Chapter Eight

3.7K 53 12
                                    

PRISCILLA

Parang isang pampa-kalma ang boses ni Cross sa aking pandinig nang sabihin nya iyon sa akin. Nakuha ko ang punto sa sinabi nyang iyon. Kapag talaga mahina ang isip ng tao nagagawa nyang mahirap ang lahat ng bagay, katulad ko. Kaso hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman at nararanasan ko ngayon. Alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, darating ang araw na malalaman ko din kung ano ang dahilan ng Diyos.

Bumitaw ako sa pag kakayakap kay Cross at tinignan ko sya sa kanyang mukha. Wala syang reaksyon nang punasan nya ang luha ko sa aking pisngi. "Salamat dumating ka para sa akin." Sabi ko na deretso ang tingin sa kanyang mapupungay na mata.

"Kawawa ka naman kasi kung hindi ako pupunta." Mahinang boses nyang sagot. Pinakinggan ko na lamang iyon na para syang nang-aasar.

"I'm just kidding," dagdag nya nang makita akong sumimangot.

"Okay lang." Nakabusangot pa rin ang aking mukha.

At noong sandaling iyon ay unti-onti naming naramdaman ang patak ng luha mula sa madilim na alapaap. Mukhang sasabayan ng langit ang kalungkutang bumabalot sa akin ngayon. Mukhang ramdam nya din ang nararamdaman ko, naiintindihan nya din ako.

Mas lalong lumakas ang ambon kaya naman napapikit ako at tumingala sa itaas para pakiramdaman ang bawat patak ng tubig. Naalala ko noong bata pa ako, mahilig akong maligo sa ulan kapag masama at sobrang bigat ng nararamdaman ko sa dibdib. Noong panahon na pinag mamalupitan pa ako ni papa, lagi kong tinatawag ang mama ko kaso kahit anong tawag ko sa kanya hindi nya ako natutulungan dahil wala na sya noong panahon na iyon. Pinipili kong maligo sa ulan, at least kapag naliligo ako sa ulan walang nakakahalatang umiiyak ako. Iyon ang pinaka-magandang gawin kapag umuulan.

Naramdaman ko ang pag-haplos ni Cross sa aking pisngi habang ako'y naka-tingala at naka-pikit. "Rain can't hide your feelings, sweetie." Narinig ko ang sinabi nya.

Napangiti ako at sa wakas ay tumingin na ako, ngayon ko lang naalalang nababasa na din pala sya sa ulan. "You wanna go in my place?" Natanong nya.

Tumango ako, "Sige." Sagot ko at saka kami nag-umpisang mag-lakad papunta sa sasakyan nya. Hinayaan na lang namin na mabasa kami sa ulan hanggang sa maka-pasok kami sa kotse nya.

Nag-bigay sya ng isang towel galing sa backseats kaya nag-punas ako ng basa sa katawan at pinunasan ko na din ang kanyang ulong basa sa ulan. Napapangiti na lang sya habang ginagawa ko iyon sa kanya at habang nag mamaneho sya ng maayos sa kalsada.

Pag-karaan ng lampas tatlong-pung minuto ay tumigil kami sa isang malaking bahay. Lumabas sya saglit sa kotse para buksan ang gate sa garahe kahit na umuulan pa, at bumalik din sya sa loob para ipasok na ang kotse sa garahe ng bahay.

Pinag-buksan nya ako ng pintuan ng kotse at dumeretso kami sa loob ng bahay nya. Nadaan kami sa pintuan ng kusina at doon pa lang ay sobra na akong nagandahan sa design at kung gaano ito kaayos. Para ngang nakaka-hiyang tumapak sa marble na sahig kasi parang sobrang mahal nito at hindi bagay ang simpleng sapatos ko doon.

Nanatili lang akong naka-tayo sa doormat habang sya naman dumeretso sa sink para mag-hugas ng kamay, at nang makapag-punas sya ng kamay ay tinanong nya ako. "Coffee or wine?"

Pinag-masdan ko lamang sya, "Ah, eh, coffee na lang." Sagot ko.

"You don't like wine?" Natanong nya ulit.

Umiling ako, "Ayoko, hindi pa naman ako nakaka-tikim ng wine sa tanang buhay ko."

Napa-ngisi sya, "Okay, go upstairs now and use my room to make you change with dry clothes." Nasabi nya nang kunin nya sa isang cabinet ang jar ng coffee beans at ilagay ito sa espresso machine.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon