CHAPTER TWENTY-EIGHT
PRISCILLA
Dalawang araw na kaming nandito sa hotel, naka-kulong at walang magawang maganda. Kaninang umaga hindi ko mapatigil sa pag-iyak si TJ. Hindi ko alam ang gagawin ko, napapaiyak na lang din ako. Alam kong nag-aalala na si Cross sa aming dalawa ng anak n'ya lalo na't hindi ko sinasagot ang mga tawag n'ya. Sinasadya ko iyon, at sinasadya ko ding hindi buksan iyon. Gusto ko munang magpahinga mula sa sakit. Gusto ko munang pagpahingahin ang puso ko.
Pero sa nangyayari ngayon mas lalo akong nahihirapan dahil sa kundisyon naming mag-ina. Hindi namin kayang wala ang ama n'ya. Si Cross lang ang nakakapag-pakalma sa akin kapag ganito si TJ. Mahigit isang oras din s'yang umiiyak ng walang dahilan, hanggang sa napagod at nakatulog ng may luha sa mga mata.
Sa sumunod na araw, binuksan ko na ang phone ko pero hindi si Cross ang kinontak ko. Kung hindi si Nicky, siguro kailangan lang ni TJ ang gumala at makalanghap ng sariwang hangin, kaya naman inaya ko si Nicky para samahan kaming dalawa ng anak ko kasama si Baby Briana.
Ang lakad namin ay natuloy kinabukasan dahil may kailangan daw s'yang gawin. Papunta na kami ni TJ sa kung saan kami magkikita nila Nicky. Pinuno ko ang backpack na dala ko ng mga kailangan gamit at pagkain lalo na ng tubig. Bumaba ako sa isang convient store kung saan nag aabang sila. Nakita ko ang sasakyan at pumanhik kaagad ako doon. Malapit na ako doon nang biglang magbukas ang pintuan ng backseat. Imbis na si Nicky ang nakita ko, nakita ko si Russel.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita n'ya na din ako. "Wala si Nicky?" kaagad ko s'yang tinanong.
Umiling s'ya bilang sagot habang hawak ang susi ng kotse at phone. "May emergency sa bahay nila, so kailangan n'yang umalis kanina para tignan." Sinagot n'ya.
Inayos ko ang pag-karga kay Baby TJ ko. "Ikaw pala ang kanina ko pang ka-text." Napangiti na lang ako, dahil medyo nahiya ako nang mag-drama ako sa mga text.
Napa-kamot s'ya ng ulo. "Ah, oo. Pasensya na. Nagpapalit kasi kami ni Nicky phone minsan."
"Let's go? Baka ma-traffic pa tayo."
Wala na akong nagawa nang ayain n'ya ako. Last kaming magkasama, wala pa kaming mga anak pero ngayon may mga sariling anak na kaming kasama. Pero sa sarili namin mga asawa. Pinag-buksan n'ya ako ng pintuan at saka kami na-upo ng anak ko sa passenger's. Habang si Baby Briana ay natutulog sa likod.
Nag-maniobra s'ya ng sasakyan habang nagku-kwentuhan at tanungan kaming dalawa. hanggang sa nag-tanong s'ya about kay Cross. Medyo nailang ako noong una, pero wala akong magagawa kung iyon ang gusto n'ya malaman. Pero may ilang bagay pa rin akong hindi dapat sabihin sa kan'ya, tulad ng relasyon ni Cross sa ibang babae.
"Busy ba si Cross kaya hindi n'ya kayo nasamahang mag-gala ngayon?" eksaktong tinanong n'ya.
Masyadong mabigat ang tanong na iyon para hindi ako maka-sagot kaagad. Tinuon ko sa kanan ang aking ulo at tumingin muna sa labas ng sasakyan bago ako mag-salita. "Parang gan'on na nga, Russ."
"May problema ba kayo?"
Hindi ko inaasahan na aabutin n'ya ang aking kamay para hawakan ito, katulad na lang ng ginagawa n'ya noon sa akin.
"Russ, alam mo ba kung paano mag-file ng annulment?" sa tanong ko, siguro naman malalaman n'ya kung ano ang problema namin ng asawa ko.
Mas hinigpitan n'ya ang hawak sa aking kamay. "Hindi ko din alam kung paano, P."
"Siguro kung ikaw ang lalaking napakasalan ko, hindi ako magta-tanong sa ibang tao tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ka gan'on kayaman para makontrol ang lahat, at hindi kailangang umalis bawat oras para sa mga bagay na dapat tapusin. Ikaw ang tipo ng lalaking hindi isasakripisyo ang oras ng pamilya para lang sa trabaho."
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...