Soundtrack: All of Me, John Legend
Lumabas ako ng kwarto n'ya nang matapos akong mag-ayos ng sarili sa loob ng banyo. Inaasahan kong nasa baba lang s'ya kaso nang maka-baba ako ay wala din s'ya doon.
Wala s'ya sa kahit anong lugar ng bahay n'ya kaya napaisip ako na baka nasa trabaho s'ya ngayon. Minabuti ko na lang na mag-linis ng bahay n'ya habang wala s'ya, at sinimulan ko iyon sa salas. Hindi ako masyadong nahirapan dahil hindi naman ganoon ka-dumi ang bahay, at hindi nag-tagal mabilis na din akong natapos.
Pumasok ako sa kusina at binuksan ang fridge para kumuha ng malamig na tubig. Sakto naman pagkatapos kong uminom ay may narinig akong ingay sa bandang backdoor. Hinintay kong may bumukas n'on at hindi ako nagka-mali na si Cross iyon, may bitbit na mga plastik ng groceries.
Biglang sumibol ang ngiti sa labi ko nang makita n'ya din ako sa harap n'ya. Agad ko s'yang tinulungan na bitbitin ang mga dala n'ya para ilagay sa ibabaw ng lamesa, at nang maibaba na namin lahat ay bigla s'yang lumapit sa akin.
Hinagod n'ya ang buhok ko bago ako tanungin, "Have you sleep well, sweetie?"
Tumango ako bilang matipid na sagot. Napa-ngiti s'ya at saka n'ya hinalikan ang noo ko. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang ulit pumintig ng mabilis ang dibdib ko dahil sa ginawa n'yang pag-halik.
Tumingala ako sa kanya at saka ko siniksik ang mukha ko sa kanyang leeg. "Ang akala ko pumasok ka sa trabaho mo ngayon kaya balak ko din sanang umuwi muna sa bahay." Nasabi ko.
"Anong gagawin mo doon?" Tanong n'ya habang yakap n'ya ako.
"Hmmm..." hindi agad ako naka-sagot sa tanong n'ya.
"I'd bought some clothes for you, so you don't have to go back there. Stay here with me hanggang kailan mo gusto." Nasabi n'ya, at sa pag kakataong ito ay hinalikan naman n'ya ang aking pisngi.
Humiwalay ako sa pagkaka-yakap n'ya para pumaharap ng maayos. "Hindi naman dapat na nandito ako palagi. May sarili akong bahay, Cross." Hinawakan ko ang mag kabilang pisngi n'ya nang biglang tumamlay ang kanyang mukha.
"Okay..." Pabulong n'yang tugon at saka tinanggal ang mga kamay ko sa kanyang pisngi.
Hinawakan n'ya ng mahigpit ang aking kamay, "Bakit malungkot ka?" Natanong ko.
Napa-buntong hininga s'ya. "Because I can't take my eyes off you. Dito ka na mag-stay sa bahay for good." Sinabi n'ya.
--
Nag paalam ako kay Cross pagkatapos naming kumain ng tanghalian na pupunta muna ako sa bahay. Kumuha ako ng kaunting pares ng damit doon at bumalik kaagad ako sa bahay n'ya. Hindi na ako nag tagal dahil gusto ko na rin s'yang makasama ngayong hapon. Masaya ako sa ganito kahit papaano. Masaya ako sa kanya.
Sinarado ko ang pinto nang makapasok ulit ako sa loob ng bahay n'ya. Nilapag ko ang mga gamit ko sa couch at saka ako pumasok sa naka-bukas na pintong kwarto. Sumilip ako at nakita ko agad si Cross sa loob n'on. Kasalukuyan s'yang naka-yuko sa harap ng laptop n'ya habang naka-upo sa likod ng lamesa.
Siguro napagod na s'ya sa ginagawa n'ya kaya dinalaw na s'ya ng antok dito. Iyon ang unang bagay na pumasok sa isip ko. Nilapitan ko s'ya at nag-lagay ako ng upuan sa tabi ng swivel chair para doon pumwesto.
Sinara ko ang laptop n'ya bago ko ayusin ang mga art materials na nakakalat sa gilid ng lamesa. Pinag masdan ko lang s'ya hanggang sa magising na s'ya. Nginitian ko s'ya at gan'on din ang ginawa n'ya.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...