Childhood friend ko si Bugoy. Tipikal na bata makulit, minsan sya pa yung nabubully dahil mabait naman sya. Then one time niyaya sya ng barkada nya magswimming daw sila dun sa ilog sa likuran ng malacanang. Inutusan si Bugoy ng nanay nyang bumili ng suka, yun din ang naging dahilan nya para makatakas ng bahay nila, di na sya nakapagpaalam. Takbuhan sila nang makarating sa ilog, kulitan, dive, payabangan sa pagswimming. Kung tatanungin nyo ko kung madumi na yung tubig dun sa ilog nang panahong yun, hindi pa masyado. Early 90's guys, medyo maburak na din ng kaunti. Medyo napalayo si Bugoy sa grupo hanggang marinig nalang ng kasama nyang "Tulong oi tulungan nyo ko" sigaw ni Bugoy. Nagtawanan pa yung mga kasama nya kasi kanina pa naglulunod lunuran si Bugoy. "Tigilan mo kami Bugoy, nagloloko ka na naman." Pero si Bugoy unti unting lumubog, naghintay sila ng ilang segundo pero di na ito nakaahon. Natulala yung mga kasama ni Bugoy tapos nagtakbuhan na sila at humingi ng tulong dun sa mga guard sa malacanang.
Nang mga oras na yun masaya kaming nanonood ng Mask Rider Black pa ata ng panahong yon, yung isang kapitbahay don pumasok "Hey habang masaya kayong nanonood dyan nawawala naman yung isang kaibigan nyo." Kinuwento nya samin lahat ng nangyari. Pinaghahanap na nga si Bugoy ng mga tanod, yung mga tao sa paligid, pamilya nya...
Kinabukasan Monday na yun. Pumasok na kami ng eskuwelahan. Pauwi na ko nang makasabay ko yung ibang kaklase ni Bugoy. Ibang school sila, grade six na si Bugoy non, ako naman grade five pa lang non. "Ei totoo bang nawawala pa si Bugoy?" Um-oo naman ako. "Alam mo bang pumasok pa yun? Nasa may bandang likuran sya umupo tapos tahimik lang ang buong klase. Nagtaka nga kami, akala namin napagalitan kaya di maingay tapos nabalitaan namin yung nangyari. Natakot tuloy kami." Kinilabutan ako sa sinabi nyang yun. Tapos madami ng kwento habang pinaghahanap sya may nakakita sa kanya sa church nila na walang ulo. Hindi nalang daw pinansin nung nakakita na yon kasi nga hindi sila naniniwala ang church nila sa mga ganon.
Pagkatapos ng dalawang araw nakita yung lumulutang na katawan nya, bloated. Binurol sya at nakita ko yung halos hindi ko na makilalang kalaro, bilog na bilog ang mukha at may mga tubig pang lumalabas sa ilong nya kahit na naembalsamo na sya non. Nagbrownout pa nga nong first day ng burol nya at nahimatay pa yung isa sa mga ate dun dahil daw nakita nya si Bugoy andun sa tabi ng kabaong nito. Yung pamangkin nyang maliit laging nagsasabing andun daw sa pintuan si kuya Bugoy nya at kinakawayan sya.
Grade six na sya non, graduating sana kaso maaga syang kinuha. Dapat kasi nagpaalam sya para napigilan pa sya ng nanay nya, dapat sana kasama sya naming nanood non ng mask rider black para sana hindi sya sumama sa mga barkada nyang yun. Kaso baka panahon na nya nung araw na yon, sa pangit na paraan nalang sya kinuha. RIP Bugoy.