Soundtrack: Fake Happy by Paramore
Last hour na ng trabaho nang biglang sumulpot si Kristine sa cubicle ko. Buti na lang ang ibang mga ka-trabaho ko ay nag-under time sa trabaho nila kaya naman walang magre-reklamo kung may kausap akong ibang tao dito.
“Anong ginagawa mo dito?” Pamungad kong taong sa kanya nang maupo s’ya sa isang bakanteng swivel chair sa tabi ko.
Medyo lumapit s’ya sa akin at binulong na, “Wala pa si Sir Cross. Nabo-boring na rin kasi ako doon, wala akong ginagawa.”
“Wanna go out with me later?” Tanong n’ya sa akin.
“Hmm, titignan ko kung makakasama ako sa’yo.” Sagot ko.
Pero hindi na rin ako naka-tanggi sa kanya nang matapos na ang trabaho ko. Sumakay kami sa bus hanggang sa makarating kami sa isang mall. Magkahawak kamay kami, iyong karaniwang ginagawa ng mag best friends. Ang sweet at sarap isipin dahil may kaibigan na ulit ako bukod kay Cross at after ng split namin ni Russel.
Napatigil ako saglit pagkababa namin sa elevator ng mall, at napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Kristine. Nagtaka naman s’ya bigla kaya napatingin s’ya sa akin. “Bakit?”
Umiling ako, “Wala naman. May nakita lang akong kakilala ko.” Ngumiti ako ng pilit sa harap n’ya.
“Okay! Pasok tayo doon?” tinuro n’ya ang isang boutique malapit sa kinatatayuan namin.
Bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot at tila ba nanghina ako sa mga nakita ko kanina bago kami pumasok sa buotique. Napahawak ako sa aking tiyan nang wala sa oras habang nasa fitting room ako. Tinignan ko sa salamin ang korte ng katawan ko. Sapalagay ko wala namang nagbabago. Ganito pa rin ang laki ng tiyan ko, ganito pa rin ako kapayat. Hindi ko alam kung paano pa natitiis ni Cross ang sarili ko, gayong hindi naman ako kagandahan. Ito nga rin siguro ang dahil kung bakit nawala si Russel sa piling ko.
Bago kami nakapasok dito sa store sila Nicky at Russel ang nakita kong lumabas sa isang department store. Sa estima ko mga 7 months na ang dinadala ni Nicky ngayon at malapit na s’yang manganak sa unang anak nila ni Russel. Magiging tunay na daddy na ang lalaking pinangarap kong pakasalan noon.
“Priscilla, tapos ka na ba?” Nabulabog ako sa tanong ni Kristine sa akin.
“Wait, palabas na ako.” Sagot ko at saka ko binuksan ang pinto ng fitting room.
Nakita ko s’yang may hawak na maraming cocktail dress. At hindi na ako nag-taka kung minsan ay nagre-reklamo si Nathan sa kanya. Nilakihan lang n’ya ako ng mata bago pumasok sa loob ng fitting room. At ako naman ay pumunta na sa counter para bayaran ang sinukat kong dress. Hindi naman ako maluho kaya isang dress lang ang binili unlike kay Kristine na may anim agad na napusuhan.
“Thank you, ma’am!” sabi sa akin ng cashier after n’yang iabot ang paper bag. Ngumiti ako at saka naghintay sa isang sulok.
Pero nagbago ulit ang takbo ng dibdib ko nang makita ko si Nicky nang harapan ulit. May hawak s’yang isang sundress. Papasok na sana s’ya sa isang fitting room nang makita n’ya din ako at hindi nagtagal ay nakita na rin ako ni Russel. Tumalikod ako bigla at umalis na sa puwestong iyon.
“P, wait?!” narinig kong tawag n’ya.
Hinawakan n’ya agad ang braso ko nang makalapit s’ya sa akin ng tuluyan. Hinarap n’ya ang sarili ko sa kanya at hindi inaasahang niyakap n’ya ako ng sobrang higpit. Ramdam ko ang sobrang tagal na hindi kami nagkita at nagkasama. Isang yakap galing sakanya ay para bang bumigay ang buong pagkatao ko at bigla ko na lang din s’yang nayakap ng biglaan.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...