Muntik na

575 6 0
                                    


Hello po, sana mapost 'to. First time ko lang pong magshare dito. Kinakabahan ako and I don't know why haha so eto na nga.

Bata pa lang ako sakitin na ako, I have pneumonia. Kapag sinusumpong ako ng hika, parang mamamatay na ako, dahil hindi ako makahinga. Then, sinugod ako dati sa hospital dahil hinahabol ko na nga hininga ko. Nung time na yun, akala ko kukunin na ako ni Lord. Nilagyan na ako ng mask (Yung pang nebulizer, ewan ko kung anong tawag dun lol). Habang cinoconfine ako, may nakita akong dalawang nakaputing babae at isang nakaitim na lalaki and they're staring at me. Nakatulog ako nun that time and nanaginip ako. Kasama ko daw yung tatlo kong titang namatay and yung pinsan kong lalaking pinatay. Pumunta daw sila sa bahay nung time na yun, at parang normal lang. Nung time na yun, aware din naman akong patay na sila pero parang normal lang sakin yung makita at makasama sila, in short ang weird. Pinaalam nila ako kay mama, aalis daw kami and hawak nila kamay ko. Si mama naman ang sagot 'mag ingat kayo'. And then nakaalis na kami and nagulat ako nang makakita ako ng napakahabang daan sa subdivision namin. Hinihila daw ako ng mga tita ko, habang pinipigilan ko sila. Nung nakatakbo ako, nagising ako bigla. Nakita ko sa tabi ko si mama sa hospital umiiyak, pati si papa. May hawak si mama na rosary. Si papa umiiyak pa din. Naging weird ang paligid ko pero kinuwento ni mama.

Nawalan daw ako ng malay nun. Kinabitan daw ako nung tv'ng may linya linya (Alam niyo yung tv sa hospital yung may mga linya, nakalimutan ko tawag dun. Sorry). Dumiretso daw yung linyang yun. Dun daw napahagulgol si mama at si papa ng iyak while yung mga kapatid ko, hindi alam nangyayari sakin. Ang sabi ni mama, tatanggalin na daw sana yung oxygen na may mask sakin kaso dinasalan niya daw muna ako. And nagpasalamat siya sakin nung nilabanan ko daw yun kasi kung hindi daw, wala daw siyang anak na maganda, charott haha. Hindi man nakakatakot pero para sakin eto yung pinaka nakakatakot na nangyari sa akin.

short stories (horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon