CHAPTER FORTY-ONE
Soundtrack: You Are the Reason – Calum Scott & Leona Lewis
CROSS
Naabutan ako ni Nanay Lucy sa sala ng bahay, nakahiga sa sahig at puno ng luha. I was staring on the ceiling fan, thinking why these things still happening to me. As far as I know, I didn't kill anything or anyone to deserved this pain.
"Gustong-gusato kitang maging masaya, anak. Iyon lang ang gusto ko para sa'yo, dahil nakita ko kung paano ka mas nahirapan noon. Tiniis mo iyon para maging ligtas ka at ang sarili mong pamilya..."
"May isang bagay na matagal ko nang itinatago sa'yo, gusto ko na ring sabihin iyon sa'yo kaso ako mismo ang walang lakas ng loob para aminin ang tungkol doon. Sana matanggap mo ang ano pa mang malaman mo, anak..."
Isang halik sa noo ang naramdaman ko habang nakahiga sa sahig. Hindi ko maintindihan ang mga salitang naririnig ko dahil hanggang ngayon ay lunod pa rin ako sa mga alaala ng nakaraan. Paano ko nalampasan ang sakit na ito noon? Paano pa ako nakapag-patuloy habang dala-dala ang mabigat na pakiramdam na ito?
"Mahal na mahal kita."
--
I received text messages from the woman I used to love before. It was an invitation texts if she could meet me in a coffee shop she mentioned. Napapatulala ako kapag nakikita ko ang pangalan niya. Nakakahiya mang aminin pero ang sama kong tao para hindi siya agad maalala. Siguro mahal na mahal ko siya noong magkasama pa kami para maramdaman ko ang ganito katinding sakit sa dibdib.
Mas naging madamdamin ako nang hindi ko sagutin ang kanyang texts at calls. Pupunta na lang siguro ako para malaman ang gusto niyang sabihin sa akin. Hindi naman siguro masama iyon. Nahahalata ko ding naaawa siya sa akin dahil sa kalagayan ko base sa mga ipinakita niyang aksyon sa akin. Alam kong alam niyang hindi ako makaalala dahil hindi ko siya naaalala. Kung gugustuhin ko, pwede ko na siyang layuan pagkatapos nito para hindi na ako magkagulo pa sa anak at asawa niya.
Hindi na ako aasang mabubuo ko pang muli ang sarili ko, dahil nabubuhay lang naman ako sa sarili ko. Nagta-trabaho para may ipang-gastos lang at ipang-bayad, hindi naman din ako ang bumubuhay sa anak ko kaya ano pa bang silbi ko? Ni hindi ko nga maipag-laban ang custody niya laban kay Myla.
Nag hintay ako sa saktong oras ng pag kikita namin ni Priscilla sa coffee shop na sinabi niya. Naupo ako sa pinaka-sulok ng shop, kung saan wala masyadong nakakapansin sa akin. Pero kahit gan'on, may lumapit pa rin sa akin isang singkit at may suot na apron na babae. She was smiling like she knows me.
"Sir, Cross?" aniya.
Napatingin lang ako sa mukha niya habang pinipilit ang utak ko naalalahanin siya. I break my stares when she's about to hold me. "Pasensya na..." tanging lumabas sa bibig ko.
"Bakit, hindi mo ba ako matandaan? Ako si Ellen, ang owner nitong coffee shop, we have met before but it's been so many years..." tiningnan niya ako ng mabuti pati na rin ang katawan ko. "Years gives a lot of difference to you. You look..."
"I know, I look old." Ako na mismo ang nag-sabi n'on, mas maganda at ligtas kung sa akin na mismo mang-gagaling ang salitang iyon.
Tumayo ako sa harapan niya, iniwasan ko ang kanyang tingin bago ako lumabas ng coffee shop niya. Aalis na lang siguro ako, nahihiya ako para sa sarili ko. Nadaanan ko ang parking area bago makarating sa waiting shed. May biglang humawak ng braso ko. It was a cold yet soft hand.
"Aalis ka na ba?" tinanong niya agad ako kahit hindi ako nakatingin sa kanya. "Pasensya na kung pinag-hintay kita."
Ito na naman ang puso ko.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...