Chapter Thirty-One

1.9K 30 5
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

Soundtrack: No Air – Jordin Sparks ft. Chris Brown

PRISCILLA

Si Timothy ang pinaka magandang regalo sa akin ng Diyos, binigay s'ya sa akin noong panahong hindi ko na kayang mabuhay. At ang akala ko noon, hindi ko na mararanasan maging isang tunay na ina. Pero heto at binigyan n'ya ako ng isang pagkakataon na maging ina kay Timothy. Lahat ng oras ko halos ilaan ko sa kan'ya. Walang umaga na hindi ko s'ya hawak at nakikita. Tila ako mababaliw kapag wala s'ya sa tabi ko. At bilang isang ina, lalo na't kauna-unahang anak ko si Timothy, mahirap para sa akin na mawala s'ya ng gan'ong kaaga o kabilis.

Considered na wala ng jalaga ang buhay ko ngayong wala na akong pamilya, mag mula sa mga magulang hanggang sa anak at lalaking tunay kong minamahal.

Karaniwang iyak ni Timothy ang nagpapa-gising sa akin ngunit sa araw na ito walang iyak ang gumising sa akin. Ang masakit kong katawan ang dahilan kung bakit ako nagising ngayong umaga. Sa sobrang sakit parang ayoko ng gumalaw pa.

Pinag-masdan ko lang ng maigi ang kisame kung saan sobrang puti nito. Parang noong nakaraan lang nandito kaming dalawa ni Timothy na bagong panganak pa lamang.

"Do you hear me, Sweetie?" pamilyar na boses ang nag salita sa kanang bahagi ko.

Sinubukan kong lumingon ngunit nakasuot ako ng suporta sa leeg kaya kahit na gustuhhin ko ay hindi ko kaya. Ininda ko ang masakit kong katawan, napapikit ako at kasabay n'on ang pagpatak ng aking panibagong luha.

"Na saan ang anak natin, Cross?" tinanong ko s'ya kahit na hindi ko makita ng maayos ang kan'yang mukha.

Imbis na sagutin agad ako, naramdaman kong hinawakan n'ya ang aking kamay na may nakasaksak na dextrose at hinalikan na may kasamang luha. "Sweetie..."

Rinig sa buong kwarto ang kan'yang hikbi.

"Bakit hindi mo binabantayan ang anak natin, Cross, bakit mo s'ya pinapabayaan mag-isa?" tinanong ko s'ya ulit. Kahit na alam ko na kung bakit s'ya nananatili dito sa tabi ko at kung bakit wala ang anak namin dito. At iyon ang mas nagpa-luha sa akin.

Hindi lang pisikal na sakit ang nararamdaman ko, isama mo na din ang emosyonal na sakit sa puso ko ngayon. Isang panibagong sakit na naman ang dumagdag ngayong hindi pa humihilom ang nakaraang dumating.

Pinilit kong makaupo at maabot ang sahig kahit na sobra-sobra ang tama sa aking katawan. Titiisin ko ang lahat ng ito makit ako lang ulit ang anak ko, at makasiguradong hindi totoo ang nasa isip ko.

Nakita ko ang kabuoan ng mukha ng aking asawa nang makaupo ako. At halatang-halata sa kan'yang magang mata kung gaano s'ya umiyak ng matagal. Kapwa kaming humagulgol sa harapan ng isa't isa hanggang sa napag desisyonan kong tumayo kahit na sobrang sakit.

"Please, Sweetie, huwag mong pilitin ang sarili mo." Kaagad akong inalalayan ni Cross ngunit pinipigilan n'ya pa rin ako sa gusto kong gawin.

Wala na akong pakialam sa kung anong meroon sa katawan ko. Binunot ko ng biglaan ang dextrose na nakakabit sa aking kamay at saka inalis ang kamay ni Cross sa akin. "Hayaan mo na ako, Cross!"

May galit sa puso ko laban sa kan'ya. Hindi ko s'ya tunay na asawa pero s'ya pa rin ang taong pinakamamahal ko. Ini-angat ko ang aking kamay para punasan ang luha sa aking pisngi, pero nag dugo ang aking kamay dahil sa ginawa kong pagbunot sa saro.

"Hindi ikaw ang kailangan ko ngayon, Cross. Gusto ko lang makita ang anak ko." Sinabi ko sa kan'ya bago naglakad ng paika-ika palabas sa kwartong iyon.

Humingi ako ng suporta sa pader habang papunta kung na saan marahil ang anak ko. Nagtataka ang mga taong nakaka-salubong ko pero hindi ko sila pinansin at sinadya kong hindi dumaan sa may mga nurse dahil mahuhuli nila ako at hindi papayagang gawin ito. Halos hindi ko maihakbang ng maayos ang aking mga paa dahil sa kahinaan nito.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon