Puno

830 9 0
                                    


So nangyari po ito year 2012 1st year college ako. Sa province ako nag aaral nun bandang visayas, nag stay ako sa boarding house sa labas ng school pero meron dorm sa school kaso ayoko dun dahil nakakatakot yung lugar nasa pinaka dulo ng school maraming puno at walang ilaw sa daan papunta don nasa gilid din sya ng covered court. Isang beses gabi natapos ang klase namin yung friend ko dun nag stay s dorm ng school nag pasama sya samin ng isa pa namin kaibigan na ihatid sya kahit dun lang sa covered court ng school dahil 7pm na non at madilim na sa daan syempre may kasama naman ako kaya sinamahan na namin sya habang nag lalakad kami papunta sa dorm may nadaanan kaming malaking puno di maganda yung pakiramdam ko nung napadaan kami don parang may nakatingin kasi sakin pero binalewala ko nalang yon baka feeling ko lang. Nang maihatid na namin sya umuwi na kami ng kasama ko napadaan ulit kami sa puno na yon pero di nako tumingin pa. Pag uwi ko sa boarding house normal lang naman ang lahat. Habang natutulog na kami ng mga roomate ko napanaginipan ko yung puno na nadaanan namin kanina may kasama akong lalaki at sinasama nya ako don. Bigla akong nagising nakahiga padin ako sa higaan ko pero di ko alam kung gising ba talaga ako dahil di ako makahinga, di ko maigalaw katawan ko. Nakita kong bumangon yung isa kong roomate palabas sya ng kwarto tinatawag ko sya pero walang lumalabas na boses sakin kahit anong pilit ko wala talaga napatingin ako sa bandang paanan ko may bintana kasi don may nakasilip at kulay pula ang mata nya. Imposibleng tao yun dahil nasa 2nd floor ang room namin. Mga ilang segundo lang bigla akong nakahinga at napaupo hingal na hingal ako at pawis na pawis. Nagulat pa sakin yung roomate ko dahil kakapasok nya lang sa kwarto galing cr. Weird dahil sa panaginip ko lumabas talaga sya ng kwarto. Nag dasal ako at naging ok naman ako nung natulog ulit ako. Pero kinabukasan pag gising ko ang bigat ng pakiramdam ko ayaw kong bumangon pero kailangan dahil may klase ako. Ang tamlay ng katawan ko wala naman akong ibang nararamdaman di ako kumain buong araw kahit nakakaramdam ako ng gutom, ayaw ko kumain di ko alam kung bakit. Pag uwi ko sa boarding house nakahiga lang ako, tamad na tamad yung katawan ko kahit kumain di ko magawa. Kinabukasan umuwi ako sa lugar namin 2hrs ang biyahe. Naikwento ko sa mama ko yung nangyari sakin nung gabi, pinatingin nya agad ako sa albularyo at dun nakita na may engkantong nakasunod sa akin matangkad, mabalahibo at pula ang mata galing sya sa puno dun sa school namin nagustuhan daw ako kaya sumama sakin nung pauwi nako sa boarding house. Sumama din sya hanggang pag uwi ko sa lugar namin gusto nya akong kunin at isama sa puno, sya din ang dahilan kaya di ako makakain gusto nya manghina ang katawan ko. Kaya nang pinaalis sya ng mang gagamot biglang gumaan pakiramdam ko nag karoon nako ng gana kumain. Simula non di nako dumaan sa puno na yon dahil baka sa susunod makuha nya na talaga ako.

-feeling diwata

short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon