Chapter Thirty

1.9K 28 8
                                    

CHAPTER THIRTY

PRISCILLA

Sinundan ko ng tingin si Tito Philip kung saan ito pumasok pagkatapos lisanin ang hapag kung na saan kami. Napansin kong napansin ako ni Tita Theresa kaya naman tinignan ko din s'ya. Sa ngayon, may lakas na ako ng loob na kausapin si Tito Philip. Ipapamukha ko sa kan'ya kung gaano s'ya kasamang tao.

"I know what's in your mind, Priscilla." Sinabi nito.

Hindi ko alam kung pinagbabawalan n'ya ako sa mga salitang iyon o hindi. Ang gusto ko lang ngayon ay gawin, at sabihin ang mga dapat kong sabihin sa taong kumukontrol sa asawa ko. Hindi ko na pinansin si Tita Theresa ng tumayo ako at laklakin ang natirang alak ni Tito Philip sa lamesa.

Maswerte ako, dahil wala pa ngayon si Cross at natutulog naman ang aking anak sa sala. May kaunting oras ako para magawa ang inaasam ko ngayon gabi. Pagkatapos nito, paniguradong hindi ko na maaawat ang sarili ko na sabihin sa asawa kong alam ko na ang lahat sa simula pa lang, para makalaya na kami sa isa't isa.

Naglakad ako papunta sa office ni Tito Philip na malapit lamang sa sala. Pinihit ko ang pinto, at tinulak ito ng dahan-dahan upang mabuksan ang pintuan. Naabutan kong nakaupo si Tito sa upuan sa likod ng kan'yang desk. Nakasuot ang eyeglasses ay may binabasang dokumento. Ni-lock ko ang pinto nang sa gan'on ay walang makakabukas nito kapag may narinig silang hindi maganda. At saka ako lumapit ng mas malapit sa desk.

"I'll follow you once I'm done here, Theresa." Inakala n'yang asawa n'ya ang pumasok sa opisina.

"Kailangan kitang makausap, Tito Philip." Panimula ko.

Sa dereksyon ko lumagay ang kan'yang mga mata. Bahagya ding nakakunot ang kan'yang noo nang tignan ako. At hindi nag tagal, tinanggal n'ya ang kan'yang salamin at tiningala na ako.

"At ano ang dapat nating pag-usapan, hija?" tinanong n'ya ako. "Pasensya, hija, madami pa akong dapat gawin at kung hindi ka mag-sasalita agad, eh baka bukas pa tayo matapos." Dinagdag pa nito nang hindi agad ako nakasagot at nakapagsalita.

Medyo may gumulo lang sa isip ko nang may makita akong bagay sa tabi ng kamay n'ya. "Tungkol po sa asawa ko."

"At sinong nagsabi sa'yo na kailangan mo akong kausapin tungkol sa anak ko?" bumato ulit s'ya ng panibagong katanungan.

Inayos ko ang aking buhok at huminga ng napaka-lalim, "Ako lang po! Please, h'wag na kayong magtanong sa akin dahil pinapahaba n'yo lang ang paguusap natin. Ang gusto ko lang sabihin at ipa-mukha sa inyo na hayaan n'yo na ang anak n'yo sa mga bagay na gusto n'ya. At hayaan n'yo na s'yang magdesisyon ng s'ya lang, h'wag n'yo na s'yang kontrolin."

Hindi ko inaasahang mapapatawa ko s'ya ng hindi akma sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon? Seryoso ako.

"Ikaw?" ngumisi ito. "Malabong makinig ako sa mga gusto mong pagbabago. Wala kang alam sa mga nangyayari sa pamilya ko, at lalong-lalo na sa negosyong pinapatakbo ko. Mag-aral ka para naman maintindihan mo, at bumalik ka dito kapag may kaunting talino nang nakuha ang utak mo."

"Mas masakit pala talaga kayong mag-salita. Kahit hindi po ako nakapag-tapos ng pag-aaral ko, nakakaintindi pa rin naman ako katulad n'yo, at lalong hindi ako masamang tao katulad ninyo." Mas madiin kong ipinahayag ang mga salita ko.

"Hindi ko kailangan ng opinyon ng isang puta sa bar, so go and leave my office right now." Ma-awtoridad n'yang utos sa akin.

Pero desperada na ako at hindi n'ya ako mapapaalis dito hangga't hindi pa ako tapos. "Kung ayoko po?"

"Kung anong gusto mo, ipagpa sa Diyos mo na lang. At manahimik ka kung ayaw mong may magawa din akong hindi maganda sa'yo."

Nakinig ako sa mga sinabi n'yang iyon, at doon mas nalinawan ako sa mga bagay na hinahanapan ko ng kasagutan. Lumapit ako sa kan'ya, sa kan'yang gilid hanggang sa abot kamay ko na ang bagay na tinutukoy kong nag pagulo ng isip ko.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon