Chapter Twenty-Seven

1.7K 24 6
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

PRISCILLA

Talagang hindi umuwi si Cross noong gabing iyon, pero isang text message ang natanggap ko mula sa kan'ya. At isang sorry ang binanggit n'ya nang masagot ko ang tawag n'ya. Noong sandaling iyon, hindi na ako makapag-salita dahil sa sakit na nararamdaman ko. siguro nga tama na ito para sa ngayon, kailangan ko din magpahinga pati na ang puso ko. Kailangan ko ding maghanda sa mga susunod dahil hindi lang ito ang kailangan kong harapin sa buhay. At hindi lang s'ya ang taong dapat kong pahalagahan, kung hindi pati ang sarili ko.

Binigyan ko pa ng isang pagkakataon ang sarili na maghintay sa asawa ko, pero wala talaga akong napala hanggang gabi. Naabutan ko pa si Tita Theresa pati na si Tito Philip na para bang may pupuntahan dahil sa kanilang mga suot na damit. Hindi ako nag-dalawang isip na habulin at lapitan si Tita para tanungin, dahil alam kong may kinalaman si Cross sa pupuntahan nilang dalawa.

Hindi na ako nag-isip pa ng masyado, at hinawakan ko ang braso ni Tita. Alam ko ding malapit ng bumigay ang luha ko. Malapit na itong kumawalang muli. Bigla s'yang napalingon nang maramdaman ang aking kamay."Sabihin n'yo sa akin kung saan kayo pupunta ngayon." Lakas loob kong tinanong sa kan'ya.

Dahan-dahan n'yang tinanggal ang aking kamay sa aking braso at saka humarap sa akin. Buti na lang at medyo malayo ang sasakyan nila kung na saan kami ngayon, kaya hindi kami makikita ni Tito Philip dito. "In an engagement party."

Napababa ako ng tingin sa lupa dahil doon. Natatandaan ko na, may sinabi s'ya noong nakaraan sa akin tungkol sa engagement nina Myla at Cross. At sigurado akong iyon na ang tinutukoy n'ya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan n'yang magpakasal sa babaeng iyon habang may asawa't anak pa s'yang naghihintay sa kan'ya. Siguro nga may balak s'yang hiwalayan ako habang panatag na panatag na ako sa kan'ya bago ako iwan. "Pwede n'yo bang sabihin sa akin ang address ng lugar?"

"Of course, ite-text ko sa'yo ang address." Seryoso nitong sabi bago pumanhik sa kotseng nag-aabang.

--

Nakuha ko ang address tatlongpung minuto pagkatapos nilang umalis sa bahay. Pinagmasdan ko ng maigi ang anak ko habang nag iisip kung ipag-papatuloy ko pa ba ito o hindi na. Kung may higit na maapektuhan, iyon ang anak ko. Wala pa s'yang alam sa mga nangyayari. Musmos pa lamang s'ya at ganito na ang lagay ng pamilya namin. Walang maayos na estado.

Hindi nag-tagal, sinuotan ko s'ya ng maliit na cap sa ulo nito. At saka kinabit ko ang carrier ni TJ sa katawan ko para mabitbit s'ya habang dala ang mga gamit naming dalawa. Siguro naman hindi malalaman ni Tita ang gagawin ko. Handa naman akong bayaran at ibalik ang perang binigay n'ya sa akin noong una. Hindi ko s'ya tatakbuhan para lang doon. Ang hindi ko lang kaya ay ang manatiling ganito, tanga at nagkukunwari.

Pumunta kami sa naka-saad na address. Walang dudang ito na ang lugar na iyon, dahil sa mga sasakyan at sa kitang-kita pagdiriwang sa loob. Halos walang katao-tao sa labas kung na saan kami ni TJ. Ang nakikita ko lang ang guard sa entrance ng venue. Bitbit ang mga bag, ay lumapit ako sa malaking bintana. Pinilit kong hanapin ang mukha ng asawa ko sa lugar na madaming tao habang pinipilit na hindi tumulo ang luha. Mabuti dahil kalmado lang ang anak ko sa aking dibdib, hindi n'ya ako pinapahirapan.

Sa wakas ay nakita ko ang podium kung saan may isang nag-sasalita. Nag hintay ako ng kaunti hanggang sa nakita ko na ang hinahanap kong tao, ang asawa ko. Halatang pinipilit n'yang ngumiti sa harap ng mga tao, pero kitang kita ko ang lungkot sa kan'yang mga mata habang hawak ang kamay ni Myla.

Tama na ang awa. Sinabi ko sa sarili ko. Kailangan mo ding pahalagahan ang sarili mo.

Hinawakan ko ang kamay ng anak ko habang ang isang kamay n'ya ay sinisipsip n'ya. "Nakikita mo ba ang papa mo?" tinanong ko ang walang kamuwang-muwang kong anak. "Patawadin mo ako, baby TJ, dahil sa akin mapapalayo ka sa kan'ya."

(Wild One) Wild SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon