Nung araw na pinapunta ako sa Zamboanga ng mommy ng girlfriend ko, itinaon niya na wala doon ang daddy nito para masilip ko man lang ung girlfriend ko. Habang ung mga kaibigan ko naman nagbabantay sa labas (Baka kasi biglang dumating daddy ng girlfriend ko) ako naman iyak ng iyak sa loob at nakatitig sa magandang mukha ni Riya. Ang amo pa rin ng mukha niya pero bakas dito na marami siyang problemang dinala noong nabubuhay pa siya. Suot niya din ung puting dress na pilit niyang pinabili sakin noon. Sa daliri niya wala na ung promise ring na binili ko rin noon. Hinanap ko un sa mommy niya pero ang sabi nito pinahubad daw ng daddy ni Riya sa funeraria at hindi niya alam kung saan nilagay, ung dress na suot niya hindi daw dapat un ang susuotin ni Riya. Balak pa nga daw ipasunog pero dahil sa sinusuportahan kami ng mommy niya, ito pa rin ang ipinasuot niya.
Pinuntahan ko rin ung kwarto niya. Nakita ko sa may gilid ng salamin na nakadikit lahat ng picture namin na magkasama kami at karamihan dito puro stolen na litrato ko. Nasa ibabaw pa rin ng kama niya lahat ng teddy bear na binibigay ko sa kaniya sa tuwing monthsary namin, hilig niya kasi sa mga ganun. Pero sa pagkakatanda ko hindi ko isinara ang pinto nung pumasok ako pero nang lingunin ko ito dahan dahan na itong sumasara. Lumalamig din sa loob ng kwarto niya kahit na hindi nakabukas ang aircon. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong nasabi ang pangalan niya at sa isang iglap nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko, para bang may yumayakap mula sa likuran ko. Tumulo lang ang mga luha ko. Sobrang namimiss ko na siya. Naaalala ko ung mga araw na kailangan ko bumili ng sandamakmak na pagkain kasi nagtatampo siya. Pero wala na. Wala na akong aamuhin. Wala ng dahilan para magpuyat ako sa gabi. Wala na akong inspirasyon sa pag aaral. Wala ng matakaw. Wala ng magchecheck ng phone ko araw araw. Wala ng maiinis ng walang dahilan. Wala ng magpapapansin kapag busy ako. Wala ng manenermon sakin at higit sa lahat wala na ung babaeng nililigawan ko araw araw. Lahat ng un mamimiss ko.
Nalaman ko din na ibiniyahe na nila ung katawan ng girlfriend ko pabalik ng Maynila kasi dito nila balak ilibing, masyado daw kasing malayo kung sa Zamboanga pa. Pero nung araw ng libing ni Riya, tinawagan ako ng mommy niya at pinapunta sa kanila pero pinaalis naman ako ng asawa nito pagdating ko. Hindi naman daw kasi ako kailangan doon. Maililibing naman daw ung anak nila kahit wala ako. Nirespeto ko un, umalis ako kahit mahirap para sakin. Pinagbawalan din akong bumisita sa puntod ni Riya, binabayaran kasi ni Sir ung mga nagbabantay doon. At sinasabihan na kapag nakita ako sa sementeryo paalisin ako agad kaya inuutusan ko nalang ung mga kaibigan ko na sila nalang ang maglagay ng mga bulaklak sa puntod nito.
Ilang buwan ang nakalipas pagtapos ng libing ni Riya nung nagkaroon kami ng outing sa Zambales. Hindi sana ako sasama kasi puro inuman lang naman ang magaganap dun at isa pa hindi rin dapat sasama si Cyrus dahil kay Jia. Pero sumama na rin siya kasi hindi kami pinayagan ng isa sa mga barkada namin. Dapat daw kasi kumpleto kaming lahat. Pero nung nandun na kami, pinipilit kong makisaya sa kanila nung biglang tumunog ang cellphone ko. May note na nakalagay ""Happy 2 years and 6 months"". Nagtaka ako kasi hindi naman ako nagset ng ganun sa phone ko pero nung naalala ko ung petsa napangiti nalang ako.
Minsan naman kapag gabi na ako nakakauwi sa bahay kapag papasok na ko sa kwarto ko nakakarinig ako ng boses ng babae. Madalas kong marinig ung ""Anjan na Gabby ko"" tapos biglang tatawa kaya mas lalo akong nasasabik pumasok sa kwarto ko. Hindi naman ako natatakot kasi girlfriend ko un. Sa totoo lang mas nakakatakot pa nga si Jia (If you know what I mean). Tapos minsan din kapag natutulog ako sa madaling araw may biglang hihila ng kumot ko pababa o kaya biglang aalisin ung unan ko. Naranasan niyo na ba un, ung ang sarap sarap ng tulog niyo tapos may biglang hihila ng unan niyo, diba magigising kayo? May araw din na kapag nasa school kami biglang hihinto sa pagtuturo ung prof namin at titingin sa may pinto pati mga kaklase namin napapalingon sa pinto. Tapos biglang sasabihin ng prof ko ""Gabriel may naghahanap sayo sa labas"" then pag lumabas ako wala namang tao.
P.S. Sya nga pala, naranasan niyo na ba makipag s*x sa multo? Ung kaibigan namin oo! Sa sobrang f*ckboy pati mga kaluluwa pinatulan