Special Chapter

1K 24 8
                                    

Last update for Wild Seduction.

Bumungad sa akin ang mga mukhang matagal ko nang hindi nakita simula noong mag hiwalay kami ni Cross. Hindi ko inaasahan na magpa pakita sila ngayong nasa hindi maayos na kalagayan ang anak nila.

Hinarap sila ni Nanay Lucy habang nakaupo lamang ako sa gilid, tahimik at handang makinig sa ano mang pag-uusapan nila. Sandali silang nag-usap sa tabi tungkol sa asawa ko. Pinipigilan ko ang sarili na hindi sila sumbatan kahit na gusto na ng bibig kong mag-salita. Malaki ang hirap ni Cross. At ngayong alam ko na ang totoo, hindi ko pa rin kayang magalit kay Nanay Lucy, sa tunay na ina ng asawa ko.

Cross is undergoing a surgery tonight nag-aalala ako, nag-aalala kaming lahat para sa kanya. Walang nakakaalam kung magiging matagumpay ba ang surgery at kung hindi maaapektuhan ang paningin niya.

Tumabi ulit sa akin si Nanay Lucy nang matapos silang mag-usap nila Tito Philip at Tita Theresa. Ang kulubot na kamay ni Nanay Lucy ay Bahagyang nanginginig dahil sa niyerbyos at kaba. Napansin ko iyon kaya naman hinawakan ko iyon at hinaplos para mabawasan ang ano mang tensyon sa katawan niya.

“Sinabi nila sa ‘kin na babayaran nila ang bills at sasagutin ang gastos sa pagpapagaling ni Cross, pero sinabi kong nabayaran mo na ang lahat.” Kinakabahan niyang sinabi sa ‘kin.

“Nandito lang ba sila para mag bigay ng tulong sa ‘tin?”

“Ang totoo niyan, anak, tinawagan ko si Philip para humingi ng kaunting tulong dahil wala din akong maitutulong na malaking pera sa operasyon ni Cross.” Pati na rin ang kanyang boses ay nanginginig.

“Magiging totoo na ako, Nanay Lucy, paano kapag hindi naka-survive si Cross sa operation na ‘to? Pera pa rin ba ang paiiralin nila kaysa sa pakikisimpatya?”

“Hindi ko alam.”

Ilang oras din kaming nag hintay, napapagod na ang katawan ko dahil sa pagkakaupo. Nang hindi ko na talaga kayang magtagal sa hospital dahil sa kalagayan ko ay nag pasundo na ako kay Mang Jose. Sinamahan ni Jenny-Lyn si Nanay Lucy doon. Sinalubong ako nina Tyrion at Taylor. Ang malaking pagbabagong nangyari sa amin nitong mga nakaraang buwan ay ang  pagkakaroon ng communication ni Taylor sa amin. Ang laki na ng improvement niya.

Wala na din sa kanya ang trauma dahil na rin sa tulong ng therapy sa kanya. Mas naging malapit na siya sa amin lalo na sa Papa at Kuya Tyrion niya. Myla is also happy for the outcome of giving Taylor to our custody. Hindi man malinaw kay Taylor ang tungkol sa tunay niyang Mama hindi naman siya nag papadala sa araw na wala ito. Mas napabuti siya noong nakasama niya kami at naging masaya din si Cross na kapiling niya na kaming lahat.

Hindi ako nakatulog noong gabi na iyon dahil na din sa pag-iisip kung ano ng lagay ni Cross. Sa pangatlong supling na iluluwal ko, siguro naman hindi hahayaan ng Diyos na mawalan sila ng ama. Kahit gaano kalaki ang kasalanan ni Cross noon sa akin, hindi pa rin iyon sapat para mawala siya sa piling namin.

Siya ang lalaking hindi ko maiwan noon, siya ang lalaking naglaan ng malaking puhunan para lang mahawakan ang buo kong katawan at makasama ako sa iisang bahay. Ang hirap kung bigla na lang siyang mawawala. Ayoko ng magkalayo kami.

--

Isang karaniwang araw iyon. Sakto sa isang buwan na pananatili ko sa bahay ni Cross. Nasa komportable akong bahay at nasa tabi ng komportableng tao. Sobrang lagay ng loob ko sa kanya kahit na hindi ko pa alam kung totoong kasintahan ko siya o hindi.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa dumilat ang mga mata niya. Nakatingin siya sa akin na parang hindi ako ang inaasahan niyang makita sa tabi niya, pero hindi ganoon ang pinaramdam niya sa akin sa sumunod na minuto. Nilagay niya sa baywang ko ang kamay niya at niyakap na lang ako bigla.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon