CHAPTER THIRTY-NINE
Soundtrack: Love of My Life – Queen
Tinigil ko ang sasakyan sa tapat ng bahay matapos ang ilang minutong katahimikan sa loob nito.
"Nandito tayo sa bahay namin." Binali ko ang katahimikang iyon. Binitawan ko manubela para hawakan ang aking sariling kamay. Ang awkward ng sandaling iyon. After six years naramdaman ko na ulit siya, nahawakan ko ang katawan niya at nahalikan.
"I'm sorry sa nagawa ko sa'yo kanina." Tiningnan ko siya upang malaman kung sincere siya sa sinabing iyon.
Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ko din ang madiin niyang hawak pabalik sa kamay ko. "Okay lang sa akin 'yon. Tumuloy muna tayo sa loob."
Hindi ko maiwasang mapangiti, kahit na hindi niya iyon magawa ng pabalik sa akin. Pumasok kami ng sabay sa loob ng bahay, pinailawan ko ang buong sala pati na ang hagdanan pataas.
"Nice interior..." narinig ko ang komento niya sa aking tabi.
"Thank you!" Pasalamat ko.
Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong bahay, "Ikaw lang ba ang nakatira dito?"
Umiling ako, "May mga kasambahay din kami dito, at kasama ko din dito ang anak ko."
"May anak ka na?" nakakunot noo niyang tanong sa akin.
Tumango ako kahit na medyo halata namang nabigla siya at hindi makapaniwala. "Yes, one boy..." sagot ko. "Ayaw mo ba sa babaeng may anak na?" siya naman ang tinanong ko.
Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko kaya hinayaan ko na lang naka-hang ang tanong ko sa kanya. Ngumiti ako bago mag paalam. "Maiwan muna kita dito, titingnan ko lang ang anak ko sa kwarto."
Tahimik na natutulog si Tyrion sa kwarto niya nang pumasok ako doon. Naka-pajamas siya at katabi ang ilang robot toys. Kaagad ko iyong inalis sa kama bago niya pa madaganan. Habang nag aayos ako ng mga laruan niya sa ayos ay may nakita akong sketch pad sa maliit na lamesa. Kinuha ko iyon at tiningnan ang loob.
Katulad ni Cross, mahilig ding mag-drawing si Tyrion pero hindi nga lang ganoong kaganda ngayon dahil bata pa lang siya. Isinaayos ko ang lahat ng kalat sa buong kwarto niya pagkatapos kong matingnan ang nilalaman ng sketch pad, at saka ako umupo sa tabi ng anak ko para mahalikan ang kanyang noo at bumulong ng... "Goodnight."
Kinumutan ko si Tyrion bago tumayo at nang lalabas na ako, nakita ko si Cross sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Tyrion. Hinintay niya ako lumabas bago siya mag salita.
"May anak din ako, kaso hindi ko siya kasama. Naiinggit ako sa'yo." May bahid ng lungkot ang kanyang boses. "Na saan pala ang papa niya?"
Napangiti ako bigla ng itanong niya iyon, nakakatawa kasi dahil siya mismo ang nag tatanong n'on kahit na siya ang totoong ama ng anak ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo, pero natatakot akong iwan niya ako ngayon ng mag-isa. Mabibigla siya.
"Matagal na noong magsama kami, hindi niya din alam na may anak kami. Actually, may isa pa akong anak noon kaso namatay siya noong maaksidente kaming dalawa." Pinaliwanag ko.
"Pasensya na kung masyado akong matanong."
"Ayos lang 'yon." May patak ng luha sa gilid ng mata ko.
Nilapitan ako ni Cross ng walang pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang pisngi ko at iyon ang dahilan kung bakit ako napapikit bigla. Alam kong hahalikan niya ako at hindi ako nagkamali.
"Patawarin mo ako." Binulong niya sa akin habang paatras kami sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung para saan iyon, kung para ba sa pag tatanong niya o kung sa mga bagay na nagawa niya sa akin noon.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romansa[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...