Soundtrack: Love Someone by Lukas Graham
"Priscilla, pwede mo bang gawan ng PowerPoint presentation ang proposal namin?" Napalingon ako sa nag salita sa gilid ko habang kinukuha ko ang photo copies sa xerox machine ng opisana.
Ito ang unang gawain ko araw-araw pagkapasok sa office. Nasa Marketing department ako at more on proposal papers and document for the clients ang pinapagawa sa akin as a trainee. Sa totoo n'yan, tatlong buwan na akong nag ta-trabaho sa company nila Cross pero trainee pa rin ang turing nila sa akin. Minsan nga kulang na lang tawagin nila akong utusan.
"Aileen, pwedeng sa iba mo na lang ipagawa 'yan? Magbu-book bind pa kasi ako pagkatapos nito." Sinagot ko.
Humalukipkip s'ya at tinaas ang kaliwang kilay. "Eh basta, kailangan ko ang PowerPoint presentation bukas. Nasa desk mo na ang dalawang proposal papers at ang flashdrive kung saan mo ise-save ang ppt. Make sure na nabasa mo ang proposal bago ka gumawa." Medyo napataas ang boses n'ya nang sabihin iyon sa akin.
Gusto ko sana s'yang sagutin kaso sumingit ang isa pang officemate namin na bestfriend n'ya. "Aileen, halika ka na! Nagugutom na ako." Aya nito sa kaibigan.
Tumingin ng mariin sa akin si Aileen, "Oh s'ya! Magmi-meeting pa kami sa labas. Siguraduhin mong magagawa mo ang pinapagawa ko sa'yo." Wika nito saka lumabas sa opisina kasama ang kaibigan n'ya.
Napabuntong hininga na lang ako nang makitang ako na lang ang natitirang empleyado sa marketing office namin. Lampas 12 na kaso hindi ko pa rin tapos ang gawain ko ngayong araw, tapos may dinagdag pa sila.
Tahimik na lang akong nag reklamo habang inaayos ang mga photocopies sa lamesa ko. Nang maiayos ko na iyon ay nag simula naman akong mag notaryo at mag lagay ng documentary stamp sa ilang pages ng dokumento. Inabot ako ng isang oras sa dalawang proposal paper. Mag aalas-dos na at doon ko lang naalalang hindi pa ako nanananghalian pati na rin si Cross. Na sa akin pa naman ang lunch box n'ya kaya hindi s'ya makakakain. Patay.
Mabilis kong kinuha ang paper bag sa gilid ng desk ko at dali-daling pumunta sa pantry para i-microwave ang pagkain namin ni Cross.
Palabas na ako ng office namin nang tawagin ulit ako ni Aileen pero sa pagkakataong iyon hindi ko na s'ya nilingon. Di hamak na mas importanteng pakainin ko si Cross kaysa pakinggan ang mga iuutos n'ya. Sumakay ako ng elevator para pumunta sa floor kung na saan ang office ni Cross. Nag-abang ako ilang minuto hanggang sa nag bukas ang pintuan ng elevator. Bumungad sa akin si Kristine ang secretary ni Cross. Naka-ngiti s'ya habang palapit ako sa pintuan ng office.
"Mukhang tinanghali ka na naman ah? Madami na naman ba silang pinapagawa sa'yo?" Tanong sa akin ni Kristine.
Tumango ako. "Huwag mo na lang sanang sabihin sa sir Cross mo ha?" Pakiusap ko at tumango din s'ya tulad ko.
"Sige na, kanina ka pa n'ya hinihintay sa loob." Nakangiti n'yang sinabi.
Si Kristine lang ang nag iisang empleyadong nakakaalam na may relasyon kami ni Cross. Mabuti na lang sobrang bait n'ya kaya walang ibang nakakaalam. Kaya sa tuwing pinupuntahan ko dito si Cross wala na s'yang taka.
"Salamat, Kristine." Pasalamat ko bago ko buksan ang pintuan sa harap ko.
Dahan-dahan akong dumungaw para tignan kung anong ginagawa ni Cross sa loob. Nag katinginan agad kami at blangkong blangko ang hitsura n'ya.
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Roman d'amour[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...