Chapter Fifteen

2.2K 28 13
                                    

Soundtrack: Uncover, by Zara Larsson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PRISCILLA

Mas lalong hindi naging maganda ang panahon sa mga sumunod na araw dahil sa bagyo.  Naging normal ang araw ko sa trabaho, pero may pagkakataon na hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa nasusulyapan ko pa rin si Russel. Ayokong isipin n’ya na galit na galit ako. Sadyang gusto ko lang lumayo at iwasan s’ya nang sa ganoon ay hindi kami magka-issue.

Aaminin kong mahal ko s’ya pero mas higit ang pagmamahal ko kay Cross. At sa tingin ko ang pagmamahal na iyon ay bilang isang kaibigan.

Si nanay Lucy ang unang bumungad sa kwarto namin ni Cross nang magising ako. Nag kusot ako ng mata bago s’ya tanungin.

“Nay, bakit po?” madalang lang kasi s’yang pumasok sa kwarto namin ni Cross. At ngayon lang s’ya ulit pumasok dito.

“Malakas ang ulan sa labas... h’wag ka munang pumasok sa opisina.” Sinabi n’ya sa akin.

Umiling ako. “Ayos lang po ‘yan. Saka kailangan ko pong pumasok ngayon dahil ngayon po ang presentation ng marketers.”

Kinuha ko ang suklay sa ibabaw ng side table at dahan-dahan akong nag-suklay ng buhok. “Alam kong kilala n’yo po si ma’am Theresa at Sir Philip. Ayaw nilang sinasayang ang oras ng trabaho.” At ngumiti ako para sa ikakabuti ng loob n’ya.

“Oh, s’ya sige! Ipagluluto kita ng soup para maibaon mo. Maligo ka na, ihahatid kita mamaya.” Nanay Lucy.

“Sige po, salamat.”

--

Katulad nang sinabi ni nanay ay hinatid n’ya ako sa trabaho. Kahit ganito ang panahon ay hindi pa rin tumitigil ang lahat sa pagta-trabaho. Iniwan ako ni nanay Lucy sa medyo gilid ng building. Hinintay ko s’yang makasakay ulit ng taxi bago ako pumasok. Iniiwasan ko ding makita kami nila ma’am Theresa or sir Philip dahil kung sakali mabubuking kaming dalawa ni Cross.

Speaking of Cross, hindi ko pa s’ya nakaka-usap. Hindi ko s’ya ma-reach through social media, lagi kaming hindi magpang-abot. Except noong una hanggang pangatlong araw n’ya doon. Short talk lang ‘yon kaya hindi ko s’ya masyadong natatanong. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kan’ya doon.

Iniisip ko na nga lang na busy s’ya, tutal convention naman ang pinunta n’ya doon at hindi bakasyon. Well, parang bakasyon na rin siguro. Deserve naman n’ya ‘yon dahil sa dami n’yang ginagawa ditong trabaho, plus pa sa agura n’ya sa akin at kay Barney.

Mabalik tayo sa akin, araw ng sahod ko ngayon at may balak akong tumingin ng ireregalo ko kay Cross pagbalik n’ya dito. At mag papa-check-up na din ako sa isang ob-gyne if ready na ba ako for conception. Ayoko munang ipaalam sa kung sino man ang balak kong ito para naman ma-surprise sa akin si Cross.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon