Panaghoy

475 8 0
                                    

Itong ikukwento ko, kwento lang sakin to ng mama ko at ng mga tito/tita ko kasi paulit ulit kong tinatanong to sa kanila kasi nakakatakot at nakakakilabot sya.

May kumare si mama sa lugar namin dati. Ang pangalan nya ay Emma, may dalawang anak si Ate Emma, dalawang lalaki. Dapat tatlo daw ang anak nun kaso pinalaglag nya yung huling pinagbubuntis nya. So eto na. Wala daw nakakahalata noon na buntis si Ate Emma kasi mataba sya, Minsan nakakakwentuhan sya ng mama ko pero parang nanibago daw si mama sa laki ng tyan nya kaya natanong daw ni mama kung buntis itong si Ate Emma, ang sagot naman ni Ate Emma oo daw, buntis sya. Tapos mga ilang buwan pa daw ang nakalipas, agkasakit daw si Ate Emma. Nilagnat ng isang linggo. Tapos nagpasama daw yun sa kapitbahay nila para magpacheck up. Pagdating sa ospital tinatanong sya ng doctor kung ano daw ba ang kaso nya, kung ano nararamdaman etc. tapos ayaw sya palabasin ng doctor kasi ang taas daw ng lagnat at iba ang kulay nya. Kaso itong si Ate Emma mapilit daw, ayaw magpaconfine. Sinasabi nya sa doctor na resetahan nalang daw sya ng gamot. So ayun pinagawa sya ng kasulatan na kung ano man ang mangyari sa kanya ay hindi na daw sagutin ng ospital. Sa madaling salita hindi na sya naconfine.

Lumipas ang ilang araw ganun pa din yung lagnat ni Ate Emma. Mas lalo pa daw lumala kasi nagkukulay violet na daw siya at dumadaing na nahihirapan syang huminga. Sinugod daw yun si Ate Emma sa ospital, nakita daw ni mama na buhat ng mga kapitbahay nila na lalak. Nakita din daw ni mama na kulay violet na nangingitim daw ang kulay ni Ate Emma. Pagdating sa ospital tinatanong sya ng doctor, kung ano talaga ang ginawa nya. Ayaw nya umamin. Tapos sabi daw ng doctor ""Alam mo ngayon pa lang humingi ka na ng kapatawaran dahil buhay ka pa, sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno dahil sa ginawa mo sa anak mo"" So, ayun pala itong si Ate Emma nagpalaglag gamit yung catheter. Yung catheter daw pala na yun may ipapasok sa pwerta mo tapos kapag hinugot daw yun kasama na yung bata. Eh kaso natakot daw siguro na tanggalin yung catheter kaya hinayaan nya lang na nandun, namatay yung bata sa loob ng tyan nya, kaya nalason na sya.

Tapos eto na. Syempre binurol si Ate Emma ng 7 days. Nung pagkalibing daw nun, mga gabi daw yun may nag iinuman sa labas na mga lalaki. Mga bandang 11pm daw yun, habang nagkkwentuhan daw yung mga nag iinuman narinig daw nila na parang may umiiyak na babae. Napatigil daw yung nag iinuman kasi pinapakinggan daw nila kung saan nanggagaling. Yung iyak daw palakas ng palakas, parang nananaghoy tapos parang nanggagaling daw sa ilalim ng lupa. Kasunod daw nun iyak ng baby na napakalakas, parang papalapit daw ng papalapit yung tunog. Kahit daw sila mama pati mga tito at tita ko narinig yun eh. Nagtakbuhan daw yung mga nag-iinuman nun kasi inisip agad nila na si Ate Emma yun pati yung anak nya. Kinabukasan naging usap usapan daw yun sa lugar nila mama kasi halos lahat daw ng nakatira dun sa lugar nila narinig yun. Siguro hindi matahimik yung kaluluwa nila kaya ganun.

Pasensya na po mahaba at magulo.

short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon