Sa mga di nakakakilala sa kanya, siya ang inspirasyon sa likod ng Psycho, The silence of the lamb at Chainsaw massacre. Isa sya sa pinakasikat na serial killer of all time sa buong mundo.
Ayon sa mga napanood kong documentary, isang mahiyaing bata si Ed. Hindi siya palakaibigan, at kapag sinusubukan nya namang makipagkaibigan ay pinaparusahan siya ng mama nya. Kaya madalas, magtrabaho lang sa farm nila ang kanyang ginagawa na lalong nagpalayo sa kanya sa mga tao. Ang bahay nila ay malayo sa siyudad, school bahay lang lagi si Ed. Takot ang magulang nyang maimpluwensyahan siya ng masasama ng mga ibang tao. Lagi niyang sinesermonan si Ed na masama ang mundo, ito raw ay imoral. Masama ang uminom ng alak at sa demonyo galing ang mga babae. Tanging ang mama niya lang ang naging modelo ng tamang babae para kay Ed.
Di kalaunan ay namatay rin ang papa nila dahil sa alcoholism, naiwan siya at ang isa niya pang kapatid. Sabi nila, si Ed ay nagkaroon ng hindi tamang damdamin sa mama niya. Sa madaling salita, nainlove siya sa mama nya given the fact na ito lang ang nag iisang babaeng nakikita niya at nakakasalamuha. Nahalata din ito ng isa nyang kapatid na si Henry. Para mawala ang pagkagusto nito sa kanilang mama, sinisiraan ni Henry ang kanilang mama kay Ed na lubos namang hindi ikinatuwa ng kapatid.
Gabi ng 1944, nasunog ang bahay nila. Nawala rin ang kapatid niya. Di kalaunan ay nahanap rin nila ito nang magsagawa ng man hunt ngunit wala na itong buhay. Nakita ang katawan nyang nakadapa, Walang autopsy na nangyari dahil ito ay pananiwalaang heart failure lang dahil wala naman siyang galos o sugat. Sabi nila ay maaaring nagmula ito sa sunog ngunit nang mahuli na si Ed ay dun din tinry iautopsy ang kapatid niya na nalamang may basag ang bungo at sinasabing posibleng si Ed din ang pumatay.
Naiwan nalang si Ed at ang mama niya na nastroke pagkatapos mamatay ng kanyang papa. Siya lang ang nag aalaga rito pero sa huli ay namatay rin ito sa kanyang pangalawang stroke. Naiwan si Ed na mag isa, sabi nga raw nila ay sa pagkawala ng kanyang mama ay nawala ang nag iisang kaibigan at nag iisang true love niya. Ngunit sa pagkamatay ng kanyang mama ay dito rin nagsimula ang lahat.
Sunod-sunod ang pagkawala ng mga bangkay sa sementeryo. Nung una ay ito ang kanyang gingamit para pag experimentuhan. Lahat sa mga bangkay ay mga babae. Dahil buong buhay niya ay isang babae lang ang nakasama niya kaya masyadong curious sa mga babae. Hanggang di nagtagal ay nagsunod-sunod na rin ang pagkawala ng mga kababaihan sa kanila. Huli ay ang isang hardware owner na si Bernice Worden. Sabi ng kanyang anak, si Ed ang huling pumunta sa hardware nila kaya doon unang nagkaroon ng lead ang mga pulis.
Pinuntahan nila ang bahay ni Ed at dito sila nagulantang sa mga nakita. Ilan sa mga ito ang mga nakatala sa ibaba (Source: wikipedia)
Whole human bones and fragments
Wastebasket made of human skin
Human skin covering several chair seats
Skulls on his bedposts
Female skulls, some with the tops sawn off
Bowls made from human skulls
A corset made from a female torso skinned from shoulders to waist
Leggings made from human leg skin
Masks made from the skin from female heads
Mary Hogan's face mask in a paper bag
Mary Hogan's skull in a box
Bernice Worden's entire head in a burlap sack
Bernice Worden's heart ""In a plastic bag in front of Gein's potbellied stove""
Nine vulvae in a shoe box
A young girl's dress and ""The vulvas of two females judged to have been about fifteen years old""
A belt made from female human nipples
Four noses
A pair of lips on a window shade drawstring
A lampshade made from the skin of a human face
Fingernails from female fingers(Sa mga may data, eto ang iba sa mga litrato ng mga gawa ni Ed gein)
1. (Ginupit na ari ng babae)
2. (Lampshade gawa sa mukha at balat ng tao )
3. (Gloves na gawa sa balat ng tao)
4. (Apron na gawa sa balat ng tao)
5. (Leather mask na gawa sa pinagtagpi-tagping mukha ng tao)
6. (Leather chair na gawa sa pinagtagpi-tagping balat ng tao)
At marami pang iba ()
May mga belt din siyang gawa sa pinagtagpi-tagping nipples ng babae, balat ng upuan na gawa sa balat ng tao, mga kandila o basong gawa sa bungo ng tao at mga decorations na gawa sa mga daliri, balat, dila at iba't iba pang parte ng katawan ng tao. Dahil rito kaya naging sobrang sikat niya at marami siyang nainspire na mga holywood movies. Hanggang ngayon, lahat ng natagpuang mga artifacts sa bahay niya ay inilagay na nila sa isang museum sa America.
Sadyang nagpapatunay na mas nakakatakot ang tao kesa sa multo.