CHAPTER TWENTY-THREE
PRISCILLA
Nag tulungan kaming lahat sa paglilinis ng coffee shop ni Ma'am E, hanggang sa matapos kami at sabay-sabay na umalis. Naghiwa-hiwalay lang kami nang makasakay na kami sa kani-kan'yang mga sasakyan maliban na lang kina Marvin, Penny at Ate.
Panatag at mahimbing ang nagig tulog namin ng asawa ko noong gabing iyon. At noong nagising ako sa kan'yang mga halik ay mas lalo akong sumaya, isa iyon sa magandang pamungad ng araw para sa akin. Nakapang-opisina na s'ya, kulang na lang ang kan'yang necktie na ako mismo ang nagsu-suot tuwing bago s'ya umalis para sa trabaho.
"Time to my necktie, sweetie." Malapit ang kan'yang labi sa aking tainga nang sabihin iyon.
Tinulungan n'ya akong umupo sa gilid ng kama habang naka-akap s'ya sa akin. Inabot ko ang necktie sa gilid ko, at dahan-dahan kong ikinabit sa kan'ya. Hindi pa man kami mag-asawa noon nagagawa ko na rin sa kan'ya ito.
"Baba ka na lang mamaya kapag gusto mo ng kumain ng almusal. Hindi kasi kita masasabayan, kailangan ako ng mas maaga sa office." Sinabi n'ya habang nagta-tie ako.
Tumango naman ako, "Sige! Mag-iingat ka, ha? I love you." At hinalikan ko ang labi ng asawa ko.
"I love you, too." Sagot n'ya nang mag-hiwalay ang mga labi namin. "I love you, too, baby." At hinalikan n'ya ang anak namin.
Nagpahingang muli ako nang umalis si Cross. Medyo tinamad na akong magpahinga at hindi na nakapag-almusal, kaya kinuha ko na lang ang maliit na sewing machine na binili ni Cross sa akin at nag-tahi na lang para may mapag-libangan ako.
Sa buong umaga wala namang nang-istorbo sa akin, pero hindi pala noong bandang hapon na. May kumatok sa pintuan, ni-lock ko iyon kanina kaya no choice ako kung hindi tumayo sa tapat ng sewing machine table para buksan ang pintuan.
Pinilit kong maka-ngiti ng maayos nang makita ko si Tita Theresa sa labas ng kwarto. Sa totoo n'yan isa s'ya sa gusto kong maka-sundo at maging kaibigan, pero s'ya din ang tao na sobrang kinakatakutan ko dahil sa kan'yang aura at hitsura.
Kapag nakatingin ako sa kan'ya para bang sinisindak ako ng kan'yang mga mata, at sa hitsura n'yang nakapa-sopistikada.
Tinignan n'ya ako mula sa aking mukha hanggang sa aking tiyan. "Hi!" nakangisi n'yang bati.
"Hello po, Tita." Alam kong medyo hindi kaaya-aya ang hitsura ko dahil hindi pa ako masyadong nag-aayos.
"Are you busy? What are you doing there?" tanong nito sa akin. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan para sakaling makita n'ya ang ginagawa ko sa loob ng kwarto.
Tinuro ko kung na saan ang sewing machine na ginagamit ko. "Nagtatahi lang po ako ng mga baby clothes dito, gusto n'yo pu bang makita?" noong sandaling iyon lang ako naka-ngiti ng mas masaya sa harap ni Tita Theresa.
Tumango s'ya at sinagot, "Sure, my pleasure."
Nauna akong pumasok sa loob at unang pumunta sa sewing area ko. Kinuha ko ang mga yaring damit na tinahi ko at iyon ang ipinakita ko sa kan'ya. Matagal-tagal n'ya din iyong tinignan bago magsalita. Hinipo pa nito ang telang ginamit ko.
"It's so nice, good for your baby." Komento nito sa gawa kong damit.
Hindi na maalis ang ngiti sa aking mukha. "Thank you, po!"
"Tita, gusto n'yo pu bang ipag-tahi ko din kayo ng damit?"
Umiling ito, "Hindi na kailangan, Priscilla. Actually, I'm only here to talk about something with you." Binalik n'ya sa ayos ang damit na hawak nito.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Любовные романы[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...