Hi guys ! sana maipost po ito ..
salamat po agad kung maipost .Nangyari po ito last year lang ,
September 2016 nakalimutan ko lang po yung exact date .
So, kasama ko yung asawa ko sa nirerentahan naming bahay dito sa valenzuela ..
nung time na papasok na sya ng trabaho , sumakit yung ulo ko .
buntis po ako nung mga panahon na yon 5 months ..
Nung umalis na sya para pumasok ng work nya , naiwan ako mag isa sa bahay , nagopen pa ako ng messenger at chinat ung friend ko na kung pwede na sa bahay sya matulog para may kasama ako , kaso hindi sya pinayagan , kaya mag isa akong matutulog .3 am nagising akong may kumakatok sa pinto ng bahay .
nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko yung pinto .
imposible naman na yung asawa ko ung kakatok kasi 6pm - 6am pasok nya , nagtataka din ako kasi nakalock naman ung gate kaya naisip ko nun na baka yung may ari ng nirerentahan naming bahay yung kumakatok kasi katabi lang namin yung bahay nang may ari .
Nung time na bubuksan ko na yung pinto , naglilikot yung baby ko sa tyan at medyo masakit , hinimas ko lang yung tyan ko para hindi na maglikot si baby .Pagkabukas ko ng pinto , may matandang nakatayo sa harap ng pintuan namin , kinilabutan ako ng mga oras na yun , kasi seryoso yung mukha nya na nakatingin sa tiyan ko , habang nakatingin sya sa tiyan ko , naglilikot yung baby ko sa loob at masakit yun ..
kinausap ko sya ,.A: sino po sila ?
S: anjan ba asawa mo ?
A: wala po manang eh , bakit po ?
S: (ngumiti) wala naman iha , pwede bang pumasok ?
A: po ? pasensya na po manang hindi ko po kasi kayo kilala eh.. gusto nyo po ba ng tubiq ?
S: sige iha (ngiti)kinuhaan ko sya ng tubiq , nagtataka na din ako kasi ang likot ni baby sa tiyan ko , at naalala ko ng mga oras na yun ang mga sinabi ng tita ko na kapag naglilikot ang baby sa tiyan sa harap ng ibang tao , ay aswang daw yun ..
So, ang gnawa ko po nun , nilabas ko yung rosary na suot ko sa leeg , at nagdadasal sa isip ko habang inaabot ko yung baso na may lamang tubiq , pagkaabot ko sa kanya ng baso , nahulog nya ito at galit na tumingin sakin , ng mga oras na yun sumiqaw sya , masakit sa tenga napapikit na lang ako nun , at pagkadilat ko wala na sya sa harap ko .sa totoo lang mga readers hindi ko alam kung aswang ba talaga sya pero natakot talaga ako nung mga panahon na yun kaya nagdecide ako na sa parents na lang ng asawa ko ako muna tumuloy habang nagbubuntis ako ..
sa awa ng diyos nailabas ko yung baby ko ng liqtas ..
at meron pa pong pahabol , paglabas namin ng hospital ng asawa ko , andun si manang sa harap ng entrance ng hospital na parang my inaabangan , natakot ako nun at agad na sumakay sa tricycle na sundo namin ..
salamat sa dyos at hindi ko na ulit nakita si manang ..
Stephie
Malinta , Val City