Chapter Twenty

2.3K 28 10
                                    

Soundtrack: Stay With Me – Sam Smith

“Paano mo nasabing anak natin ito?” tinuro ko ang maumbok kong tiyan.

Patuloy na nanginginig ang buo n’yang katawan dahil sa lamig. “Do you still remember the gift you’ve placed in the study room?” panimula n’ya.

Hindi ako umimik, at hinayaan s’yang mag patuloy sa pagsasalita. “Nabasa ko ang sulat mo noong nakaraang buwan. Pasensya ka na kung natagalan bago ko iyon nakita. Sobrang dami kong pinagdaan bago makabalik ulit dito, sa’yo. I kept your gift and the letter until now. Thank you for giving those to me, and thank you for bearing my child.”

Pinilit kong hindi magpakita ng kahit anong marupok na emosyon sa harapan n’ya, dahil kapag ginawa ko iyon talo ako.

“I know it was mine, dahil pinangarap natin ‘yon.” May tumulong luha sa kan’yang mga mata.

Hindi ko nahalata noong una ang mga pasa at peklat sa ilang parte ng kan’yang mukha at leeg. Gayon pa man, “Paano kung sabihin kong, hindi ikaw ang ama? Bumalik ako sa dati kong trabaho at nakipag-sex ako sa iba’t ibang lalaki tulad na lang noong binayaran mo ako para sa magdamag at hindi ko namalayang nabuntis na ako nang hindi man lang alam kung sino ang ama.”

Napansin ko ang hindi pangkaraniwang kunot sa kan’yang noo na tila ba naguluhan sa sinabi ko.

“Huwag mong piliting gumawa ng kwento para takpan ang mga araw na kailangan kita. Pasensya ka na hindi ko matatanggap ang ano mang sabihin mo ngayon.” Iyon na ata ang pinaka matapang na sandali at salitang binuhos ko.

Tumayo ako sa harapan n’ya at napatingin s’ya sa aking dinadala, sa anak n’ya. “Dumito ka muna ngayong gabi, pero sa pagsikat ng liwanag bukas ayaw na kitang makikita dito.”

Nakita ko ang kan’yang mga mata na may sobrang lungkot. Hindi ko alam kung tama ba ito, sinusubukan ko lang naman s’ya para malaman n’ya ang hirap at pangungulilang naranasan ko noong wala s’ya. Sana kayanin n’ya ito. Ayokong susuko agad s’ya dahil lang sa bagay na gusto ko pang bigyan ng kasagutan.

Mabilis ang mga pangyayaring iyon. Parang ayoko ng mag pakita sa kan’ya at huwag na lamang lumabas sa kwarto ko. Napahawak ako sa aking dibdib na para bang nahihirapang huminga. Si Cross nga talaga iyon pero bakit naging gan’on s’ya? Ang laki ng pinagbago ng kan’yang mukha pati ang kan’yang pangangatawan. Hindi na rin s’ya masungit katulad noong huling pagkikita namin.

Ano kayang nangyari sa kan’ya?

At ano ang sinasabi n’yang pinag-daanan?

Tama ba ‘tong ginagawa ko o mas lalo lang akong dumadagdag sa sakit na nararamdaman n’ya?

--

Nakita ko si Cross na nakaupo sa isa sa mga upuan sa lamesa, kaharap ang pagkain. Inaasahan kong hindi ko na s’ya makikita pagkagising ko, pero heto pa rin s’ya, nandito pa rin s’ya sa bahay. Isinarado ko ulit ang pintuan ng kwarto ko at sumandal ako sa likod nito. Gustong gusto ko na s’yang yakapin noong mga sandaling iyon, at the same time gusto ko s’yang saktan pero hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin.

Naramdaman ko ang pagkatok sa pintuan habang nakasandal ako doon. At narinig ko ang pangalan ko na tinawag n’ya. “Priscilla, halika na kumain na tayo dito sa labas.”

Bakit ganito s’ya sa akin? Habang nag pupumilit s’yang lumapit ulit, mas lalo akong nasasaktan, mas lalo ko s’yang gustong lumayo sa akin kahit na gusto kong nasa tabi ko s’ya dati. Hindi ako nag tagal sa pagkakasandal sa pintuan, at kinuha ko ang ultrasound results sa cabinet.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon