Classmate

431 4 0
                                    

Nangyari 'to nung 2012, 4th year high school kami nun. Isa sa mga close ko si Jen sa aming buong klase. Three years ko siyang classmate kaya kilalang-kilala na namin ang bawat isa.

One time pumasok si Jen na tulala, hindi masyadong kumikibo at bigla nalang magagalit na para bang may kakaiba sa kanya. Kaya kinamusta naming magkakaibigan kung okay lang siya, sabi niya oo. Pero nakikita kong hindi talaga siya okay kaya tinabihan ko siya at tinanong kung anong nangyayari sa kanya. Tapos sinagot niya ko nang nakakunot ang noo ""Ang dilim dilim, ang daming mga hayop at amoy na amoy ang lupa sa labas"" habang nakaturo sa corridor na walang katao-tao dahil lahat ay nasa kanya-kanyang room. Simula nung sinabi niya yun ramdam ko na iba ang kausap ko. Nung breaktime na, ipinagpray naming magkakaibigan siya. After nun lumipat kami ng lab para sa next subject. Habang nasa kalagitnaan ng klase biglang nanlisik yung mga mata niya sa isa naming classmate, mga ilang minuto siyang ganun. Tinatapik ko siya dahil pinagtatawanan siya ng iba naming classmates ngunit parang di niya nararamdam ang pagtapik ko sa kanya. Kaya hinila ko siya ng marahan sabay tawag sa pangalan niya, natauhan siya at ipinagpatuloy niya yung ginagawa niya ngunit may galit pa rin sa kanyang mukha. Nagplano kaming magkakaibigan na pupunta kami sa bahay ni Jen after ng klase para alamin kung anong nangyayari sa kanya.

Nung nag-uwian na tinawag ko yung mga kaibigan kong sasama ngunit nagbago ang isip nila, di ko alam kung bakit. Tuloy pa din ang pagtawag ko sa kanila, habang tinatawag ko sila bigla akong hinatak ni Jen at sabi ""Hayaan mo na sila! Kung ayaw nila sumama sa mundo ko. Mag-aala una na, bilisan natin at aakyat pa tayo ng bundok!"" napaisip ako eh hindi naman mataas na lugar yung bahay nila. Hindi ko nalang pinansin pero patuloy siya sa paghatak sa akin habang mabilis na naglalakad. Pagdating namin sa bahay nila tinuro niya sakin yung dalawang nakaukit sa pader nila. Una kong tinignan yung nasa likod ng pinto, isang lalaki na may dalawang maliit na sungay, nakahood at may balbas. At ang isa naman ay nasa likod ng salamin, ganun din ang itsura. Sinabihan ako ni Jen na picturan yun. Pinicturan ko pagkatapos biglang dumating Mama niya, tinanong ko kung anong nangyayari kay Jen, hindi rin niya alam. Kinabukasan, pagkapasok ko hiniram ni Jen ang phone ko saglit at binalik rin sakin. Nang ipapakita ko na sa mga kaibigan namin yung picture, napansin ko na wala na yung picture. Sabi ko sa kanila binura na ata ni Jen kasi hiniram niya kanina. At sinabi ko nalang kung anong itsura nung mga nakita ko.

Ilang araw ganun si Jen, isinama namin siya sa church. Hanggang dun ay kakaiba pa rin ang kinikilos niya, tapos na ang worship pero nakataas pa din ng straight na straight yung mga kamay niya at mahigpit ang pagkakapikit ng mga mata niya. Naikwento rin ng bf niya sa amin nung pumunta siya sa bahay nila habang naghuhugas ng pinagkainan si Jen, bigla nalang itinuro ni Jen sa bf niya ang bakat ng yapak ng mga paa sa sahig at nakita niya paakyat ito hanggang kisame. Hindi niya kinaya ang takot at umuwi rin siya.

Hanggang sa bumalik na sa dati si Jen. Tinatanong namin kung anong nangyari sa kanya, sabi niya may nagkagusto sa kanya na kakaibang nilalang nung umuwi siya sa probinsya nila. Pero wala siyang maalala sa mga nangyari sa kanya at nung bumalik ako sa bahay nila ay tinakpan na ng pinturang dilaw na krus yung mga nakaukit sa pader.


short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon