Chapter Thirty-Five

623 15 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

Halos ang buong katawan ko ang nangilabot dahil sa nangyaring iyon para akong hihimatayin ng wala sa oras. Hindi ito ang inaasahan ko. Kahit ayoko pang umalis at iwan siya sa ganoong paraan at kundisyon. Siya ang mas nahihirapan sa aming dalawa.

Sinubukan pa akong habulin ni Nanay Lucy ngunit mas mabilis akong nawala sa kaniyang paningin. Kasabay ng pagpintig ng mabilis ng puso ko ay sinasabayan pa ng malalim na paghinga dahil sa pagkahingal.

Niyakap ko ang aking sarili nang makasakay ako sa bus kung saan ang biyahe ay pauwi na sa Tarlac. Napasandal ako sa bintana sa aking tabi at saka tumingin sa malayo. Gusto kong ma-relax at magbawas ng nararamdaman ko.

Maging masaya na sana siya ngayon dahil kung hindi, baka mang-gulo na naman ako.

Hating gabi nang makauwi ako. Kahit gaano kapayapa ang biyahe sa bus, hindi pa rin iyon maikukumpara kung gaano kagulo at kasakit ang nararamdaman ko. Hindi ako nagsisisi na makita ulit siya kahit na niloko niya ako una pa lang.

Na-dead battery ang phone ko kaya hindi ko man lang na-inform si Russel. Nagbukas ako ng pintuan, ang akala ko kasalukuyan na siyang natutulog ngayon pero naabutan ko pa rin siya sa sala namin. Nakaupo siya sa carpet habang nakaharap sa laptop nito.

Lumingon siya sa akin at ngumiti pero agad din iyon nawala sa kaniyang labi nang tumingin ulit siya sa monitor ng laptop. "Bakit hindi ka pa natutulog ngayon?"

Lumapita ako sa kaniya ay tumabi sa kung saan siya nakaupo ngayon. "May inaalam lang ako, kamusta pala ang naging lakad mo kanina?"

"Ma-maayos naman kahit papaano." Sagot ko habang pinagmamasdan siya ng tahimik.

Alam kong ibang-iba sila ni Cross, pero pareho ko silang Minahal dahil sa kabaitan nila sa akin. "Umiyak ka ba?" Tinanong niya ako muli nang hindi man lang ako tinitignan sa aking mga mata.

"Parang ganoon na nga," at saka niyakap siya ng patagilid. "Iniwan ko ulit siya, kahit nag mamakaawa siya sa akin." Dagdag ko pa.

Hinaplos niya ang aking pisngi. "Mas masasaktan ka lang kapag paulit-ulit mong inisip ang nangyari ngayon. Huwag ka ng umiyak, malulungkot lang si Cross."

Tumango ako, "Pipilitin ko, Russ."

Tumuwid ako ng upo sa tabi niya, at tinignan na ang kanina niya pa pinagkaka-abalahan sa laptop. Nakita kong hawak-hawak niya din ang Birth Certificate ko sa kabilang kamay.

"Ngayon ko lang nalaman na hindi ka pala pinanganak dito sa Pilipinas." Simula nito nang mag-lagay ng new tab.

Saglit niyang tinignan ang nasa kabilang kamay at saka nag-search sa lugar na nakalagay sa doon. Vanderbijlpark, South Africa ang tinype niya. Lumabas ang resulta nito, nagbasa ng information si Russel.

"Hindi ko din alam kung bakit diyan naka-address ang birthplace ko." Nakibasa na rin ako sa kaniya.

"Hindi ba blonde ang buhok mo noong bata ka? Hindi kaya taga doon talaga kayo?"

Nagkibit balikat lang ako. "Hindi ko sure, hindi naman kasi nai-kwento sa akin ni mama o ni papa ang tungkol doon. Hindi na din ako na-curious hanggang ngayon, ano pa ba ang magbabago?"

"P, it was odd for you to have a blonde hair. Genetically speaking, baka namana mo 'yon either sa mama o papa mo." Sinabi nito ang konklusyon niya.

Umiling ako, "Malabong mangyari 'yon dahil both Pilipino ang magulang ko. 'Tsaka anong malay natin kung nandoon lang sila para sa bakasyon o doon sila nagtrabaho noon."

"Hindi, eh! May kutob pa rin akong hindi ka lang Pilipino." Nawawala ang lungkot ko sa mga sinasabi niya sa akin ngayon.

Kung tama nga ang sinasabi niya, paano na 'to dagdag poproblemahin ko pa. Nagkamot ako ng ulo. "Ang sabi sa akin ni Mama dati, itago ko lang daw ang tunay na buhok ko kay papa kasi baka saktan daw niya ako. Nakakapagtaka 'diba? Kung tunay kong ama si Papa, hindi niya ako sasaktan araw-araw na parang isang kawawang aso."

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon