Chapter Nineteen

2.1K 25 6
                                    

Soundtrack: Sad Song – We The Kings

Laking gulat ko nang makita ko ang phone ni Cross sa mga gamit kong nakalagay sa maleta. Narinig ko itong tumunog nang subukan ko itong tawagan ulit. Nangingilid ang luha ko nang makita ko ulit ang phone n’ya. Picture naming dalawa ang nasa lockscreen. Ang saya saya pa namin doon na parang walang pinoproblema. Deleted na rin ang mga social media accounts n’ya kaya wala akong magawa kahit na gustong-gusto ko na s’yang makausap at sabihin sa kan’ya ang pagbubuntis ko.

May naisip ako kaso hindi ko alam kung gagana ba iyon o hindi. Sana matulungan ako ng taong nasa isip ko at maging tulay para makausap ko si Cross. Ayokong magtuloy-tuloy pa ito hanggang sa malapit na akong manganak.

Sinubukan kong buksan ang kan’yang phone, at tulad ng dati gan’on pa rin ang pin nito. Pero parang wala akong napala sa pag-bukas nito dahil parang hindi n’ya ito nagalaw simula noong umalis s’ya. Sana may alam man lang ako kung ano ang nangyayari sa kan’ya, kahit kaunti lang para naman makatulong ako. Ayoko ng mag tagal ang ganito, gusto ko ng matapos ito at mag-settle sa kung saan kami nararapat na lumagay.

Medyo tinanghali ako ng gising kinabukasan, medyo nangalay ang katawan ko dahil sa naging pwesto ko pero hindi naman nakasagabal iyon sa pagkilos ko. Naghanda ako para sa pagkikita namin ng Doctor na kina-uutangan ko. Magbi-bihis na sana ako nang bigla s’yang tumawag sa akin. Sinagot ko naman iyon agad.

“Hello?”

Doc Alexander, “Hi! Good morning sa’yo. Pwede ba tayong magkita mamayang gabi, exactly 7 pm?” Natanong n’ya at medyo nagbago ang boses n’ya kumpara kagabi noong naka-usap ko s’ya.

“Ang akala ko umaga tayo magkikita?” nasabi ko.

“No. No. I changed my mind. Mamayang gabi na lang, medyo busy kasi ako ngayong umaga. At saka may request lang ako sa’yo, Miss Sanchez.”

Hinawakan ko ang aking suklay at mas nakinig sa sususnod n’yang sasabihin. “Ano ‘yon?”

“Hmm, pwede ka bang mag suot ng kahit simpleng dress mamaya?” Doc.

Tumango ako kahit hindi n’ya nakikita. “Sige. Okay lang sa akin ‘yon.”

“Oh, thank you! Ite-text ko na lang sa’yo ang address kung saan tayo mag kikita. See you later!” May tuwa sa boses n’yang sinabi.

At pagkatapos ng tawag na iyon ay agad akong nakatanggap ng text message galing sa kan’ya, nilalaman ang address na sinabi n’ya. May oras pa akong gumawa ng ilang gawaing bahay bago umalis. At dahil na rin sa morning sickness, nakatulog na rin ako ng ilang oras pagkatapos kong mag-linis ng bahay.

Kinuha ko sa damitan ang kulay beige na dress. Iyon ang isa sa dalawa kong dress. Hindi naman ako mahilig sa gan’ong damit kaya hindi ako bumibili. Kung nandito lang si Cross siguro matutuwa iyon na ngayong magsu-suot ulit ako nito. Mas lumalabas daw kasi ang ganda ng balat ko kapag nagsusuot ako nito, kumpara sa mga usual na damit na lagi kong sinusuot tulad ng pants, t-shirt, at cardigan.

Naghubad ako ng damit sa harapan ng salamin, at pinag masdan kung ano ang hitsura ng katawan ko kapag wala ang mga damit. Ano kayang nararamdaman ni Cross kapag nakikita n’ya akong ganito? Sa totoo n’yan, kapag nakikita kong walang damit si Cross, grabe ang tibok ng dibdib ko.

Bahagya akong tumagilid sa harap ng salamin upang makita kung may pagbabago ba sa tiyan ko. Hindi naman ako binigo ng anak ko dahil nag papakita na s’ya agad sa akin. Sa tuwa ko hinaplos-haplos ko ang tiyan ko at kinausap na para bang naririnig n’ya na ako. Isang oras ang pagitan nang umalis ako sa bahay, medyo malayo-layo kasi ang address na nakita ko kaya nagbaka sakali na akong kasya na iyon para sa matraffic na biyahe.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon