Soundtrack: Thru These Tears, by Lany.
Kanina ko pa sinusubukang matawagan si Russell pero hanggang ngayon ay parang wala syang balak sagutin iyon. Hindi ko na rin maawat ang patuloy na pag luha ng aking mga mata, nag mimistulan na itong gripo at sabayan pa ng kumikirot kong puso.
"How's the burial?" Natanong ni Cross sa akin nang may pirmahan syang papel sa clipboard.
Napatingin ako sa kanya. Parehas kaming walang maayos na tulog. "Hindi ko na yata kakayaning mag asikaso ng burol. Ayoko na. Gusto ko na ring mag pahinga, napapagod na rin ako." Sagot ko.
"Wala ka bang ibang kamag-anak dito?" naupo sya sa tabi ko at pinunasan nya ang patak-patak kong luha.
Hinawakan ko ang kamay nya at inilapat ko iyon sa aking pisngi. "Meron naman, kaso hindi naman nila kami tinulungan noong nangangailangan kami ni papa. Kilala lang nila kami noong marangya pa ang buhay namin."
Ngumisi sya, "Typical people..."
Inayos nya din ang magulo kong buhok, "Don't worry I'll go with your decision." Dagdag pa nya.
At lumabi ako ng isang pasasalamat, "Maraming salamat."
--
Ang sarap sa pakiramdam pag masdan ng urn ni papa habang nakahiga ako sa kama ko at ninanamnam ang malamig na paligid. Hindi ko pinapansin ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Nakakasawa na kasing isipin na lagi na lang akong umiiyak. Napapagod na akong umiyak pero patuloy pa rin ako sa pag iyak at pag hagulgol dahil sa nangyari kay papa. Sa tuwing sumasapit ang bawat umaga ng buhay ko, hinihiling ko na sana matapos na itong hirap ko o bigyan pa ako ng mas malalang problemang kaiiyakan ko para sa susunod na mga araw ay puros saya na lamang ang mararamdaman ko at hinding hindi ko na maiisip ang mga dahil kung bakit ako lumuluha noon.
Pikit mata akong nag-dasal bago ako tuluyang makatulog sa parehong pwesto ng pag-higa. Ang alapaap na ang bahala sa akin kung ano ang bukas ang nag hihintay sa akin. Kahit anong hirap ang pinag dadaanan ko wala pa rin akong karapatang magalit Sakanya - sa Diyos.
Mahimbing ang naging tulog ko noong gabing iyon at nagising ako nang maramdamang may yumayakap sa aking likod. Nag taka ako kung sino ang taong iyon. Ginawa nya na naman. Pinilit kong tanggalin ang kamay nya sa aking katawan pero mapilit sya. Mas lalo akong nahiwagaan nang marinig ko ang kanyang pag hikbi malapit sa aking leeg.
"Bakit umiiyak ka, Cross?" Natanong ko. In-assume ko nang si Cross iyon dahil sya ang unang nakagawa nito sa akin. At nag tataka ako kung bakit sya umiiyak ngayon sa tabi ko.
Niyakap nya ako ng mas mahigpit mula sa aking likod. "Dahil hindi ako napunta noong araw na namatay si tito. Wala ako sa tabi mo, love, at hindi kita nadamayan."
Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang kanyang sagot sa aking tanong, doon ko napag tanto na hindi sya si Cross. Sya ang lalaking hinihintay ko simula noong nawala si papa. Ang taong inaasahan kong dadamay sa akin at gagabay sa bawat minuto at segundong umiiyak ako.
Napakagat ako sa aking ibabang labi bago ako humarap sa kanya. Medyo niluwagan nya ang pag kakayakap sa akin para makaikot ako sa kanya. Nahihiya akong ibang pangalan ng lalaki ang nabanggit ko habang nakayakap sya sa akin. Hinaplos nya ang aking nag iinit na pisngi at dahan-dahang hinagkan ang aking pisngi.
Napapikit ako habang magkalapat ang aming mga labi. Ngayon ko na lamang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam na kasama sya. Napahawak na ako sa kanyang batok nang mag tuloy-tuloy ang kanyang halik at nang pumai-babaw na sya sa aking harap habang nakahiga.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...