Marahang hinaplos ni Cross ang aking pisngi nang magising ako sa kanyang tabi. Dahil sa naalala ko ulit ang ginawa nila ng babae ay kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay para alisin sa aking pisngi, pero napansin kong mainit ang kanyang kamay at medyo matamlay na rin ang kanyang mukha. Naupo ako sa tabi nya habang sya nakahiga sa sarili nyang kama. Hinaplos ko ang kanyang leeg at ang kanyang noo nang masigurong mainit talaga sya, at walang kataka-takang nilalagnat sya.
Napa-pikit sya, "Masama ba ang pakiramdam mo ngayon?" tinanong ko sya.
Dahan-dahan syang tumango bilang isang sagot, at dahil doon ay napa-buntong hininga na lang ako. "Pasensya na, siguro dahil 'yan kagabi n'ong nag-basa tayo sa ulan." Napa-yuko ako dahil sa guilty.
"Hindi mo kasalanan kung bakit ako nagka-lagnat ngayon." Nasabi nya habang naka-pikit.
Tumingin ulit ako sa kanya bago ko ayusin ang nagulo nyang buhok. "Kailangan mo munang maligo para sumingaw ang init ng katawan mo, ikukuha kita ng gamot at tubig sa baba." Mukha mang inuutusan ko sya, iyon naman ang makakabuti sa kanya para humupa ang lagnat nya agad-agad.
Inihiga nya ako ulit sa kanyang tabi nang akmang aalis na ako sa kama. Niyakap nya ako ng mahigpit gamit ang kanyang mainit na katawan at halos hindi na maka-galaw ng maayos. "I'm sorry."
Hindi ako nag reklamo sa ginawa nya dahil mukha naman syang sincere sa sinabi nya sa akin."Cross, ayos lang naman sa akin ang lahat. Gawin mo ang gusto mo, wala naman akong magagawa kung ano man iyon kaya hindi mo kailangan mag-sorry sa akin. Pero sana sinabi mo agad sa akin para hindi na ako sumama pa sayo dito kagabi." Sinabi ko sa kanya.
Sa sumunod na sandali ay narinig ko ang mahina nyang pag tawa, "You sounds jealous, sweetie." Komento nya.
"Hindi naman ako nag seselos, naiinis lang ako sa mga nakita ko kanina." Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong naging malungkot sa sinagot ko sa kanya. Siguro nag halo-halo lang ang lahat ng emosyon ko kaya naging ganito ako kahina at kalungkot.
"I like you, sweetie, and I'm sorry if I touched a harlot." Binulong nya sa akin at bigla naman nyang hinalikan ang sentido ko.
Pinilit kong alisin ang kanyang braso sa palibot ng aking katawan para makakuha na ako ng gamot sa baba, "Okay lang sa akin 'yon, Cross, uuwi na din ako kapag medyo okay na ang pakiramdam mo."
Wala syang ibang ginawa kung hindi ang pag masdan ako at tumango ng dahan-dahan, "Okay!"
Tumalikod na ako sa kanya nang sumagot sya, at lumabas na din ako sa kwarto. Medyo naka-luwag ako sa pag-hinga, feeling ko nailang na naman ako sa kanya matapos ang nangyari sa kanila ng babae kanina. Hindi ko sya masisisi dahil sa totoo lang ay hindi talaga gan'on kadaling tanggihan ang babaeng sexy at maganda.
Pag katapos nito gusto ko na ulit bumalik sa bahay para mapag-isa at magpa-lamon sa katahimikan at kalungkutan. Iyon na lang siguro ang mas magandang gawin kaysa mahirapan ako sa hindi ko malamang dahilan kasama si Cross.
Mabait sya sa akin at medyo napapalapit na ang loob ko sa kanya lalo na't sa t'wing mag kasama kami ay hindi nya maiwasang hindi ako hawakan sa katawan at halikan ang aking labi at pisngi.
Nakababa ako sa kusina at nakita ko agad sa gilid ng pintuan ang medicine cabinet nya. Binasa ko isa-isa ang mga gamot na nandoon hanggang sa makita ko na ang gamot para sa lagnat. Kinuha ko ang tatlong tableta at nilagay ko iyon sa ibabaw ng tray na dadalhin ko sa kwarto nya. Bigla tuloy akong napa-isip kung paano nya kinakayang mag-isa sa malaking bahay na 'to lalo na sa mga sitwasyong ganito. Kailangan nya din ng ibang taong tutulong para mag-alaga sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/98258783-288-k641644.jpg)
BINABASA MO ANG
(Wild One) Wild Seduction
Romance[FIL/ENG] She took almost her lifetime before knowing that she's a Filipino-Namibian. Her life is not that you would wanted to experience if you're a conservative Filipina. Dancing in a limelight place with the help of pole was the only way she thou...