Chapter Six

3.9K 56 2
                                    

Hindi ko na hinintay si Cross na makababa sa kotse nya nang bumama ako mula sa loob nito. Nag madali akong mag lakad hanggang sa hindi na ako nasundan ng maigi ni Cross. Dumeretso ako sa kung saan laging inilalagay si papa. Laking pasalamat ko nang makita ko agad sya sa isa sa mga hospital bed ng kwartong iyon. Nakahiga sya doon na may oxygen sa kanyang ilong at habang si ate Cecile naman ay nakaupo sa gilid ng higaan nya.

Sinigurado ko munang wala ng luha sa aking mga pisngi bago ako lumapit sa kanila. Hinawakan ko agad ang kamay ng aking ama at marahan ko itong hinaplos.

"Priscilla!?" Medyo nabigla si ate Cecile nang makita nya ako sa kabilang side ni papa.

"Salamat po sa pag babantay sa kanya, ate Cecile." Ngumiti ako ng pilit.

Sya lang kasi ang nag-iisang taong tumanggap sa tanong ko kung pwede nyang bantayan muna si papa habang wala ako at nag hahanap ng trabaho. Hindi ko na rin kasi maaasahan si tiya, 'yong nakaraang nag bantay papa noong nag trabaho ako sa bar. Baka kasi sya pa ang makapatay kay papa kung sya din ang mag babantay dito.

"Hindi naman mahirap bantayan ang papa mo, kaya ayos lang sa akin." Sagot nya habang niro-rolyo ang dyaryong hawak.

"Ano pong naramdaman ni papa bago nyo sya dalhin dito?" Tanong ko.

"Napansin kong nahihirapan syang huminga dahil sa pag hawak hawak nya sa kanyang dibdib hanggang sa nanginig na ang katawan nya." Sagot nya.

"Tumigil na ang panginginig nya n'ong nandoon kami sa emergency, pero sabi ng doctor kailangan na syang i-admit dito hanggang sa makakaya nya." Dagdag paliwanag pa ni ate Cecile.

“Maraming salamat po talaga aling Cecile, hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya kung hindi ninyo inagapan ang pag dala sa kanya dito.” Halos naluluha kong sabi.

“Naawa ako sa inyong mag-ama kaya ko kayo tinutulungan ngayon.” Sagot nya ulit, dahil sa sinabi nyang iyon ay naramdaman ko kung gaano ako ka-swerte sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon kahit na awa lamang ang nararamdaman nila sa amin. Hindi na rin masama kahit papaano, at least may mga bukal silang kalooban.

Sa mga sandaling iyon ay may sumibol na magandang ngiti sa aking mga labi, kasabay n’on ang pag pasok ni Cross sa pinto ng malaking kwartong kina-bibilangan ni papa. Halos lahat ng mga bantay at gising na pasyente sa ibang mga kama ay bigla napatingin sa kanya dahil sa suot nitong hindi pangkaraniwan sa mga mata ng ibang tao.

Nakatingin lang din ako sakanya hanggang sa unti-onti itong lumapit kung saan ako nakatayo. Hindi ko maintindihan ang sarili pero may kakaibang pakiramdam talaga ako kay Cross sa tuwing nakikita ko ang mga mata nya. Madalang lang syang ngumiti pero sa araw na ito ay ilang beses ko na din syang napangiti. Base sa kanyang mga mata ay malungkot sya sa buhay nya, puros lihim at masasamang pangyayari. Malihim sya panigurado.

“Oh, may kasama ka pala?” Nasabi ni ate Cecile nang makita nya si Cross.

Tumango ako, “Opo, kaibigan ko po sya si Cross.” Pakilala ko.

Nakita kong tinignan ni ate Cecile si Cross mula ulo hanggang paa, hindi ko din alam kung maniniwala syang kaibigan ko si Cross lalo na’t halatang hindi pantay ang estado ng pamumuhay naming dalawa. At saka baka isipin nya din ang parehas na inisip ng iba naming mga kapitbahay tungkol sa akin, na isa akong bayarang babae na inuuwi ng iba’t-ibang lalaki gabi-gabi.

Napababa ako ng tingin sa aking mga paa bago ko marinig ang komento ni ate Cecile, “Magandang gabi, hijo, sana matulungan mo si Priscilla na mabantayan ang papa nya kahit ngayong gabi lang kailangan ko na kasing umuwi sa amin para sa mga anak ko.” Nag katinginan silang dalawa sa isa’t-isa pero hindi naman nakikitaan ng kahit anong reaksyon ang mukha ni Cross habang kinakausap ito ni ate Cecile.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon