laman ng chismis ang nangyare kay lola, umabot pa ito sa kabilang baryo. Tinanong daw ng mga magulang ni Lola Nene kung anong nangyare sa kanya. Ang tanging naaalala nya lang ay dinala daw sya sa kweba na malapit sa dagat ng ahas at pilit daw syang pinapakain ng buhangin na itim ng itim na lalake ngunit tinanggihan nya ito. Inulit na naman daw ng itim na lalake ang pagpapakain sa kanya pero ngayon iba naman. Pinapapili sya na kung puti o itim na buhangin, ang pinili daw nya ay puti. Pagkakain daw nya noon ay hinawakan daw sya nung itim na lalake at binulungan na makakapag pagaling sya.
Sa ngayon, sikat sya sa probinsya namin na manggagamot, dinadayo sya ng mga tiga-ibang lugar o tiga-ibang bansa. Nakapagpatayo na sya ng magandang bahay at nakabili na din sila ng kotse dahil sa ginagawa nyang pagpapagaling. Nasa sa inyo na yan kung maniniwala kayo o hindi pero para sa aming mga tiga-Sto. Domingo ito ay totoo. Salamat sa pagbabasa, pasensya kung magul,o first time ko kaseng magshare ng story, sana mapost to.