CHAPTER TWENTY-FIVE
PRISCILLA
Ito ang pangarap ko simula pa noong lumalim ang relasyon namin ni Russel. Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi s'ya ang lalaking kasama ko ngayon. Hindi s'ya ang nakatuluyan ko dahil may sarili na rin s'yang pamilya katulad ko. Pero malayo sa inaasahan ko, hindi ganito ang pinangarap kong pamilya. Pamilyang may kahati sa asawa at may hindi magandang relasyon sa magulang nito.
Sa loob ng mahigit dalawang taon, puro sakit at hirap na lang ang naranasan ko. At hindi ko sinisisi ang sino man dahil doon. Ito ang kapalaran ko kaya tatanggapin ko lahat hangga't kung saan kakayanin ng puso at katawan ko.
Mahal na mahal ko ang asawa ko, totoo iyon at walang duda. Minahal n'ya din ako ng higit sa inakala ko, binigay n'ya sa akin ang pagmamahal na hindi ko na nadama noong mawala ang magulang ko. At alam kong ganito din ang pakiramdam n'ya. Binigyan namin ang isa't isa ng suporta at pangangailangan na kinailangan namin.
Ngayon, wala na akong karapatang hiwalayan ang asawa ko kahit na alam kong may maling nangyayari. May karapatan pa rin naman kung batas ang pag-uusapan. Pero sa kaso namin ngayon, ayokong madamay ang musmos pa naming anak sa problema ko. Mas pipiliin ko ng masaktan ng todo tulad nito kaysa madamay ang anak ko. S'ya ang nagbibigay ng panibagong lakas sa akin.
Halatang-halata sa mukha at katawan ko na pagod na pagod ako, hindi dahil sa madami akong ginagawang mabibigat, kung hindi pagod sa gabi't magdamag na pag-iyak. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa asawa ko at kay Ma'am Myla, pag-iyak na lamang ang nagagawa ko tuwing gabi at kapag naiisip ko iyon.
Isang linggo nang makauwi ako kasama ni Cross sa bahay ng kan'yang magulang. Tinataon kong tulog s'ya kapag umiiyak ako, para hindi s'ya mag-alala sa akin. Kahit papaano may nakikita akong tunay na saya kapag kasama n'ya ako at ang anak namin. First time n'ya lang din makahawak ng baby, sabi n'ya sa akin. Tuwang tuwa s'ya at maluha-luha pa nang kargahin n'ya ang unico hijo namin. Ang sarap sa feeling, at ayokong makalimutan ang bagay na iyon sa isip ko.
Karga ko ngayon ang anak ko habang naka-upo sa sofa, kakatapos lang naming magpainit sa labas kaya nandito kami ngayon. Nakita ko din kanina si Barney kaya pinakawalan ko s'ya at sinama dito sa loob. Tila ba nahihiwagaan s'ya sa hawak ko dahil nakaupo din s'ya sa tabi ko habang inaamoy-amoy ang anak ko. Mas malaki na ngayon si Barney dahil lagpas isang taon na rin s'ya.
Lumipas ang ilang minuto lumapit sa akin ang isang kasambahay dito at sinabihan ako ng, "Ma'am Priscilla, pinagbabawal po ni ma'am Theresa ang aso n'yo dito kasi nakabasag na po s'ya ng antique vase."
Nilapag n'ya ang tubig sa center table. "Sige, ibabalik ko na lang s'ya sa kulungan."
"Sige po, ma'am." Umalis na s'ya nang masabi n'ya iyon.
Sa sumunod na oras ay bumaba na rin si Cross na bagong ligo at nakasuot ng pang-opisinang damit. Ngayon na ang pang isang linggo n'yang wala sa trabaho, kaya kailangan n'ya ng bumalik doon. Hinalikan n'ya ang aking labi at saka umupo sa pagitan naming dalawa ni Barney. Hinalikan n'ya din ang pisngi ng aming anak, na medyo nairita dahil sa kan'yang manipis na balbas.
Pinagmasdan ko lang ang asawa ko n'ong mga sandaling iyon, at agad n'yang napansing nakatitig ako sa kan'ya. "Ayos ka lang ba?" at saka n'ya hinaplos ang aking mukha.
Sa totoo n'yan, napapatanong ako sa sarili ko kung trabaho n'ya ding pasayahin si Ma'am Myla at kung may nangyayari din sa kanila. Sa mga gan'ong bagay, siguro kaya ko pang tiisin. Gagawin ko ang lahat para hindi sumuko alang-alang sa anak amin. Mag papanggap lang naman ako na walang alam sa harap n'ya, iyon lang.
Tumango ako bilang tugon sa tinanong n'ya, "Ayos lang ako." Mariin kong hinalikan ang kan'yang labi. "Mag-iingat ka, I love you!"
"I love you, too, sweetie." Nakangiti n'yang sagot at saka tinuon ang atensyon sa aming anak. "Be a good boy, TJ." Sinabi n'ya at pinindot ng mahina ang ilong ng anak. At TJ ang tinawag n'ya sa anak namin galing sa Timothy John.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...