Chapter Twenty-One

1.9K 23 1
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

A/N: Long time no updates? Don't worry because I'd update from Chapter 21 to 30. I hope you will enjoy this journey. But don't forget to vote every parts, and leave a comment when you felt something in the characters. Working for more updates after this. Thank you, and enjoy!

Reminder: Follow my account before the story ends, because I might cahnge the privacy of the ending. Para hindi ka'yo mabitin.

Nakatulog si Cross sa aking braso habang walang damit na suot. Inayos ko ang kan'yang ayos at saka pinag-masdan s'yang matulog sa tabi ko. Medyo nakatagilid s'ya n'on kaya naman kitang-kita ko ang mga peklat sa kan'yang likod at braso. Buti na lang dumaan ako sa drugstore kanina bago ako umuwi kaya nakabili ako ng mga gamot para sa kan'ya kahit hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman n'ya ngayon.

Isa-isa kong nilagyan ng ointment ang kan'yang mga peklat at patches naman para sa kan'yang balikat at likod. Hindi ko aakalaing ganito ang dadanasin ni Cross habang wala s'ya sa tabi ko. Malaking pagkaka-maling dinagdagan ko pa ang kan'yang sakit na nararamdaman, hindi na dapat ako nag-tanim ng galit sa kan'ya.

Pero ang mahalaga, nandito na s'ya sa tabi ko hindi ko na s'ya pababayaan. Hindi ko na s'ya papakawalan pa in a good way. Bumalik ako sa pag-higa at pag-tulog nang matapos kong lagyan ng mga gamot ang kan'yang likod at balikat. Sana sa tulong na ito guminhawa ang kan'yang katawan at pakiramdam.

Mas nauna pa rin akong nagising sa kan'ya nang sumikat ang araw. Nakapikit pa rin s'ya na para bang sobrang lalim pa ng kan'yang tulog. Hinalikan ko ang kan'yang noo bago umalis sa kan'yang tabi. Napatingin agad ako sa kalendaryo nang makalabas ako sa kwarto. Ito na pala ang simula ng maternity leave ko. Mula ngayon hanggang sa ipanganak ko na ang unang anak namin ni Cross, hindi na ako magiging busy sa trabaho. Matututukan ko na ng maigi ang aking mag-ama.

Pero nitong nakaraan lang nag-decide akong magtahi na lang ng damit ng baby namin habang naka-leave ako sa trabaho. May lumang sewing machine naman dito si mama dati at nakabili na rin ako ng mga ilang klaseng tela mula sa natitirang sahod ko. At marunong din naman akong mag-tahi kahit papaano.

Nilagyan ko ng dog food si Barney sa kan'yang pagkainan, at inayos ang mga gulong ginawa n'ya. At ilang minuto pa ang lumipas nang magising si Cross at sinundan ako sa labas ng kwarto. May suot na s'yang damit nang makita ako at medyo buhay ang kan'yang ngiti sa mukha. Niyakap n'ya ako mula sa likod at hinalikan ang aking pisngi.

"I'm feeling better, sweetie." Pabulong n'yang sinabi.

Humarap ako sa kan'ya at niyakap ang kan'yang leeg. "Good." Sinagot ko habang naka-tingin sa kan'yang mga labi.

Alam kong medyo nakaramdam s'ya kaya naman hinalikan n'ya ang labi ko. Ang sarap sa pakiramdam na ganito ang ginagawa at gagawin n'ya pa kapag gusto kong mas malapit pa s'ya sa akin. Naghiwalay ang aming mga labi ng kaunting saglit, at saka n'ya pinalibutan ng halik ang aking pisngi at noo.

"You're such a beautiful woman, sweetie." Seryoso ang mukha n'yang sinabi.

Pero iyon ang mas nagpa-ngiti pa sa akin lalo. "Thank you!" at hinalikan kong muli ang kan'yang labi.

Noong mga oras na iyon, hindi maalis sa isip ko na may mali sa kan'ya na hindi ko lang pinapahalatang nag-aalala ako tungkol doon. At kung ano man iyon, sana hindi na lumala at hindi na maka-apekto sa kung anong mayroong maayos na relasyon kami ngayon.

Buong umaga kaming nasa loob ng bahay, gumawa ng kung anu-ano at tinulungan n'ya din akong mag-gupit ng mga tela. Hanggang sa inaya n'ya akong lumabas, pumunta sa kung saan n'ya ako madalas na dalhin dati.

Buong tuwa kong tinanggap ang anyaya n'ya. Bandang tanghali ng mag-sabay kami sa banyo para maligo. Hindi tulad ng dati, hindi na namin nagagawa ang ano mang ginagawa namin noon. Isang normal na ligo lang ang ginawa namin, at pagkatapos n'on ay tinulungan n'ya ako sa mga bagay na hindi ko na mas'yadong nagagawa ng maayos dahil sa pagbubuntis.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon