Subic Getaway

664 4 0
                                    

Madalas kami sa Subic kasi nga malapit lang idrive iyon. After office, graveyard kasi kami so magpapa umaga lang kami ng konti sa office. Kakain ng breakfast ng saturday morning tapos byahe na kami sa Subic. Bago kami magbyahe, yung isang officemate naming christian magpepray sya para safe byahe namin. Dahil makulit kami non natatawa pa kami sa kanya habang nagpapray sya kasi dun lang namin sya nakitang sumeryoso (Lalaki yung officemate ko na yon). Then ayun road trip na. Ang saya saya namin non tawanan, kulitan, two boys and 3 girls kami non. Then yung car nagstop, ayun umusok. Nagstop muna kami then nilagyan lang ng tubig yung sa may makina. Then go and drive again. Nasa kalagitnaan na kami, umuusok again. Sabi namin kung nacheck ba nung may ari ng car yung sasakyan bago nagbyahe, oo daw at full tank pa yun, nilagyan ulit nya ng tubig kasi nag overheat. Halos tatlong beses kaming huminto dahil don hanggang marating na rin namin yung place.

Beach syempre, swim swim kain kain inom inom. Until yung isang ale approached us "Neng ingat kayo ha, baka may maaksidente sa inyo" sabi nung ale. Nagkatinginan kami but yung ale umalis na din, dumaan lang talaga sya. Medyo natakot kami kaya yung friend ulit namin nagsabi na magpray muna kami para walang maaksidente samin. Ok na, kain ulit then nag game pa kami and yung isang girl friend namin natapilok, namali ata ng bagsak dahil sa pagkarga sa kanya. Halos hindi sya makatayo. Inalalayan nalang sya ng boys, pinahiran nalang namin ng langis at hinilot yung paa nya. Pero kinabukasan namaga pa din kaya nung umalis kami sa resort dumaan muna kaming hospital. At ayun sinemento paa nya para daw wag lang magalaw dahil may something ata dun sa ugat and buto. Umuwi kaming tahimik but thankful na yun lang ang aksidenteng sinapit namin.

Hindi kasi kami nagseryoso sa pagpapray non, prayers talaga ang pinakamabisang panlaban sa kung ano mang masamang umaaligid sa paligid.

After a year bumalik din ulit kami sa Subic. This time para sa Hot air balloon naman. Dun lang muna kami nagpalipas ng gabi para makapagbeach muna. Syempre mas madami na kami, nagcommute nalang kami non. Nag enjoy kami nung gabi yon, foodtrip at syempre picture picture. Natulog din kami ng maaga para makahabol kami sa hot air balloon. Nakatulog naman ako ng maayos pero yung iba kong kasama napuyat dahil daw yung pinto ng kwarto namin bukas sara. Di naman kaya ng hangin yun (Lahat kami magkakasama sa isang kwarto). Nakapikit lang daw yung ibang kasama ko dahil ramdam din nila yung langitngit nung pinto. Pero yung isa dinilat nya ng onti yung mata nya, may nakita daw syang tila aninong kamay na nagbubukas sara ng pinto. Pumikit daw ulit sya at nakiramdam nalang, gusto na daw nya kaming gisingin sa takot pero ayaw na nya idilat pa mata nya. Halos tanghaliin na kaming gisingin sila kasi napuyat nga sila. Nagcheck kami ng mga bag kung may nawala, baka may nakapasok lang na magnanakaw pero wala namang nawala. Bago kami umalis, nagpray muna kami ng seryoso na talaga, yung humingi kami guidance for our safety. And ang saya, nalate na nga kaming nakarating ng clark lumipad na yung ibang balloon but inenjoy nalang namin kung ano naabutan namin.

Pray lang lagi guys ha...

short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon