Chapter Seventeen

2K 27 2
                                    

A/N: This is a double update.

Better if you read the update while listening to "Long Distance" of Bruno Mars

PRISCILLA

Mas naging comfortable ako nang matapos ang gabing iyon. Naka-uwi kami bandang ala-una ng madaling araw. Hinatid n’ya ako sa bahay ni Cross bago s’ya tuluyang umalis para umuwi. Pero bago s’ya umalis nag pasalamat ako at niyakap muli s’ya ng mahigpit.

Pumasok na ako sa loob nang makalayo na s’ya. Binuksan ko ang mga ilaw sa buong bahay at pinakain agad ng dogfood si Barney.

Nakakapagod ang araw na ‘to at salamat dahil nakatulog ako kanina sa bus. Naupo ako sa couch sa salas at binuksan ang paper bag ng regalo ko kay Cross habang si Barney naman ay nakahiga sa tabi ko.

At dahil hindi pa ako inaantok kinuha ko ang art materials ni Cross sa mini studio para gumawa ng calligraphy kahit na medyo hindi naman ako masyadong marunong n’on.

Kumuha ako ng isang kulay yellowgreen na mabangong papel sa lalagyanan at isang calligraphy pen. Nag sulat ako ng dalawang salita na sa hula ko ay mahuhulaan n’ya agad kung ano ang tinutukoy ko. Kumuha ulit ako ng isa at nag sulat naman ako ng parang isang ‘love letter’. Para sa akin mas maganda pa rin ang sulat kamay dahil pinaghirapan mo ito at hindi iyon isang scripted na sulatin kung hindi ang natural na mga salitang gusto mong ipahiwatig sa taong mahal mo.

Nang matapos na ako ay nahiga ako sa couch at wala sa huwisyong kinausap ko si Barney na para bang isang tao din. Kung ako ay nakahiga sa couch s’ya naman nakahiga sa tiyan ko. Sa totoo n’yan natatakot ako sa panganganak pero sobrang nasasabik naman ako sa magiging bunga kapag lumaki na at lumabas na ang anak namin ni Cross.

Noong gabing iyon sinubukan kong mas maging masaya kahit na ako lang mag-isa sa bahay. Pero sa pribadong parte ng puso ko malungkot ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang may isang bagay na hindi ko matukoy kung ano at pinapalampas ko na lamang iyon para hindi makaapekto sa mentalidad ko. Ayokong ma-depress. Ayoko lalo na’t mararamdaman na ng anak ko ang nararamdaman ko.

Nakatulog ako ng mahimbing kahit na sa couch lang ako natulog. Agad kong tinignan ang orasan at pasado alas-nueve na ng umaga. Buti na lang at wala na akong hinahabol na oras, wala ng magagalit kapag late ako, at wala ng mag sasabi sa akin ng mga masasamang salita kapag nag kakamali ako.

Nakakalungkot dahil iyon ang binigay na trabaho sa akin ni Cross at ganoon ko na lamang iyon nawala. Natanggal ako kahit hindi ko naman ginusto.

Naupo ako at as usual bumungad na naman sa akin ang makalat na sahig dahil sa pee at poop ni Barney. Wala na ring gagawa nito kung hindi ako, pati si nanay Lucy iniwanan na rin ako dito ng walang paalam. Ni hindi ko alam kung saan s’ya pumunta.

Hindi ako nag tagal sa pag upo at sinimulan ko ng maglampaso ng sahig at maglinis ng mga kalat. Inabot ako ng tanghali bago matapos kaya naman ramdam ko na ang gutom. Ginawa kong busy ang buong araw ko. Sobrang nakaka-boryang kapag naka-tengga ka lang sa bahay at walang ginagawa.

Bandang alas-siete naman ng gabi nang pumunta si Russel dito para ibalik sa akin ang kahon ng gamit na iniwan n’ya sa store kahapon. Hindi s’ya nag tagal dahil susunduin n’ya din si Nicky. Pero ang kagulat-gulat ay may nag doorbell na naman sa labas.

Ang akala ko bumalik ulit si Russel pero pagkabukas ko ulit ng pinto at ng maliit na gate ay hindi s’ya kung hindi si Cross. Seryoso ang kan’yang mukha habang nakatingin sa akin at ako naman ay nakatitig lang din sa kan’ya.

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon