CHAPTER THIRTY-SEVEN
Soundtrack: Birds – Imagine Dragons ft. Elisa
Tyrion jumped into my bed as he crossed my room. He was wearing his favorite shirt and pants. Nagkuskos ako ng mata nang magising ako.
"Saan ka pupunta?" tinanong ko.
Nagpatuloy siya sa pag talon sa kama habang umuupo ako. "Sa school po."
"Anong gagawin mo doon?" Tumigil siya at saka umupo sa kandungan ko.
"Mama, ano bang ginagawa sa school?" binaliktad niya akong tanungin.
"Naglalakad lang, anak." Biniro ko.
Nag-serious face siya na para bang na-disappoint sa sinagot ko. "We're going there today, mama."
"Okay, okay! Mag-aayos lang si mama saglit, ha? Wait me downstairs." Sinabi ko at saka hinagkan ang kanyang noo.
Tumakbo siya palabas at pababa ng kwarto. Napa iling ako at saka pumasok sa banyo para maligo. Usual na napapatingin ako sa salamin kapag nakapasok ako sa banyo, pero sa pagkakataong ito iba na ang pakiramdam ko.
May kulang na rin na bubuo ng pagkatao ko. Sana may kahit isang katiting na alam ako kung na saan siya ngayon. Nangungulila si Tyrion sa ama at iyon ang inaasam niya sa ika-pitong kaarawan niya.
Nag-hubad ako ng saplot mula itaas pababa. Ang tattoo sa gilid ng aking dibdib ay nanatiling nakatatak. Sa ngayon wala pa akong nude pose na ginagawa kaya hindi pa ito nakikita sa ilang nagawa ko. Pero may bikini shot na nakita ang pangalang Cross.
Ginusto ko noon naipa-tanggal ito kaso nalaman kong mas masakit ang magpa-lacer kaysa magpa-tattoo. Ito na lang din ang isa sa alaala ni Cross sa katawan ko maliban sa panganganak ko kay Tyrion.
Kasama namin sa sasakyan ang Nanny ni Tyrion. Ako na lang ang nag-hatid sa kanila papuntang school para magamit ko din ang sasakyan ko sa gusto kong puntahan ngayon. Nag-set ako ng appointment sa isang kakilala para mag tanong ng mahahalagang bagay. Buti nga't nahagilap ko pa ang contact niya.
"Mama, mag-iingat ka sa pupuntahan mo." Sinabi ni Tyrion nang tumigil ang sasakyan sa parking area ng school nila.
"Sige, baba na kayo ihahatid ko kayo sa loob." Nag unbuckle ako ng seatbelt at ganoon din sila at saka bumaba sa sasakyan.
Sinuot ko ang sunglasses na nakasabit sa aking v-neck shirt at saka hinawakan ang kamay ng anak ko. Sabay-sabay kaming pumasok sa school na pinapasukan ng anak ko. Hinatid ko siya hanggang sa room nila, at nag-paalam sa tapat nito.
I stoop so I can level my son's height. He kissed my lips as he removes my sunglasses. "Ingat ka, Mama."
"Ingat ka din dito, Tyrion. Huwag kang mag-aaway." At ako naman ang humalik sa labi ng anak ko.
Ngumiti siya sa akin bago tumakbo sa loob ng room niya. Inayos ko ang sunglasses ko bago tumayo. "Ipapasundo ko na lang kayo kay Mang Jesus mamaya." Sinabi ko sa Nanny ni Tyrion.
"Sige po, Ma'am. Ingat kayo." Sinagot niya.
Dumeretso ako sa sasakyan habang dumeretso ang Nanny ni Tyrion sa covered court ng school. I drive carefully. I'm about to go in the meeting place, but I decided to stop by in the near repair shop. Ngayon ko na lang kukunin ang pinaayos.
Hindi nag tagal nakarating na din ako sa coffee shop ni Ma'am E. The shop is getting bigger and famous. Throughout the years nakapag patayo na rin siya ng ilang branches nito. Sinalubong ako staffs, sakto wala doon si Ma'am E nang dumating ako. Sayang dahil hindi ko siya makakausap ngayon.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...