CHAPTER THIRTY-TWO
Soundtrack: Chasing Cars – Snow Patrol
PRISCILLA
Muli akong binalik ni Cross sa bahay na parang isang kulungan, sa bahay ng kan'yang mga magulang. Ayoko na sanang bumalik dito, kaso dito ako dinala ni Cross. Ang akala n'ya pa rin siguro gusto ko s'yang makasama at gusto kong makita pa ang daddy n'ya. Sana nga lang hindi na, dahil bumabalik sa alaala ko kung paano n'ya ako saktan tulad ng ginawa sa akin ng anak n'ya.
Hindi sila nag-aksaya ng oras para makiramay at magluksa sa pagkamatay ng kanilang apo. Kahit noong maaksidente kami hindi sila nag-alala. May pagkakataong naiisip ko ang sinabi sa akin ni Tito Philip na idadamay n'ya pati ang kan'yang apo sa gulong pinasok ko.
Tila na ako mababaliw sa sobrang tahimik ko, at sa sobrang tahimik ng buong kwarto. Naririnig ko ang iyak ng anak ko. Nag-aalala ako kung nagugutom na s'ya o puno na ang diaper n'ya kung kaya ko naririnig ang iyak n'ya ngayon.
Bumangon ako sa kinahihigaan ko habang wala si Cross sa kwarto para kumuha ng pagkaing kakainin ko. Tumungo ako sa mga gamit ni Timothy at kinuha ang kan'yang feeding bottle para lagyan iyon ng gatas. Nagawa kong ipagtimpla ng gatas ang anak ko kahit na malala pa rin ang tama sa aking buong katawan.
Lumapit ako sa crib n'ya, pero wala namang Timothy ang nakahiga doon at umiiyak. Inabot ko ang maliit na unan na lagi n'yang gamit at saka iyon niyakap ng mahigpit. Napaupo ako sa tabo ng crib at napasandal doon.
Hindi ko pa rin matanggap na wala na s'ya ngayon. Hindi na rin naman namin masisisi ang nakasagasa sa amin dahil pati s'ya namatay sa aksidenteng kinasangkutan n'ya. Wala akong nagawa kung hindi ibuhos na lang ulit ang natitirang luha sa mata ko.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pinasok nito ang ama ng aking anak. Nakita ko ang gulat sa kan'yang mukha nang makita akong wala sa kama.
"Sweetie!" nilapag n'ya kaagad ang dalang tray ng pagkain sa lamesa bago n'ya ako lapitan at kargahin pabalik sa kama. Inihiga n'ya akong muli doon, at sinabing... "You should follow what the Doctor told you, Sweetie."
Pinahid n'ya ang hinlalaki upang punasan ang luha ko. "Cross, hindi mo ba naririnig? Umiiyak si Timothy. Hindi ka ba nag-aalala sa kan'ya?"
"Shhh! Tahan na, nandito na ako." Niyakap n'ya ako at saka hinalikan ang aking noo.
Kinuha n'ya ang hawak kong feeding bottle pati na ang unan ni Timothy. "Ayoko sa'yo."
Napatigil s'ya nang marinig n'ya ang sinabi kong iyon. Pero pinilit n'ya pa ring makangiti sa akin kahit na halatang nasaktan s'ya doon. "Dito lang ako sa tabi mo, Sweetie, hangga't hindi ka pa magaling."
"Pabigat na ako sa'yo. Kapag magaling na ako, pwede mo na akong iwan. Ako na ang bahala sa sarili ko, babalik na ako sa dati kong buhay noong hindi pa kita nakikilala." Sinabi ko habang nakahiga at patuloy na lumuluha.
Sa pagkakataong ito, wala nang nagbibigkis sa aming dalawa. Wala na ang anak namin at lalong hindi ko naman s'ya asawa sa batas kaya ano pa bang papel ko sa buhay n'ya? Babalik ako sa pagiging isang dukhang nakita n'ya sa bar.
Umiling s'ya at saka inayos ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha. "Hindi kita iiwan kahit na gumaling ka. Ipagpapatuloy natin ang marriage natin kahit nawala na sa atin si Timothy."
"Hindi na kailangan, Cross, maghihiwalay na tayo sa ayaw o gusto mo."
Muli s'yang ngumiti ng mapait. "Nasasabi mo lang 'yan kasi malungkot ka sa pagkawala ng anak natin."
Hindi na ako sumagot sa huli n'yang sinabi dahil para sa akin, final na 'to. Buo na ang desisyon ko bago pa man mawala si Timothy. Kung hindi pa ito magwawakas mas masisira ang buhay naming dalawa.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...