Hindi ko sya maintindihan sa mga salitang binitawan nya, pero ramdan ko ang senseridad sa kanyang boses. “I’m sorry, I promise I’ll leave after you fixed yourself.” Dagdag pa nito habang pinapakinggan akong umiyak sa loob ng kanyang bisig.
Patuloy ang mga luha sa pag labas sa aking mag kabilang mga mata, “May... may kasalanan din ako. Nag pabaya ako.” Nasabi ko at saka ko tinanggal ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at dahan-dahang pinunasan ang aking sariling luha.
Hahawakan nya na dapat ako sa pisngi kaso minabuti ko na lang na umiwas. Hindi ako nag papaawa sa kanya, kasalanan ko din ang lahat ng ito. Kung... kung hindi ko lang sana pinasok ang trabahong iyon hindi na sana mag papatong-patong pa ang kasalanan ko ngayon lalo na kay Russell.
Napatingin ako sa kinauupuan nya ngayon at saktong nakakita ako ng kaunting dugo doon. Pinilit ko na lang na hindi umiyak pa nang kunin ko ang damit na suot ko kagabi at ipunas iyon sa mantyang nag papatunay ng isang ebidensya. Wala syang ibang ginawa kung hindi tignan lamang ako sa aking ginagawa.
“Huwag ka ng umiyak,” nasabi nya nang hawakan nya ang kamay ko. “I could help you if you need something, I could immediately give it to you, just named it.”
Umiling ako, “Wala... wala akong kailangan, okay lang ako. Huwag mo na lang sana itong ulitin pa kasi ako ‘yong mas malalagot, please?”
Tumingin ako sa kanya nang matanaw ko syang tumango. “Sure, aalis na din ako.” Sagot nya sa medyo mahinang tono ng boses.
“Salamat,”
Nang masabi ko iyon ay agad din syang kumilos para kunin ang mga nakakalat nyang damit sa higaan ko. Isa-isa nya iyong ibinalik sa kanyang katawan hanggang sa parang walang nangyari kung ano sa pagitan ng mga hita namin. Nag-iwas ako agad ng mata nang tignan nya ako ulit. Nakatayo na sya sa likod ng pinto at ready ng buksan iyon para makalabas, pero bago pa man nya iyon magawa ay may narinig kaming boses mula sa labas.
Bigla akong napatayo at hinablot ko ang kamay ni Cross bago pa man nya mabuksan iyon ng tuluyan. Hindi ako nag salita nang awatin ko ang mga kamay nya bagkus ay inilayo ko sya doon nang ma-lock ko ang pinto. Boses iyon ni Russell at nasa labas ng kwarto ko ngayon.
“Huwag ka munang lalabas, Cross, dito ka na muna mahuhuli tayo. Boyfriend ko ang nasa labas ngayon. Dito ka na muna, please?” Bulong ko sa kanya.
Tinulak ko sya sa kabilang gilid ng kama at pinatago ko sya sa ilalim ng kama. Wala naman syang ginawa kung hindi sundin ang sinabi ko sa kanya. Iniwan ko sya doon bago ko kunin ang tuwalyang naka-hanger sa cabinet ko at ibalot iyon sa hubad kong katawan. Sumilay ulit ako kay Cross at halatang hindi sya kita doon. Humarap ako sa likod ng pinto at huminga ng malalim bago iyon buksan.
Ni-lock ko ulit iyon nang makalabas ako at halatang hindi inaasahan ni Russell na makita ako sa estado ng hitsura ko ngayon. Ngumiti ako ng pilit nang makaharap ko ang tunay na lalaking minamahal ko.
“Hi, good morning.” Nakangiti nyang bati sa akin pero ang kanyang noo ay nakakunot na para bang naguguluhan sa nakikita.
“Hello,” Sagot ko nang nakangiti.
Dinuro nya ang katawan ko, “Bakit ka nakahubad?” Natanong nya habang lumalapit sya sa akin.
Niyakap ko agad sya nang makalapit sya sa akin. Sobrang higpit ng hawak ko sa kanya na para bang ayoko nang pakawalan pa sya ngayon. “Bakit ka nakahubad, ang aga-aga pa?” Ulit nya sa tanong.
Hinaplos nya ang pisngi ko at sabay tinignan ang aking mga mata, “Ma... maliligo na sana ako ngayon... kasi sabi mo dadating ka na ngayong umaga pero heto naabutan mo ako.” Naikuyom ko ang aking mga kamao nang mag sinungaling ulit ako sa kanya. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa magagawang mag sinungaling sa kanya. Hindi nya deserve na maloko sya ng sarili nyang girlfriend.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...