Bed Spacer

355 5 0
                                    

Sabi nila kapag bakante daw ang kama at walang matutulog, huwag mo daw aayusin ito na parang may inaasahan kang hihiga. Mas mabuting guluhin ito.

Pahinga sa trabaho ni Rachel ng araw na iyon dahil Sabado. Ang nobyo nya naman na kasama niya sa apartment, si Gab ay lumabas kasama ng mga kaibigan sa Cubao.

Magkatext sila ng gabing iyon at inaasahan nyang uuwi ang nobyo pagkatapos ng inuman nila sa bar.

Alas-dos ng madaling araw. Pagkatapos magbasa ni Rachel ng libro, nakaramdam na sya ng antok. Nag-ayos sya ng sarili, pumasok sa kuwarto nila at inayos ang kamang pandalawahan.

Naglagay sya ng dalawang unan na magkatabi at nahiga sa kaliwang bahagi nito.

Alas-tres ng umaga, naalimpungatan si Rachel. Nakatulog sya at di nya namalayan na dumating na pala si Gab at natutulog na sa tabi niya.

Humarap sya sa nobyo na nakahigang patalikod sa kanya. Niyakap nya ito. Nangangamoy putik ang lalaki. Naisip ni Rachel na sobrang lasing lang siguro at umuulan din naman sa labas kaya naputikan.

Alas singko ng madaling araw, nagulantang si Rachel sa tunog ng cellphone niya. May tumatawag.

Kumalas sya sa pagkakayakap kay Gab at humarap sa kabila, tapat ng side table. Dinampot ang phone at minura ang nasa kabilang linya dahil sa pag-abala nito sa pagtulog nila.

"Babe, ako to, si Gab. Low-bat na cellphone ko kaya nakitawag lang ako kay Gino. Dito muna ako papalipas ng gabi sa kanila. Ang lakas ng ulan eh."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rachel. Nanindig ang kanyang balahibo sa katanungang sino ang katabi niya sa kamang iyon.

Naluluha at dahan dahan syang tumingin sa kama. Kinilabutan sya ng makita nyang nandoon pa din ang lalaking nakatalikod ng higa sa kanya.

Nauutal syang kinausap ulit ang nobyo. "Babe, may multo sa kwarto natin at nakahiga ngayon sa tabi ko."

"Sure ka babe? Baka namamalikmata kalang. Sige, uuwi na ako ngayon din. Wag ka ng matakot."

Pagbaba ng cellphone, nagtaasan lahat ng balahibo ni Rachel dahil sa lamig ng hangin na dumampi sa batok niya.

Sa kuryusidad nyang malaman kung nandoon pa ang multo at baka namamalimata lang sya. Dahan dahan at nanginginig siyang lumingon.

Napasigaw nalang ng ubod lakas si Rachel ng makitang nakaharap na sa kanya ang lalaki. Itim na itim ang mukha at putim-puti ang dalawang malalaking matang may maliit na itim sa gitna at nakangiti.

short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon